Chapter 10

1.6K 159 25
                                    

I am too afraid to start a conversation. Tahimik lamang kami habang naglalakad pauwi. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa kanya. Naroon pa rin ang pagkunot ng noo niya at mukhang seryoso.

"Ang sarap talaga nitong milk tea! Thank you nga pala rito," I giggled.

Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Wala na akong magawa kundi ang patuloy na ngumiti para kahit paano'y hindi ako kabahan. Nakita kaya niya ang pag-uusap namin ni Jeff. What would he think now? Baka isipin niya na may iba ako bukod sa kanya.

I continue to sip in my milk tea as we walk through the sands. Mga tunog lamang ng buhangin sa bawat pag-apak namin ang naririnig sa pagitan namin. May mga nadadaanan kaming shells at kumukuha ako ng isa ngunit tinatapon din pagkatapos tingnan.

Hanggang sa napansin ko na iba ang direksyon ang pinupuntahan namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa maliit na boses.

Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. At dahil huminto ako ng kaunti, nauna na siya ngayon sa akin.

What is his problem? May nagawa ba akong masama? Oh fuck!

Galit ba siya?

Tinakbo ko ang pagitan namin at saka mariing hinawakan ang cup mg milk tea.

"Felix!" sigaw ko ng umakyat siya sa isang batong hagdanan. Sinundan ko lamang siya doon at pumanhik na rin.

Nang makarating ako itaas ay doon ko nakita ang napakagandang tanawin. Lumapit ako kaunti at nasa likod lamang niya ako. I wandered my eyes in the place and adore every part of it. Nasa isang mataas kaming bahagi at kita ang malawak na karagatan ng isla. Pinadulong bahagi ang Calatrava sa isla kaya ang malawak na dagat ang masisilayan kasunod nito. I can see the wild waves flowing from the North. Napangiti ako sa nakita.

Itinuon ko naman ang atensyon ko kay Felix na nakaupo na sa mga damuhan. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"Felix," untag ko sa kanya.

He watched the view intently. Para siyang nakatitig sa kawalan at may sinabi sa isipan niya. Inilagay ko ang palad ko sa hita niya para makuha ko ang atensyon niya.

Lumingon naman siya sa akin sa isang masungit na paraan. His one leg is sprawled on the ground while the other one is folded. Nakapatong ang isang kamay niya doon at ang isa ay nasa baba.

"Anong problema? Are you mad at me?" nakanguso kong sabi.

Kumibot ang labi niya ng marinig iyon. Mas lalo akong lumapit sa kanya at naramdaman ko na ang braso niya sa gilid ko. Kita ko ang pink na box sa bandang ito. Naroon lamang iyon sa gilid niya sa kabila.

"Manliligaw mo ba iyon?" he gritted his teeth. His voice is like a sharp-edged sword.

Huminga ako ng malalim at tumitig sa mga mata niya na madilim pa pa rin. I bit my lips as I looked at his whole face. Bumaba ang tingin ko mula sa mga mata niya patungo sa matangos na ilong, mapupulang labi, at sa kanyang panga.

From his thigh, I dragged my hand to caressed his jaw. Hinawakan ko iyon at marahang ipinihit paharap sa akin.

There is a bit of shocked in his face but it fades away. Napalitan iyon ng pagkamangha.

"Hindi ko manliligaw si Jeff," halos pabulong kong sabi.

If he's the cause of his anger, then I'll glady explain to him that he's the only one who can court me. He'll be the only one to own everything of me.

"Kung ganoon bakit ka niya binigyan ng regalo?" sabi niya habang malamyos na nakatingin sa akin.

Ibinaba niya ang kamay ko na nakagawak sa panga niya gamit ang kanyang kamay.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon