CHAPTER 29
Naging masaya ang bakasyon ng magkasintahan, marami silang lugar na pinuntahan at nagkaron sila ng time para sa isa't-isa para maayos ang mga bagay-bagay kanilang pagsasama. Pagkatapos ng kanilang bakasyon bumalik na sila sa London. Naging maganda ang daloy ng career ni Drake madaming silang TV guesting, mga out of town and out of the country concert. samantalang si Geri lalong naging maasikaso sa kanyang mag-ama. Para silang isang buong pamilya, inaasikaso na din nila ang kanilang kasal.
Isang araw nagpunta sila sa bahay ng ina ni Lee para dalawin ito at asikasuhin ang kasal nila, ito na kasi ang nagsilbing wedding coordinator nila hands-on ito sa pagaasikaso sa lahat.
"Hi Ma, Good Morning"
"Good morning po tita"
"Ano ka ba iha tawagin mo na akong mama at malapit na kayong makasal ni Drake kaya masanay ka na" nakangiti nitong sabi sabay kuha sa bata.
"Ma how's the wedding preparation? kaya nyo pa ba?" tanong ni Drake
"Of cousre kaya ko naman and tinutulungan naman ako ni Geri, we know na busy ka ngayon kaya we understand"
"Thanks Ma, that's why I love you so much your so supportive kahit kailan" hinalikan nya ang ina sa ulo
"By the way andyan na ung sample ng wedding invitation na napili nyo, then next week for fitting na ung mga damit ng entourage at schedule nyo ng food tasting for the reception and wedding cake.
GERI POV:
Naaliw ako sa mother in law ko sobrang asikaso nya sa wedding namin kahit my business sya, in 2 months magiging Gerilyn Mendez na ako kami ng anak ko magiging legal na pamilya na kami sobrang saya ko pag naiimagin ko na naglalakad ako sa aisle at hinihintay ako ng lalaking pinakamamahal ko haist... kung pwede lang hatakin ko na ang araw ginawa ko na (excited much ang peg ni ateh). Isang garden wedding ang napili namin ni Drake trip din namin ang beach wedding pero mas nagustuhan namin ang garden wedding dahil alam nyang mahilig ako sa mga flowers.
"Sige ma ayusin ko po ang schedule ko tomorrow para matuloy na kasal namin ni Geri di na ako makapagantay eh hehehe"
"Alam ko naman na sobrang excited ka na dahil takot kang mawala si Geri hehehe" sabi ni tita, natatawa lang ako sa pag-uusap nilang mag-ina.
"Sige Ma, una na ako may guesting pa kami" paalam ni Drake, naiwan na kami ni Avie dahil minsan dun kami natutulog sa bahay nila Drake.
"Hon Una na ako uwi ako mamaya ok bye" sabay halik sakin.
Pagkaalis ni Drake nag-usap kami ni tita.
"Kumusta na kayo ni Drake? Kumusta bakasyon nyo sa Paris"
"Ok naman po kahit papano nagkaron kami ng bonding time at nakabawi naman sya sakin hehehe" sagot ko
"Mabuti at ok na kayo ng anak ko, sana pagpasensyahan mo na lang sya alam mo naman kung gano ka nya kamahal, alam ko naman na pilit mo syang iniintindi sa mga pagkukulang nya sa inyo ng apo ko"
"Alam ko naman po un kaya nga ho binigyan ko sya ng chance dahil mahal ko din sya. Mahal na mahal ko din po ang anak nyo"
"Thank you iha" at hinawakan nya ang kamay ko.
"Thank you din po tita at andyan po kayo para samin ng anak ko" napakabait ng ina ni Drake wala akong masabi namimiss ko tuloy ang ina kong nasa Pilipinas kumusta na kaya sila.
**********
Ngayon ang araw para food tasting at pagpili ng cake para sa wedding namin. Hinihintay ko si Drake na dumating dahil sabi nya sabay daw kaming pupunta.
Kring...Kring.... Kring.... tunog ng celphone
"Hello hon nasan ka na?" tanong ko
"Hon may inaasikaso pa kasi ako eh kung gusto mo mauna ka na sa caterer natin susunod ako" nalungkot ako sa sinabi ni Drake pero kailangan kong pumunta
"Ok sige una na ako dun, dun na lang tayo magkita hintayin kita"
"Ok sige, bye I love you"
"Bye, I love you too" pagkababa ko ng phone nagpunta na ako sa caterer na maghahanda sa reception namin.
Pagdating ko sinabi ko na hintayin muna si Drake at malelate lang sandali. Madami na kaming napagusapan tungkol sa kasal isang oras na ang dumaan wala pa rin si Drake sinusubukan kong tawagan ang celphone nya nagriring lang. Tinawagan ko ang ina ni Drake para magpatulong sa pagdedecide ng mga pagkain na ihahanda sa reception at para sa cake namin.
Kring........ Kring....... Kring.......
"Hello" sagot nito
"Hello tita sorry to disturb"
"Ok lang iha ano ba un?"
"Tita kasi ngayon ung food tasting namin one hour na namin hinihintay si Drake wala pa kanina ko pa po sya tinatawagan di naman po nasagot baka busy pa po, pwede po bang magpasama sa inyo kasi di po ako makapagdecide kung ano po ang mga pipiliin ko na food di ko kasi alam ang taste ng mga british hehehe... eh nahihiya na po ako sa kanila kanina pa po kasi sila naghihintay"
"Naku iha I want to help you kaya lang I'm on the meeting right now di ako makaalis dito malaki kasing customer ito" May-ari sila Drake ng isang clothing boutique dito sa London di naman ganon kalaki ang bussiness nila sakto lang kaya hands-on din sa business ang mother niya, separate na kasi ang parents nya.
"Ok, tita I understand sige po salamat" at ibinaba ko na ang telepono, tinawagan ko uli ang phone ni Drake pero nakapatay na ang celphone nito "Ano ba yan Drake kung kailan ka kailangan saka ka pa naging busy bahala na nga" sa isip-isip ko.
"I'm sorry for waiting but I think Drake can't come today, I think you can decide the list of menu for the wedding I'm really sorry" un na lang ang nasabi ko at umalis na ako naiiyak ako sa sobrang sama ng loob hindi ko alam kung magagalit ako kay Drake pero hindi naman nya siguro sinasadya ang ito, hindi na rin ako makapagdecide ng pipiliin ko malay ko ba sa taste ng mga un bahala na kung magustuhan nila ang mga food sa reception siguro naman alam ng mga chef ko ano ang dapat ihanda.
Pagdating ko sa bahay ang bigat ng pakiramdam ko gusto kung umiyak pero di ko magawa naninikip ang dibdib ko at parang may nakabara sa lalmunan ko pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama dun ko na lang ibubuhos ang sama ng loob ko. Maya-maya tumunog ang cp ko nakita kong tumatawag si Drake ilang oras na ang nakaraan tinignan ko lang un at di na sinagot ilang sandali may nagtext tinignan ko kung sino nakita ko galing kay Drake binasa ko.
<Hon I'm sorry naextend kasi ung presscon namin kaya di na ako nakahabol, bat di mo sinasagot ang call ko nasan ka na?> Drake
<nasa bahay na> Geri
<Kumain ka na ba> Drake
Hindi na ako sumagot sa huli nyang tanong sino pa ba ng gaganahan kumain sa nangyari hindi ko maalis na hindi sumama ang loob kay Drake sana man lang nagtext sya kahit nasa conference sya at inalala nya ako dun na ako naiyak at dali-daling naglandas ang mga luha sa pisngi ko.
Matagal din ako sa ganung posisyon ng marinig kong may nagbukas ng pinto malamang si Drake un wala ng iba biglang narinig ko ang pagbukas sa kwarto namin nagpanggap akong tulog na ayoko munang mag-usap kami ayokong makita nya na umiyak ako bahala na bukas.
BINABASA MO ANG
If you come back (on-going)
HumorPano mo ipaglalaban ang inyong relasyon kapag nalaman mo na isa lang laro ang lahat? May magagawa ka ba? Maipaglalaban mo ba sya kung hindi ka nya totoong mahal? O bibitaw ka na lang...... Sundan natin ang magiging kapalaran nila Geri at Drake kung...