Hindi talaga naging maganda ang epekto ng mga narinig ko kanina. Wala naman akong nababalitaan na may girlfriend na pala siya. Kung ganoon, bakit wala akong nakitang may kasama siya na babae. Wala ring nabanggit si Tatay Roldan.
Kaya punung-puno na naman ang isipan ko sa ngayon. Maybe I should ask him? Pero magmumukhang tanga lang ako sa harapan niya at nakakahiya iyon. Baka isipin niya na masyado akong head-over-heels sa kanya.
Bakit hindi nga ba?
"Uy! Tulala ka riyan," tinig ni Wyntria ang nagpabalik sa aking katinuan.
Napailing lamang ako at saka sumipsip sa milk tea ko. I chose my favorite flavor which is the Wintermelon. Frappe naman ang kanya.
"Si Felix na naman ba ang iniisip mo? Gosh, Ada! I thought this will be our time?" she whined at me.
Ngumuso ako at naglalambing na niyakap ang braso niya.
"Hindi na talaga, promise."
Tumawa siya at kinurot ako sa tagiliran.
"Okay. Tara na at mag-shopping na lang tayo. Kalimutan muna natin ang mga lalaking iyan!" I laughed at her remark.
Sumabay siya sa tawa ko at pinuntahan ang mga gusto naming mapuntahan. Natatawa na lang ako kapag ang mga pinipili niya ay masyadong skin revealing na mga damit.
"Mukha ka ng malandi riyan, Wyntria.nNaku, mas mai-inlove si Ramir sa iyo niyan!" hagikhik ko sa kanya.
"Dapat lang, 'no! Napakaganda ko naman para hindi niya mapansin," she proudly said.
Madrama akong umubo at parang nabibilaukan.
"So damn confident," sabi ko na lang.
Pumili rin ako ng mga damit at karamihan ay mga top or blouses lang. Sinukat ko ang iba at sa huli ay sabay kami na nagbayad ni Wyntria.
"Sa tingin mo ba sa Manila ka mag-aaral para sa college?" she asked me while gathering the bags.
Kinuha ko ang iba bago sumagot.
"I still dont know. Mas gusto ko nga na dito na lang ako magcollege pero hindi ako tiyak papayagan. They want me to handle El Montej when the right time comes."
Naglalakad na kami ngayon patungong cinema. Marami rin ang mga tao ngayon sa mall at karamihan ay mga couples.
"For sure Tita Alejandra will enroll you in an elite University. Kung doon ka sa Manila mag-aaral, sana ay magkasama pa rin tayo," nakangiting sabi niya sa akin.
"Sana nga," I replied to her.
Kung sa Manila man talaga ako mag-aral, siguro nga ay hindi talaga kami ni Felix. Iiwan ko na siya dito at isa lang ang ibig sabihin niyon, magkakahiwalay na kami at mayroon ng kanya-kanyang buhay. I know that since the day I stalk him. There will be an end to this and feelings are not an exemption.
Huminga ako ng malalim.
"Is that Paula Santiago?"
That name immediately caught my attention. Tumingin ako sa sinasabi niya at iyon ang babaeng narinig ko kanina tungkol kay Felix. Kasama niya pa rin ang dalawang babae.
"Sino ba siya?" I'm almost disgusted by saying her name. Para bang ayaw na ayaw kong sabihin ang pangalan niya.
"She is the campus crush of our school. Transferee siya last year at mabilis na naging famous dahil sumasali siya sa mga beauty contest sa school," sabi niya at napahinto na rin.
Napalunok ako nang makita na tumawa siya. I cant help but feel the rush of insecurity in myself. The way she laugh is like a goddess' bliss. Napakahinhin niya gumalaw at nakikita ko na parang may nagniningning na ilaw sa paligid niya.
May nakikita rin ako na mga napapatingin na mga lalaki habang napapadaan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomansaCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...
