Sa dalampasigan ko muling hinintay si Felix. Pinauna ko na si Wyntria sa kanila. Ngayon pa lang, naiisip ko na kung ano ang magiging kakalabasan ng patimpalak na sinalihan ko. I just can't help to think about it especially I'll be competing with Paula.
Pinaglaruan ko lamang ang mga buhangin sa paanan ko at habang tinatangay ng alon ang iba sa mga ito. I just wished for a happy and contented life. Isang buhay na kasama ang mga mahal ko sa buhay, sila Mommy at Daddy, at si Felix. Pero alam ko na marami pa akong pagdadaanan para makamit ang mga iyon. Iyon ay kung may patutunguhan ba talaga kami ni Felix.
May kanya-kanya raw na landas ang bawat relasyon ng tao. Landas na kung saan sabay nilang tatahakin hanggang marating nila ang dulo ng walang hanggang pag-ibig nila. Pero sa totoo lang, natatakot ako na baka sa simula pa lang ay wala na talaga kaming landas na tinatahak ni Felix. Hindi naman talaga namin mahahanap ang dulo sa pag-ibig na ito.
Sa sitwasyon namin ngayon, alam ko na marami pa kaming aapakang mga bato na makakapagpatisod sa aming dalawa. At alam ko rin na sa amin nakasalalay kung babangon kami o hindi mula sa pagkakadapa.
"Ang lalim naman ng iniisip mo," ang boses na iyon ang nakapagpatigil sa mga iniisip ko.
Napatingin ako sa harap at muntik na akong mapaatras nang makitang malapit ang mukha niya sa akin at tinititigan ako.
Pinilit kong makangiti.
"Uy! Andiyan ka na pala," sabi ko.
Bahagya akong lumayo sa kanya dahil hindi pa rin talaga ako sanay n ganito siya na ganito kami. I always feel hyper when Im with him. Nakakamangha lang talaga siya at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nanliligaw na siya sa akin.
I feel so damn lucky about that.
"Kanina pa ako dito, tinititigan ka," tanging saad niya sa isang malinaw na boses.
Nakita ko na ngumuso siya at tinagilid ang ulo na para bang may bumabagabag sa kanya. Hinawakan niya ang labi niya gamit ang mga daliri at sa huli'y kinagat lamang iyon.
Damn, Felix! Nang-aakit pa!
Tumingin ako sa likuran niya at naroon na ang bangka niya. Nakita ko na walang mga balde doon. Napakunot ang noo ko at nagtaka roon. Wala siyang huli?
"Nasaan ang nga huli mo?" I asked him curiously.
Ngumiti lamang siya at kinuha ang nakasukbit kong bag. Inilipat niya iyon sa kanya at saka sumagot. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya hinahayaang gawin iyon basta ang alam ko ay nagdidiwang na ako sa mga ikinikilos niya.
Napangiti na lang ako.
"Hindi ako makapangisda nang maayos," saad niya bago kami naglakad.
Mas lalo akong nagtaka. Nasa gilid ko lang siya habang diretso ang tingin.
"Bakit? 'Di ba kanina ka pa nangingisda roon? For sure, may mahuhuli ka na simula pa kanina," sabi ko.
Tumingin siya sa akin at bigla naman akong napalunok. Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ako makapangisda dahil iniisip kita," sabi niya na para bang normal lang iyon samantalang ako ay parang sasabog na sa tuwa.
I can't imagine that he'll be like this to me. Hindi siya nakapangisda dahil sa akin? Oh, come on! Ako pa talaga ang dahilan kung bakit wala siyang kita ngayon sa pangingisda. I don't know if I'll feel guilty about that or feel the happiness within me.
Hindi ko na talaga alam!
Hinampas ko lamang siya sa braso gamit ang isang kamay. Imbes na masaktan ko siya ay parang ako pa ang nasaktan. Nakita ko na namula ang ilang daliri ko sa paghampas sa matigas niyang braso. Kinagat niya lang ang labi niya at saka hinaplos iyon.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomanceCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...