CHAPTER 23
Geri POV:
Ininvite ako ni Drake na magdinner sa isang restaurant, tutal eh matagal syang mawawala mga isang linggo dahil meron na naman silang tour sa ibang bansa ang hirap talaga pagganito ang trabaho ng mapapangasawa mo kailangan mong magadjust sa kanya at maging understanding. Si Drake na ata ang pinaka sweet na nakilala kong lalaki us usual meron na naman syang flowers para sakin. Habang kumakain kami biglang may lumapit samin....
"Drake, Hi!" bati ng babae
"Hi Valerie" tumayo si Drake
"I want you to meet my fiancee Geri."
"Hi! so your the lucky girl." nakipagkamay ako, parang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko ano daw?
"Geri this is Valerie my...." di pa natapos
"His ex-girlfriend..... but now were good friends." napatingin kaming dalawa ni Drake sa kanya, napatingin din ako kay Drake. Kita ko sa mga mata nya na parang nagpapaliwanag sya.
"Hi nice to meet you." sabi ko ng blangko ang mukha.
"Who's with you?" tanong ni Drake
"I'm alone, can I join you?" nagkatinginan lang kami ni Drake at di pa kami nakakasagot ay umupo na sya sa tabi ni Drake, kapal ng mukha talaga pasalamat sya may breeding ako kung hindi baka kinaladkad ko na sya.
Tumawag si Drake ng waiter para kunin ang order ng babaeng hitad este ni Valerie pala na ex nya ('teh bitter lang hehehe mas maganda pa rin ako sa kanya maiksi lang syang manamit na parang pick-up girl). Pagkatapos tahimik lang akong nakain sila ang nagkukuwentuhan (teka lang moment namin tong magjowa ah bakit may umeksena sila ba ang magkadate?).
"Pano kayo nagkakilala ni Drake?" tanong nya sakin teka sasabihin ko bang PA nya ako dati parang walang class, walanghiya tlaga itong babaeng ito gusto ata akong mapahiya.
"Uhhmmm...." di pa ako nagsasalita si Drake na ang sumagot salamat sa honey ko.
"We met in Philippines, nakita ko syang naglalakad sa mall naging interested ako sa knya un kinuha ko ung number nya hanggang sa naging kami. Actually we have a baby 1 yr. old na sya." nakangiting explain ni Drake.
"Wait, so buntis na sya nung naging tayo? Don't tell me kaya kayo magpapakasal dahil sa may anak na kayo" napatingin ako kay Drake, napatingin din sya sakin nasaktan ako sa sinabi ng babaeng hitad. So ibig sabihin pa la nung time na halos naghihirap ako sa pagbubuntis nagpapakasarap si Drake sa ibang babae, kala ko ba naging miserable ang buhay nya nung wala ako. Medyo sumakit ang kabilang bahagi ng aking puso dahil saking nalaman, pero sinasabi naman ng kabilang bahagi nito na kalimutan ko na ang nakaraan. Umiinit ang aking mga mata nanunubig ito kaya minabuti kong magpaalam muna para magcr.
"Uhhhmmm... excuse me cr lang ako." dali-dali akong pumunta ng cr at nagpahid ng luha ayokong makita ako ni Drake na umiyak lalo ng haliparot ng babaeng un, medyo natagalan ako sa cr paglabas ko nakita kong nakasandal si Drake sa pader at hinihintay ako.
"Hon ok ka lang?" Syet tatanungin mo ako kung ok lang ako pagkatapos ng lahat ng narinig ko deadma ka lang, pero syempre di ko sinabi un sa isip ko lang.
"Yah" tipid kong sagot
"Tara uwi na tayo, nauna ng umuwi si Valerie." buti naman at di ko na nakita ang pagmumukha ng babaeng iyon.
Pagkasakay namin sa kotse tahimik lang kaming dalawa, nakatanaw lang ako sa bintana at pauli-ulit kong naririnig lahat ng mga sinabi ni Valerie. Hinawakan ni Drake ang isang kamay ko habang ung isa ay nasa manibela. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya, hanggang sa nakarating kami sa bahay di kami nagkikibuan. walanghiya di man lang ba mageexplain itong lalaking to sakin pagkatapos ng lahat ng narinig ko. Pumasok na ako ng banyo naligo at paglabas ko nakaupo si Drake sa may kama. Humiga na ako sa kama dahil feeling ko sobrang pagod ako hindi lang ang katawan ko pati ang kalooban ko tumagilid ako para hindi makita ni Drake na naiiyak na naman ako. Tumabi sya sakin ay niyakap ako.
"I'm sorry...." bulong nya sakin
"Alam kong date natin yon dahil matagal uli tayong di magkikita pero nasira lang kanina at alam kong nasaktan ka sa lahat ng narinig mo kay Valerie. Nung time na un na lagi akong naglalasing lagi akong nasa bar dun ko nakilala si Valerie, hindi ko sya niligawan basta naging kami lang ginawa ko un para makalimutan ka pero hindi pa rin, hindi sya sapat para mawala lahat ng nararamdaman ko sayo alam nila Santi un at alam din ni Mama kung gano ako nasaktan noon. Sana maniwala ka sakin Geri.... I'm sorry" Maya-maya naramdaman ko na parang nabasa ang balikat ko humarap ako sa kanya nakita ko na umiiyak sya.
"Hon tapos na yun ok, wag mo ng isipin un naniniwala ako sayo."
"Thank you hon, mahal na mahal kita."
"I love you more." nakangiting sabi ko.
Dahan-dahan hinalikan ni Drake sa mga labi si Geri, lumalim ang kanilang halikan nagbuhol buhol ang kanilang mga dila inilagay ni Geri ang kanyang mga kamay sa malapad na dibdib ni Drake na lalong nagpaungol dito. Mas lumalim pa lalo ang kanilang halikan mahal na mahal nila ang isa't-isa na ngayon ay nagpapalala sa buo nilang katawan. Di nila namalayan na pareho na pala silang hubad na lalo lang nagpadarang sa kanila. Dahan-dahan si Drake hanggang sa makita niya na nasasarapan na rin ito at sabay nilang narating ang rurok habang magkahinang ang kanilang mga labi.
***********
Maagang nagising si Geri kahit masakit ang katawan nya sa mga nangyari kagabi, sinikap nyang gumising ng maaga para maghanda ng almusal dahil maagang aalis si Drake papuntang airport. Paglabas ni Drake nakaligo na ito nakabihis na pang-alis.
"Good Morning hon" sabay halik sa labi
"Good Morning" nakangiting bati ni Geri
"Bat ang aga mong nagising?"
"Alam ko kasing maaga ang flight mo para makapagbreakfast ka bago umalis."
"Hay naku kaya mahal na mahal kita sobrang maasikaso ka at understanding." sabay halik sa leeg
"Pwede bang wag mo na akong bolahin nakuha mo na nga ako eh hehehe..."
"Hindi naman kita binobola totoo naman lahat ng yon." kumain na sila ng sabay at nagpaalam na si Drake
"Hon alis na ako kaw na bahala dito sa bahay lalo na kay baby ha, lagi kitang tatawagan pagmay emergency tumawag ka lang kina mama ok."
"Ok po, cge hon ingat sa byahe."
"Ok po ingat din kayo." humalik si Drake sa noo ni Geri at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...