After the competition, we decided to go home to celebrate. Hindi magkamayaw ang mga kaklase ko habang bumababa ako ng stage kanina.Picture doon, picture dito, iyon ang mga ginawa ko bago makauwi. Gosh! Ang hirap din pala ng ganito, masakit sa panga kasi laging nakangiti.
But this is a great experience for me because I learned so much from it. Hindi ko alam na makakaya ko pala iyon.
Nakakakaba sa una pero kapag nalampasan mo na ngingiti ka na lang talaga kasi success na. About the roses, pinatago ko muna kay Wyntria iyon dahil baka makita nila Mommy.
"What do you want to eat, my dear?" Mommy asked me while we're now heading to the garden.
Hmm, namiss ko na iyong pagkain noong nakaraan na nagpunta ako sa Anloague. Pero hindi ko naman puwedeng sabihin iyon sa harap ni Mommy. I am now thinking on how she'll react to it and feel disgusted towards the food.
Hapon na rin at pababa na ang araw. Mommy chose to celebrate in our garden where the food is served. Nakapagpalit na rin ako ng damit at medyo natagalan dahil tinititigan ko pa ang korona ko kanina sa vanity table ko sa kwarto. Para akong baliw na ngingiti-ngiti kanina habang iniisip na nanalo ako.
Una kong nakita si Daddy na nakaupo na sa harap ng mesa. He immeditely went to he for a hug. It feels so good to be back on his arms again. His warm and loving arms are always open for me that's why I really treasure him so much. I closed my eyes when I hugged him back
"Congratulations, Ada! You did great," he proudly said.
Bumitaw na kami sa isa't-isa pagkatapos ay umupo na. I am shocked at the sight before me. Napakaraming pagkain at nagtataka ako kung sino ang uubos niyon.
"Mommy!" I protested as she looked at me.
Nagkibit siya ng balikat.
"What?" sabi niya.
I pursed my lips before replying to her.
"The food is too much. Hindi ko naman po lahat makakain iyan," sabi ko naman habang kinukuha na ang kubyertos sa mesa.
"You can eat whatever you like, Ada. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano," she stated.
Huminga na lamang ako ng malalim. Fine! Magpapakabusog talaga ako ngayon dahil halos hindi na ako makakain nitong mga nakaraang araw.
"Ang dapat mong isipin ay ang birthday mo. One week from now, it will be your seventeenth birthday and I already asked the best organizers for that. I will give you the portfolio of the designers for you to choose the dress that you want."
Sabi ko na, eh. Hangga't maaari ayoko talaga magcelebrate ng birthday ko na ganoong klase. I just want it to be a simple celebration together with my loved ones, my family and my friends. But knowing Mommy, I already knew that she'll decide for me.
Bagsak ako sa kama pagkatapos ng nakakapagod na araw. Nakatitig lamang ako sa cellphone ko kung bubuksan ko ba iyon o hindi. Kanina pa ito naka-off. Hindi ko naman siya matiis, tiyak kanina pa iyon naghihintay sa sagot ko.
In the end, I decided to open my phone. Tumayo ako sa harap bintana ko habang ginagawa iyon. Namiss ko ang simoy ng hangin doon kaya tumambay muna ako.
Thirty-eight missed calls.
Fifty-five text messages.
Saglit akong hindi nakagalaw sa mga nakita ko. Lahat iyon ay galing kay Felix at hindi ko naman akalain na ganoon kadami iyon. I dialed his number to talk to him.
Isang ring pa lang ay nasagot na niya iyon. Mukhang hinihintay niya talaga ang tawag ko. I cant help but to feel guilty for all I've done to him. I am so childish!
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomanceCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...