Chapter 22

1.6K 137 23
                                    

Nauna akong lumabas ng elevator at agad na pumasok sa opisina ko. Mabilis ang takbo ng puso ko kaya nagmamadali ako. Narinig ko ang pagtawa niya at nag-echo 'yon sa pasilyo. Damn! Nang-aasar talaga ang loko!

Isasarado ko na sana ang pintuan at ilolock na ng mabilis niyang hinawakan ang itaas ng nito. Nanliit tuloy ako sa posisyon niyang 'yon.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba kasi nandito itong asungot na 'to?

"What are you doing, Mr. Primotivo?" mariin kong sabi sa kanya.

Nakangisi na naman siya at tumaas ang isang kilay niya. Gamit ang kaniyang kamay na nakahawak sa pinto, tinulak niya iyon at napatras ako sa kanya.

"Ano bang problema mo?!" galit kong sigaw.

Sumipol lamang siya at tuluyan ng nakapasok sa loob ng opisina ko. Napahilamos lamang ako ng palad at sinundan siya. Sinarado ko na rin ang pintuan dahil baka may makakita sa amin.

Tsk! Ano naman kung may makakita? It's not like I have a secret with him.

"Damn! I love your angry face, baby," sabi niya at prenteng umupo sa sofa.

Nagmartsa ako sa harap niya at galit pa ring tumingin.

Sa tingin ko, hindi ako matatapos sa mga gagawin ko ngayon kung nandito siya at patuloy na manggulo. Nakakainis lang talaga siya! Bukod sa doon, naaalala ko ang mga nangyari sa mansion. Hindi ko nga alam kung anong ginawa niya at nakatulog na lang ako sa kama niya.

I blushed at that.

"Ano bang kailangan mo at nandito ka sa Manila?" mas mahinahon na tanong ko sa kanya.

"Bakit ba umalis ka na lang bigla? Paggising ko wala ka na sa kama," nakanguso niyang sabi at humilig doon sa sofa.

Pinapaulit-ulit pa talaga sa harap ko. Oo na, natulog na ako sa kama mo! Bwisit.

I licked my lower lip as he gazed at my body. Nahinto ang mga mata niya sa damit ko pang-itaas. Ngumuso siyang muli. Bigla akong naconscious sa titig niya kaya agad akong nagtungo sa lamesa ko.

"Have you eaten your breakfast?" tanong niya at tumayo siya sa sofa.

Nakaupo na ako sa swivel chair nang makalapit na siya sa akin. Ano na bang gagawin ko sa iyo? Ang kulit-kulit mo!

"As I said it's none of your business–"

Natigil ako ng hawakan niya ang likod ng swivel chair ko at walang kahirap-hirap na iniharap sa kanya. Umawang ang labi ko sa ginawa niya. Bumaba ang mukha niya sa akin at naramdaman ko kaagad ang hininga niya. Umiwas ako kaya tumama ang hininga niya sa tainga ko. Napalunok ako sa ginawa niya.

"It's my damn business, Ada. Can't you see? Ikaw lang ang inaalala ko," his husky voice sent a wonderful tingling sensation in my body.

I wonder kung sinabi niya rin ba 'yon sa mga babaeng dumaan sa buhay niya noong wala ako sa tabi niya. How painful it was for us. Hindi ko man lang siya nakausap bago umalis nang gabing 'yon. Akala ko pagkatapos ng kaarawan ko, magiging mas masaya at makulay ang relasyon namin lalo na noong sinagot ko siya.

Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pintuan. Naalarma ako doon at napatayo ng 'di oras.

"Ada? Si Wyntria 'to. Papasok ako, ah," boses iyon mula sa labas.

Nakalock 'yon kanina bago ko harapin si Felix. Tumingin ako sa kanya at hindi ko man lamang siya nakitaan ng pagkataranta. Napakagat ako sa labi.

Bumaba ang tingin niya doon at nanlambot ako. Umiling na lamang ako at mabilis siyang itinulak papunta sa banyo.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon