Chapter 16

1.5K 137 25
                                    

Gabi gaganapin ang birthday ko. Mula sa aking kwarto, tanaw ko na abala ang ilang tauhan na tinawag ni Mommy upang mag-ayos. Mula sa pag-aayos ng tables, sa paghahanda ng pagkain at pagdidesenyo ng paligid.

Napa-upo na lamang ako sa kama at nakaramdam ng pagkabagot. Napadako ang tingin ko sa isusuot ko na nasa gilid ko lamang. Napangiti ako nang nahaplos ng palad ko ang tela ng napili kong damit. Nasukat ko na ito kahapon at masasabi ko maganda ang pagkakagawa niyon. Simple lang ito at abot hanggang ibabaw ng tuhod.

Natigil lamang ako sa pagtingin nang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako para buksan iyon. Unang bumungad sa akin si Manang Pencha bago ko nakita ang isang babae sa likod niya.

"Siya ang pinadala ni Madame para mag-ayos sa'yo," sabi niya at ipinakilala sa akin ang babaeng nasa likod.

Ngumiti lamang ako at pinapasok siya sa kwarto. Umupo ako sa sa upuang nasa harap ng vanity table ko. Inilapag niya ang gamit sa table at saka tumingin sa akin. I think she's in mid thirties.

Tinitigan niya ang mukha ko at parang sinuri muna.

"Hmm... I think light make-up will do for you. What do you think about that?" sabi niya habang inilalabas ang mga gamit sa bag niya.

"Sige po. Mas okay rin kung natural look lang po," sabi ko lang at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga gamit doon. I saw different kinds of eyeshadow palette and set of brushes. Namamangha ako kapag nakakalita ng mga ganoon dahil hindi ko pa alam ang paggamit niyon.

Bumaling siya sa akin hawak na ang isang palette.

"Okay. Maganda ka naman na pero naisip ko kung gawin kitang isang totoong manika."

Natawa ako roon at sinimulan na niya ang pagmake-up sa akin. Ngayon pa lang ay naiisip ko na kung anong mangyayari mamaya. There's excitement but I still empty. Sayang at hindi ko naman makakasama si Felix. I just think that it will be a romantic night for me if Im with him.

Pero alam ko na imposible iyon. Well, ganoon naman talaga. Lahat posible at kaya kong gawin ngunit nagiging imposible na kapag siya na ang involve. Malapit lang siya pero ang hirap niyang abutin. He's like a star called Sun but it's burning radiance made it hard for me to reach it.

Kung may papangarapin man ako ay siya iyon at makamit ko na maabot ko na siya. Kapag nangyari iyon, ako na ang pinakamasayang babae. Dahil alam ko na ako ang unang nakaabot sa Araw at makapiling iyon.

Pagkatapos akong ayusan, lumabas na siya at nagbihis na ako. Nakita ko sa salamin na medyo kinulot ang dulo ng mahaba at tuwid kong buhok. Umaalon iyon kapag gumagalaw ako.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko na si Mommy na nakaupo sa kama. She looks elegant with her white long dress. Nang makalapit ako sa kanya ay hinawakan niya parehas ang kamay ko at tinitigan sa mga mata.

Ngumiti ako sa kanya.

"Happy birthday, my dearest princess," matamis na pagkakasabi niya sa akin.

"Thank you po."

"Tara na sa baba. Naghihintay na ang lahat sa 'yo," sabi niya at iginiya na ako.

Mga yakap at pagbati ang sumalubong sa akin pagkababa ko. Gumagawa ng kaunting ingay ang ilan dahil sa nga kuwentuhan at tawanan. Nakita ko na kausap ni Daddy ang ilang businessman na inimbita niya.

"Here's my beautiful daughter," Daddy announced when I approached their table.

"Hello po. Thank you for joining tonight," I said to them politely.

Ginawaran ko sila ng ngiti.

"Mr. Montejo, I think she and my son will be a perfect pair. Ano sa tingin mo?" said a man wearing a black tux.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon