CHAPTER 17
Nagpunta si Drake sa bahay, tulad ng dati may dalang itong bulaklak at mga gamit ni avie.
"Good Evening" bati nito
"Pasok" un lang ang nisagot ko, dali-dali syang lumapit sa crib at nilaro ang bata. Tuwang-tuwa ito sa ama di maipagkakailang anak niya ito dahil magkamukhang-magkamukha para silang pinagbiyak na bunga. Maya-maya lumapit na uli sakin si Drake.
"Kumusta ka na? Nakapag-isip ka na ba?"
"Nakapagdesisyon na ako....." nakatitig sakin si Drake, hinihintay ang sagot ko.
"Sasama na kami ni Avie." biglang lumaki ang ngiti ng lalaki
"Talaga! Salamat Geri salamat, hindi mo ito pagsisisihan." sabay yakap sakin
"Gagawin ko lang ito para kay Avie pero hindi ibig nito na ok na tayo. Magsasama lang tayo para sa bata pero kanya-kanya na tayo sa buhay walang pakialaman." malamig ang pagkakasabi ko, bumitiw sya sa kin sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Kahit ano gagawin ko makasama lang kayo, hindi ako susuko hanggat hindi mo ako napapatawad at mamahalin muli." malungkot ang mata nito maya-maya ay nagpaalam na ito.
"Sige mauna na ako aasikasuhin ko pa mga papers nyo para next week makaalis na tayo. Salamat uli bye." at umalis na ito ng bahay.
Ngayon ang nakatakdang pag-alis nila Drake pabalik ng London, tuwang-tuwa sya dahil natupad ang pangarap nya na makasama ang pamilya. Hindi sya talaga umalis hanggat hindi nya nakukuha ang pamilya nya. Ilang oras dumating na sila ng London at tumuloy sa pad ni Drake.
Nakatulala si Geri sa tapat ng pintuan ni Drake naalala sya ang masasakit na nangyari sa pintuan na un, dun nya narinig ang lahat ng larong ginawa sa kanya, muling nanariwa sa puso at isip nya ang mga pangyayari.
"Come in." sabi ni Drake, pagbukas nya ng pinto ginala nya ang paningin nya sa kabuuan ng bahay, ganun pa rin walang nagbago. Naalala nya ang masasayang nangyari dito sa bahay pagweek ends dito sila lagi natambay ni Drake nagkukulitin, naglalambingan at mga intimacy moment nila. Pumasok sila sa loob.
"Saan ang room ko?" tanong ni Geri, pagbukas ni Drake ng pinto tumambad sa kanya ang napakagandang kwarto, meron ito mga gamit ng bata kumpleto mukhang pinaghandaan talaga ng lalaki ang kanilang pagdating.
"Sana nagustuhan mo." nakangiting sabi ni Drake
"Salamat."
"Sige magpahinga na kayo tulog na din si baby. Goodnight" at hinalikan nya ang bata at tumalikod na.
Naging maganda ang gising ni Geri, maaliwalas ang paligid at masarap ang tulog nya. Naligo na sya habang tulog pa ang bata, paglabas nya ito naman ang kanyang pinaliguan. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng kwarto, naabutan nyang naghahanda ng almusal si Drake.
"Good Morning!" bati nito sa kanya na maganda ang ngiti.
"Good Morning" bati nya na tipid ang ngiti.
"Hi baby! musta naman ang tulog mo?" kinuha sakin si avie at binuhat.
"Ok naman, nakapagpahinga ng mabuti."
"Let's eat" habang nakain kami nagsalita uli si Drake
"uhm Geri... alam na kasi ni mama ang nangyari satin, alam din nya na may apo na sya gusto nya sanang makita si Avie ok lang ba?"
"Oo naman, apo naman nya si Avie."
"Thanks, pinapapunta nya kasi tayo sa house mamaya ok lang ba?"
"Sige"
Napagpasyahan nilang pumunta sa ina ni Drake para dalawin ito at makita ang apo, kinakabahan si Geri kahit alam nyang mukhang mabait ang ina nito di rin mawawala sa isipan nya kung ano ang magiging reaksyon pagnakita sya. Pagpasok nila sa gate nagulat sya sa laki ng bahay ng pamilya ng lalaki, hindi maipagkakailang mayaman sila. Pagpasok nila ng bahay....
"Ma!"
"O hijo andito na pala kayo." nakangiting bati ng ginang
"Good morning po mam" bati ni Geri sabay tungo
"Good morning, eto na ba ang aking apo?" sabay kuha kay Avie
"Napakagandang bata, kamukhang-kamukha mo sya Drake." tuwang-tuwa sa apo at nilalaro
"Sit down" hindi mapakali si geri hindi sya sanay sa ganitong sitwasyon
"Anong name nya?"
"Maria Avielle Sandoval po, pero nagkausap na kami ni Drake na papalitan na ang apelyido nya aasikasuhin na lang po namin."
"Ah ok, ilan taon na sya?"
"1 yr. old pa lang po."
"Ma, Geri maiwan ko muna kayo may kukunin lang ako sa taas." umalis sandali si Drake,
(nakakailang ang sitwasyon para akong nasa hotseat at kinakabahan sa anumang reaksyon ng ina nya).
"Kumusta na kayo ni Drake?"
"Sa totoo po mam wala po kaming relasyon ni Drake, hindi po kami nagkabalikan, sumama lang po kami dito dahil sa pakiusap nya makasama ang bata. Ginagawa ko po itong lahat para kay Avie." diretso kong sagot
"Wag mo na akong tawaging mam tita na lang, alam ko lahat ng nangyari kinuwento sakin ni Drake, lahat ng naging kasalanan nya sayo." nagulat si geri sa kanyang narinig
"Alam kong nasaktan ka ng sobra, pero nakita ko din ang paghihirap ng anak ko ng nawala ka. Lagi syang naglalasing, nasa bar, minsan hindi naattend ng mga rehearsal nila kala ko nga igigive-up na nya ung career nya, minsan tinatawagan ako ng mga kaibigan nya na nagkukulong daw sa kwarto, sa totoo lang ngayon ko lang sya uli nakitang masaya Geri ngayon lang..."
"At salamat dahil pinagbigyan mo ang hiling nya, kaya sana magkaayos na kayo bilang isang pamilya sana mapatawad mo na sya." pagsusumamong sabi ng ginang
"Tita kung sana ganun lang kadaling kalimutan lahat ng sakit, Alam kong may tamang panahon para sa lahat ng ito." nakangiting sabi ko
"Sana nga hija, sana nga..." maya-maya ay bumaba na si Drake.
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...