Chapter 5

1.7K 194 75
                                    

"How about this one?" I asked Charlie about this knee-high red dress.

Nandito kami ngayon sa isang mall upang mag-shopping bago umuwi bukas pabalik sa Romblon. Buti na lamang ay nag-ayang mag-shopping si Charlie.

"Looks good on you!"

Ngumiti ako at tumango. I guess this will make me more matured If I'll wear this. Kaya naman ay kukunin ko ito.

Pagdating ko sa condo na tinutuluyan namin ni Mommy, dumiretso ako sa kwarto. Sa lapag ko muna ibinaba ang mga pinamili ko. Masasabi ko na maganda rin ang interior ng condo na ito.

I also took a cold shower for me to rest. Its only six in the evening but I feel so drained. Maybe because I got a hectic day. Simula kasi nang pumunta ako dito sa Manila ay naging busy na ako para lamang matuto tungkol sa designing. I got a lot of fun doing it.

I decided to wear a spaghetti strap and cotton shorts. After that, I went to the veranda. Dala ang phone ko, kumuha ako ng mga larawan ng city lights. Matagal-tagal na rin ng huli akong pumunta ng Manila at namiss ko talaga ang syudad.

Suddenly, a text message from Wyntria popped up.

From: Wyntria

Uuwi kami ngayon ng Romblon. Ikaw? Kailan ang uwi niyo?

Mauuna pala siyang umuwi sa akin. Tiyak maraming ikukwento iyon pagbalik lalo't nandoon ang matagal na niyang gustong lalaki. Naiisip ko lang kung iyon parin samantalang marami akong mababalitaang manliligaw niya.

Ako:

Bukas pa ang uwi namin sayang 'di tayo mag-aabot.

The next day, I woke up early so I'll organize my bags. Mga tanghali pa raw ang flight pero inagahan ko talaga. Sa isang maletang dala ko naroon ang ibang pasalubong para kay Manang Pencha at Wyntria. Mga pinamili ko namang damit sa isang mas malaking maleta.

Nang nasa airport na kami ay naghintay pa kami ng kaunti para magpalipas ng oras. Medyo inagahan namin sa pag-alis dahil ayaw magpa-late ni Mommy.

"Kumusta na nga pala iyong bestfriend mo na si Wyntria? I got a call from Heidi that they'll return to Romblon today," she asked while scrolling her phone.

Tita Heidi is a close friend of her. Magkaklase raw sila noong high school hanggang college.

"Ah, opo. Nag-text po sa siya sa akin kagabi," I simply replied.

"They are inviting us for a dinner when we land there. So please, If you have plans today, make sure to be at home at six, okay?" she said as sge turned hee attention to me.

I only nodded at her as a response.

"Welcome home po, Ma'am. Halika na po sa kusina at nakahain na ang pananghalian ninyo," salubong agad ni Manang Pencha sa amin.

"Pakipasok na lang po ang mga gamit, Manang. Ada will help you." Mom said tiredly as she walks towards the stairs.

"Manang! Na-miss po kita!" kaagad ko siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap.

Napatawa siya at hinagod ang likod ko.

"Naku! Naglalambing ang dalaga ko," she slightly pinched my arm.

Ngumiti lang ako.

"Nasaan po pala si Daddy?" tanong ko habang dinadala ko ang ibang maleta sa loob.

"Mamaya pa po ang uwi niya. Nasa Anloague pa at busy dahil sinimulan na ang paghaharvest noong nakaraang linggo," sabi niya na tumutulong na rin sa pinahuling maleta.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon