Chapter 24

1.9K 131 18
                                    

Nagising ako sa mga mumunting bulong na naririnig ko. Nakaramdam ako ng hilo at pagkauhaw.

"Ada? Gising na siya!"

Tuluyang ko ng naimulat ang mga mata ko at iginala iyon sa paligid. Una kong nakita ang mga nag-aalalang mukha ni Tito Alexis at Wyntria.

"How are you feeling? May masakit ba sa 'yo?" sunud-sunod na tanong ni Tito sa akin.

Napalunok ako at sinubukan kong umupo. Inalalayan niya ako para isandal ang katawan ko. Napatingin ako sa braso ko at nakita na may nakaturok na karayom.

Biglang naalala ko si Felix. Bakit wala siya dito? Iginala ko muli ang paningin ngunit sila lang ang nakita ko sa loob ng kwarto. Kumunot ang noo nila.

"Heto ang tubig," alok sa akin ni Wyntria at agad kong tinanggap.

Pagkatapos ay tumingin muli ako sa kanila.

"Nasaan po si Felix? S-Siya po ang nagligtas sa akin," marahan kong sabi.

Okay naman na ang pakiramdam ko at sa una lang may pagkahilo. Sigurado ako ng wala akong masyadong mga sugat. Basta ang inaalala ko ay si Felix. Siya ang nagligtas sa akin noong mga oras na nawawalan na ako ng pag-asa pa na baka hindi na ako mabuhay. Gusto ko siyang makausap at makapagpasalamat.

"Uh... Tinawagan niya kami pagkadala sa 'yo dito sa ospital. Dumating kami at wala na siya. Kaya nag-stay na kami dito para bantayan ka," paliwanag ni Wyntria.

Napalunok ako at naisip siya. Ayos lang kaya ang lagay niya? Pumikit ako ng mariin.

"Makakalabas na po ba ako dito?" tanong ko kay Tito.

Nakaupo siya ngayon sa tabi ko. Si Wyntria naman sa kabilang gilid ko.

"Iyon ay kung maayos na ang pakiramdam mo. Sabi ng doctor wala ka naman major injuries at puwede ka ng lumabas," he replied.

Huminga ako ng malalim bago tumango. Inaalala ko si Felix. Bakit ba kasi niya 'ko iniwan basta-basta? Napanguso ako habang iniisip ang mga huling sinabi ko sa kanya.

"Sige po, ayos lang naman po ako. Gusto ko na pong umuwi," sabi ko.

Tumango siya sa akin.

"Okay. Sasamahan kita roon sa condo mo," wika ni Wyntria.

Pumikit lamang ako ng mariin at saka inisip ang mga armadong lalaki na gumawa sa akin nito.

"Nahuli na po ba si Mr. Alvarez? May pakiramdam ako na mga tauhan niya po ang may gawa niyon sa akin."

Marahas na huminga si Tito Alexis bago nagsalita.

"Buti na lamang at nahuli sa akto ang walang hiyang iyon. Mga tauhan niya 'yon at binalak na patayin ka. Nasa kulungan na siya ngayon," he declared angrily.

Buti naman at nahuli na siya. Halos mamatay ako sa kaba nang makita ang mga armadong lalaki na 'yon. Wala pa naman akong kasama at nag-iisa. Hindi ko naman sila kayang labanan dahil wala akong alam sa mga self-defense. Akala ko talaga iyon na ang katapusan ko at wala na akong chance para makita man lang ang mga puntod nila Mommy at Daddy.

Pagkatapos naming managhalian, napagdesisyunan ko ng mag-aya para makauwi na. Naiwan si Tito para magbayad ng bill at sumama sa akin si Wyntria.

Inaalalayan niya ako para makapaglakad pero hindi naman na kailangan dahil ayos na ang pakiramdam ko. Paglabas namin ay may nakaabang na kotse at agad kaming sumakay doon.

"Ito nga pala ang cellphone mo. Nakita ko lang 'to sa table nakapatong, siguro iniwan ni Felix," inilahad niya sa akin iyon.

Bago iyon at mukhang pinalitan niya 'yung isa na sinira niya. Tsk!

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon