Naging mabilis ang mga araw at nagsimula na ang unang araw ko sa school as a Senior High student. Kung mahirap ang Grade 10 student dahil napakaraming projects, assignments, portfolios na mga ipinapasa, mas mahirap at challenging ngayon. Marami nang gagawin na mga "baby thesis" para ihanda sa college.
So far, maayos naman ang first day ko at nagpapasalamat ako dahil magkatabi lang kami ni Wyntria. I tried to make new friends here. Mga introduction lamang ang ginawa ng mga teachers namin at kung ano ang mga rules nila during the classes.
"Mauna ka nang umuwi, Ada. May bibilin pa ako sa bookstore," paalam sa akin ni Wyntria.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya.
"Don't tell me you're going on a date, Wyntria," I glared at her.
Kanina kasi ay kinakantiyawan siya ng ibang mga lalaking classmates namin. To my surprise, they also want my attention. Pati ako ay napasama sa mga kakolokohan nila. They started to get my number and because Im friendly, I gave it to them. Wala naman sigurong masama kung gusto nilang makipag-kaibigan sa amin.
"What? No, I'm not! Loyal ako kay Ramir. I told you he's my husband," galit niyang sabi.
Tumawa lamang ako ngunit hindi pa rin mawala ang pang-aasar.
"Okay, sabi mo, eh,"
Umirap lamang siya at naglakad na paalis.
"Take care!"
Pinagmasdan ko siyang ganoon habang papaalis. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang lumakad. For some reason, I feel very light these days. Naisip ko na magpahinga muna ako sa kakaisip sa mga bagay na hindi naman dapat talaga iniisip. I have so much chances ahead and Im sure there will be a time for a true love.
Nakikita ko ang ibang students na kagaya ko na may mga kasama ng lalaki at sigurado ako na boyfriend nila iyon. May isa pa nga na dala ng lalaki ang bag ng babae. I pouted at the sight.
How to be like them? Hindi ko maiwasan ang pagtatanong.
Para maibsan ang lungkot ko, nagpunta na lamang ako sa isang branch ng milk tea dito. Bumili ako ng favorite flavor ko at agad na sumimsim doon. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ko ng litrato. I'll post it on my Insragram.
Buti na lamang at nakabili ako kaagad dahil napakaraming estudyante ang bumibili kasunod ko.Nang makarating ako sa mga puting buhangin, may ilan akong nakikitang estudyante malapit sa dagat. Mga naka-uniporme pa sila at mukhang kumukuha ng litrato. Hindi ko na lamang sila pinansin at patuloy na sumimsim sa milk tea ko.
Suddenly, I felt the cold breeze from the ocean. Napahinto ako doon nang maramdaman ang lamig sa binti. My skirt is a bit short so half of my legs is on show. Binaba ko iyon at hinawi ang buhok na tumabing sa mukha ko.
What if I should try to cut my hair? Mahaba na kasi iyon at abot na sa bewang ko.
"Ang ganda rito!" sigaw ng isang babae doon.
"Nasaan na ba iyong sinasabi mong pogi?"
Napailing ako sa narinig ko. Girls these days, so obssessive for boys who are handsome. Kaya siguro sila nandito ay para makakita ng mga gwapo. Gusto ko sana silang sabihan na unahin muna ang pag-aaral bago lumandi pero tiyak magagalit ang mga iyan.
I don't want to cause a scene here.
Bago pa ako tuluyang makalapit ng bahay ay narinig ko na ang mga impit nilang tili. Para silang sinisilaban ng kung ako doon. Because of my curiosity, I looked to them.
I mentally snapped myself when I saw who's the cause of their squeals. Ngumiwi na lamang ako at napailing. Diyan naman talaga magaling ang isang Felix Primotivo, ang maghakot ng mga nagtitiliang kababaihan na humaling na humaling sa kanya. And I was a part of them before but not now.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomansaCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...