Chapter 12

196 3 0
                                    

CHAPTER 12








Nakapagisip-isip ako na tatapusin ko lang ang buwan na ito at uuwi na ako ng Pilipinas bago pa nya mahalata na buntis ako, tama hindi ko na ipapaalam kay Drake ang nangyari sa kin, papalakihin ko ang aking anak sa sarili kong sikap, magsisikap akong buhayin sya ng mag-isa kakayanin ko un, di ko kailangan ang tulong ni Drake yan ang sinaksak ko sa aking isipan. Hindi nya dapat malaman ang lahat ng ito.









Naging maayos na ang pagtatrabaho ko ng mga nagdaang araw, ngunit isang araw...









"Geri you look pale, Are you ok?" tanong sakin ni santi habang nagbibigay ako ng tea sa kanila.










"Ok lang po ako sir" matamlay kong sagot. Maya-maya bigla akong nasusuka, tumakbo kagad ako sa banyo bago pa ako mahalata ni Drake.









"Di kaya may sakit si geri, lam mo Drake nakita ko sya nung nakaraan galing syang ospital tapos parang ang lalim ng iniisip." sabi ni Santi










"Kailan mo sya nakita?" tanong ni Drake









"I think mga 2 weeks na un?"









Drake POV:




Nasa studio kami nila Santi ng biglang tanungin niya si Geri.










"Geri you look pale, Are you ok?" tanong ni santi










"Ok lang po ako sir" habang nakatitig ako kay geri bigla syang tumakbo palabas ng studio. Ano kayang nangyari dun sa isip-isip ko.










"Di kaya may sakit si geri, lam mo Drake nakita ko sya nung nakaraan galing syang ospital tapos parang ang lalim ng iniisip." sabi ni Santi, nagulat ako sa sinabi nya biglang napa-isip ako, possible pero pwedeng hindi kasi isang beses lang namin ginawa un.










"Kailan mo sya nakita?" tanong ko sa kanya










"I think mga 2 weeks na un?" maya-maya biglang bumukas ang pinto humihingal si Lee.










"Drake si Geri hinimatay sa restroom! Dali!" sabi ni Lee, dali-dali akong nagpunta sa cr at nakita ko syang nakahiga sa sahig. Binuhat ko sya at dinala sa malapit na ospital.









"Geri please wake-up, ano bang nangyari sayo?" sabi ko sa kanya habang nagmamaneho pero wala pa rin syang malay. Dinala ko sya sa emergency room at sabi maghintay lang ako sandali para sa result. Ilang saglit pa lumabas na ang doctor.









"Doc what happen to her?"









"Don't worry sir, these are the symptoms of a pregnant woman. Congratulations sir!" I was shock when I heard that Geri is pregnant. Oh my god! daddy na ako, sobrang saya ko ng malaman ang kalagayan nya pero nagaalala pa rin ako dahil alam kong galit sya sakin at di pa ako napapatawad. Kailangang alagaan ko sya di ko sya pababayaan, pero bakit hindi nya pinaalam sakin? Hindi pa kaya nya alam na buntis sya? pero sabi ni Santi nakita nya daw si Geri galing ospital at parang malalim ang iniisip di kaya un ang problema nya? Hay.... saka ko na iisipin un ang importante ligtas sya at inilipat ko sya ng private room.









Umalis muna ako sandali para bayaran ang bill ni Geri habang natutulog sya dahil paggising nya hindi ko na sya papayagang malayo sakin at iuuwi ko na sya sa bahay ko.









Geri POV:




Nagising ako na puro puti ang aking nakikita, nasaan ako? Ang huling kong naalala ay pagkatapos kong magsuka ay nahilo ako sa cr at nawalan ng malay. Maya-maya may dumating na nurse at tinignan ang kalagayan ko, nasa ospital pa la ako. Naisipan kong umalis na ng ospital bago pa ako maabutan ni Drake, tumakas ako at umuwi sa aking tinutuluyan. Napagpasyahan ko na magligpit na nga mga gamit ko sa maleta para makauwi na ako sa pilipinas bukas, malamang alam na ni Drake ang kalagayan ko at maaring sya ang nagdala sakin sa ospital bago nya ako maabutan dapat makaalis na ako. Pero dadaan muna ako bukas sa studio para iwan ang resignation letter ko kay Drake para walang hussle.








Drake POV:




Pagbalik ko sa kwarto ni Geri wala na sya, mukhang tinakasan talaga ako pupuntahan ko na lang sya sa kanila malamang umuwi na un, buti na lang bayaran ko na ang bill. Umalis ako kagad at nagpunta sa unit ni Geri.









**********





Dumating si Drake sa bahay ni Geri at dali-dali syang nagdoorbell. Habang nagaayos si Geri ng gamit narinig nya ang doorbell, alam nya na sinundan sya ng lalaki hindi nya alam ang kanyang gagawin kung pagtataguan ito o kakausapin nya. Maya-maya narinig nya na parang ginigiba ang pinto nya sa sobrang lakas ng pagkatok dito. Wala na syang nagawa kundi pagbuksan ito.









