Chapter 21

1.6K 146 31
                                    

"I just don't get it, Tito. Sinasabi niya na hindi raw sila ang may gawa niyon samantalang nasa kanila ang Anloague! This is so frustrating," I sighed.

Nang dumating si Tito Alexis, kanina ko pa sinasabi ang lahat nang nalaman ko galing sa Romblon.  Hindi pa siya nagsasalita at tahimik na nakikinig lamang sa akin. Siguro ay may iniisip lamang siya.

Huminga siya ng malalim at tumuwid ng upo.

"You know, I gained an information about that," tumayo siya sa sofa at tinungo ang table upang magsalin ng tubig.

Kumuot ang noo ko sa sinabi niya.

"What is that?" I asked him.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay humarap siya sa akin.

"Sinabi sa akin ng mga binayaran kong tauhan na hindi nila nakita ang mga nagbomba sa mga tao ng Primotivo. Eventually, nakita nila ang isa sa mga nagbomba sa mga tauhan ng isang business investor ng Daddy mo," sabi niya.

Now, this is more frustrating! Ayokong maniwala sa sinabi ni Felix sa akin hangga't hindi ko 'yon mismo napapatunayan. Pero nang sinabi mismo iyon ni Tito Alexis, para akong nasabuyan ng tubig.

"Matagal naman daw silang nagmanman at binabantayan lahat ng galaw nila. At isa lang ang nakikita nilang maaaring maging amo nila."

Napalunok ako habang hinihintay na dugtungan niya ang sasabihin. It's interesting to finally know whoever that heartless person.

"Mr. Alvarez daw ang pangalan at isa siya sa mga dumalo ng kaarawan mo," he declared.

Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya. I knew Mr. Alvarez because he's one of the main investor of the sugar plantation. Daddy even went to a business trip with him. Ang alam ko ay lagi silang magkasama at isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Dad. So it was a shocking truth for me.

"S-Sigurado po b-ba kayo?" nanginginig na tanong ko sa kanya.

Kung siya man talaga ang puno't dulo ng lahat! Masasabi ko na makapal ang mukha niya! Heck! He even attended my own fucking birthday. That old dirty man is not a human but a devil himself. And I'm such a coward for accusing someone who's innocent.

Innocent? Teka! Baka naman innocent yet handsome!

Mariin akong napapapikit sa nga naisip ko. Come on, Ada! Hindi ito ang oras para isipin ang lalaking iyon. Lalo na 'yung part na natulog ka kasama siya sa iisang kama. Shut it!

"Oo, sigurado ako dahil ako na mismo ang nagpunta kung saan siya nagtatago ngayon. Nasa San Rafael, Bulacan siya nagtatago," he replied.

That old man! Nakuha pang magtago! Akala ba niya makakatakas siya sa ginawa niyang kasalanan. Napahilot na lang ang sa sentido ko habang iniisip lahat ng nalaman ko. This is a tiring day.

Sa huli ay nagdesisyon na siyang umuwi. Hinatid ko siya sa may pintuan.

"Always lock your door. Huwag ka ring palaging lumabas lalo na kapag gabi. Although this is a secured condo, mag-ingat ka pa rin. Sa ngayon, aalamin ko muna ang dahilan ng matandang iyon kung ano ang habol niya sa atin," he said using his authoritative voice.

Tumango ako.

"Opo. Thank you po, Tito."

Naglakad siya paalis at tinungo na ang elevator. Sinarado ko na ang pintuan at saka tinungo ang kama upang mahiga. Tumingin ako sa kisame at ninamnam ang tahimikan. Inilagay ko ang isang braso ko sa mga mata ko. Handa ko na sanang ipikit ang mga mata ko ng tumunog ang cellphone ko. Isang text iyon galing kay Wyntria.

From: Wyntria

Sorry, Ada. Mukhang matagal yata ako matatapos sa blueprint na ginagawa ko. Bukas na lang siguro.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon