Five years had already passed since that terrifying night happened. All my life I thought it was the best night that ever come in me. Napakasaya ko noong mga oras na iyon.
Para bang isang matagal ko nang dalangin na sinagot at ipinaranas sa akin. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses akong ngumiti at tumawa kasama ang pamilya ko. Pero isa lang ang alam ko, lahat ng mga nakaraan na pagsasama namin ay nakatatak sa puso ko.
Nakatatak iyon at hindi matutumbasan ng kahit na ano sa mundo. Ngayon ko nalaman na sa buhay, hindi lahat ng gusto naaayon. Minsan ibinibigay sa'yo para maranasan mo 'yung mga bagay na siyang mag-iiwan ng sugat sa puso mo. All things in this world has a purpose. Lahat iyon ay nakatakda, ayaw mo man o hindi.
One thing I've learned, happiness is something that is created on the bottom of the heart. Sadyang may mga bagay na hindi kayang bilhin ng malaking halaga ng pera.
It includes love and time. Love, to express how much you give importance for the people around you. Time, to heal the deep wounds that scarred your heart. Sa mga nakalipas na taon, tinuruan ko na ang sarili ko na maging matatag at tumayo sa sariling mga paa.
My phone rang in the middle of my thoughts. Binaba ko muna ang cup ng coffee ko sa table at saka kinuha iyon.
Nakita ko na si Tito Alexis iyon.
"Hello?"
"Nasa condo ka ba ngayon? May lead na nahanap ang binayaran kong tao. Kakausapin sana kita tungkol dito," bungad niya sa akin.
"Yes, Tito. Mamaya pa naman ang meeting ko sa El Montej."
"Okay. Papunta na ako diyan."
Binaba na niya ang tawag at ako nama'y naghanda na rin sa iba pang gagawin. Simula ng mangyari ang pagbomba sa aming mansion sa Romblon, agad akong dinala ni Tito Alexis dito sa Manila. Dito na rin ako nakapagtapos ng pag-aaral sa kasagsagan ng imbestigasyon. Mas mapoprotektahan daw ako ng mga tauhan ni Tito Alexis kung dito na ako titira.
Maya-maya pa ay dumating na siya at agad ko siyang pinapasok sa loob. Dala niya ang isang brown folder at ibinaba iyon sa lamesa.
"Base on the pictures, naroon ang mga taong nagbomba sa mismong birthday mo. Naghihintay lang sila ng tamang oras kung kailan sila aatake," he said folding his arms.
Maigi kong tinignan ang mga mukha ng mga hayop na pumatay sa pamilya ko. Akala ko noon si Daddy lang ang mawawala sa akin. Malala ang naging lagay ni Mommy at na-comatose siya bago binawian ng buhay.
Hindi ko pa rin matanggap na parehas silang kinuha sa akin. Nakaramdam ako ng pait at pighati habang tinitingnan ang mga impormasyon. Kusang tumulo ang luha ko sa mga nakita.
Magbabayad sila sa ginawa nila.
"Isa lang ang alam ko na gagawa niyon at wala ng iba," he paused.
Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumingik sa mga seryoso niyang mga mata.
"At iyon ay ang mga Primotivo."
I gritted my teeth at that. Alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Mommy sa kanila. Tama siya, mga wala silang awa at walang puso. Inagawan na nila ako ng pamilya, sinira pa nila pangalan namin.
"Kumusta naman ang Anloague?"
Huminga muna siya ng malalim. Kung pati iyon ay aangkinin nila, baka mas lalo lang na mag-alab ang galit ko. Iyon na lamang ang natitirang ala-ala sa akin na buong-pusong pinagpaguran ng aking mga magulang.
"About that..." saglit siyang huminto, "hindi na iyon nakapangalan sa Montejo at inangkin na rin ng Primotivo."
Napatayo na ako sa galit.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomanceCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...