"Anong ginagawa mo dito?" malamig nyang tanong.









"Bakit di mo sinabi sakin na buntis ka pala?"









"Bakit pa? Para saan? di ka namin kailangan, umalis ka na.









"Kailangan ako ng anak ko."









"Anak? Wala kang anak, pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakin ngayon andito ka! umalis ka na!" sabay pasok ni Geri sa kwarto ngunit sinundan sya ni Drake.










"Bat ka nageempake? san ka pupunta?"









"Uuwi na ako ng Pilipinas."










"Bakit ka aalis?!"









"Para makapagsimula ng panibagong buhay ng wala ka at para makalimutan lahat ng nangyari sakin. Don't worry magpafile ako ng resignation bago ako umalis para maayos ang lahat." biglang niyakap ni Drake si Geri sa likod nagulat ang babae.









"Geri, I'm sorry please forgive me. Alam ko mali ako ng pagpustahan ka at paglaruan pero bago pa matapos ang larong iyon nahulog na ako sayo mahal na kita. Hindi ko lang nasabi sayo kagad kasi natatakot ako na mawala ka pero lahat ng pinapakita at gingawa ko totoo un di ako nagpapanggap. Please I'm begging you!" sabi ni Drake na namumula ang mukha na sa susunod na sandali ay maari ng umiyak.









"Drake please... ayoko na, tama na, sobrang na akong nasaktan ayoko ng maulit pa." hanggang sa tuluyan ng tumulo ang mga nagbabadyang luha ni Geri.









"Ayoko… hindi ko kaya wag mo akong iwan, gagawin ko ang lahat para maging maayos tayo ang relasyon natin lalo na ngayon magkakaanak na tayo. Please..." lalo pang hinigpitan ni Drake ang pagkakayakap.









"Nakapagdesisyon na ako Drake aalis na ako, please... umalis ka na wala na tayong dapat ayusin dahil tapos na satin ang lahat, ayoko na Drake  ayoko na….huhuhu…" at inalis na nya ang pagkakayakap sa kanya. Wala nagawa si Drake nung gabing yun kundi lumisan ng mabigat ang pakiramdam. Samantalang si Geri parang madaming karayom ang tumutusok sa kaibuturan ng kanyang puso sa sobrang sakit na kanyang nadarama, tinapos na nya ang kanyang pag-eempake para sa pag-alis nya bukas.









Kinabukasan maagang nagpunta si Geri sa studio para iwan ang kanyang resignation letter hindi nya inaasahan na makikita nya si Santi.









"Uhmm... Good Morning, pwedeng pakibigay kay Drake nitong resignation letter ko." bati nya kay Santi sabay abot ng sulat.









"Magreresign ka na? teka bat may mga maleta kang dala san ka pupunta?" tanong ni Santi na may pagtataka.









"Uuwi na ako ng Pilipinas, dinala ko lang itong sulat. Sige alis na ako salamat." sabay talikod ni Geri, hinawakan ni Santi ang braso nya at niyakap.










"Sorry sa lahat, kung hindi dahil sa amin hindi kayo magkakasira ni Drake, Sorry talaga." tila naluluha na naman si Geri sa mga narinig, lumayo na sya sa pagkakayakap ni Santi.










"Sige mauna na ako pabigay na lang ng sulat, bye." sabay talikod at muli tumulo na ang kanina pang pinipigilan na mga luha.










Sumakay kagad si Geri sa taxi papuntang airport at ilang sandali lang ay nakarating na sya at nagcheck-in. Nakaupo sya sa waiting area habang hinhintay ang flight nya samantala pagkaraan ng  ilang oras dumating si Drake sa studio dali-daling lumapit si Santi sa kanya.










"Drake bat ang tagal mo?!" sabi ni Santi habang humahangos.









"Bakit?"









"Dumaan si Geri dito pinapabigay nya resignation letter."









"Nasan na sya?!"










"Malamang nasa airport na un ngayon ang alis nya bilisan mo baka maabutan mo pa!" dali-daling lumabas si Drake at sumakay ng kotse nya papuntang airport.









Pagdating nya sa airport hindi na nya naabutan si Geri nakaalis na ang eroplanong sinakyan nito, tila pinagsakluban sya ng langit at lupa sa sakit na nararamdaman nya. Napaupo na lang sya sa upuan habang sapo ng kanyang mga palad ang mukha.









Sa eroplano habang nakadungaw sa bintana si Geri iyak sya ng iyak masakit man sa kanya ang lahat ng desisyon kailangan nyang isakripisyo ang kanyang kaligayahan para lalaking kanyang minamahal dahil alam nya wala syang dapat balikan.









If you come back (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon