Chapter 9

1.7K 161 40
                                        

Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin. Parang noong una pinapangarap ko lang ito, tapos ngayon nagkatotoo. Is he serious? Pero paano iyong Paula Santiago?

Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay kung sino ang mauunang magsasalita.

"L-Liligawan mo ako? I thought you had a girlfriend," ako na ang nauna.

"Sinabi ko na sa 'yo na wala akong ganoon," he said habang nakahaplos ang kamay niya sa bewang ko.

Napalunok ako at medyo lumayo sa kanya. Hindi siya natinag at nakahawak pa rin doon. Damn, Felix! Hindi ako makakapag-isip ng maayos kapag nahahawakan mo ako!

I suddenly blushed at the word.

"Then, who's Paula Santiago? Usap-usapan kayo sa school na girlfriend mo siya. She's a beauty and it's impossible that you'll not fall for her," mataman kong sabi habang nakaiwas ng tingin.

Is he playing with me? Kung pinaglalaruan niya lamang ako, ngayon pa lang ay dapat tumigil na siya. I can't stand breaking myself even more. Lalo na ngayon na nagpapakita na siya ng interes sa akin. And about that, I should ask him what's the real score between us.

"Sa tingin mo ba ay liligawan kita kung may Paula na ako. Hmm?" wika niya habang inilalapit niya ako sa kanya.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay sa dibdib niya upang pigilan ang sobrang paglapit. Gosh! I didn't know that he's being like this!

Napakagat ako sa labi at nakita ko na sinundan ng mga mata niya iyon.

"Felix, nag-uusap pa tayo," tangi kong sabi at dumistansya muli.

He cursed like a wild man. Pumikit muna siya ng mariin bago tumango. Nang tumingin siyang muli sa akin ay mapupungay na ang mga mata niya. He's like a helpless beast trying to hold himself. Wala akong magawa kundi ang manginig.

He licked his lower lip before heaving a sigh. Bumaba ang tingin niya sa aking katawan at nahinto iyon sa palda ko. Napalunok ako nang makita na nagtagis ang panga niya. He looked at my skirt darkly and intently.

"Your skirt is too short," sabi niya lang bago tumingin sa akin.

Umiwas naman ako bago nagsalita.

"It's normal. Besides, I like it this way."

Tumango lamang siya ngunit hindi nawala ang kunot sa noo niya.

"D-Do y-you know that I stalked you," lakas-loob kong sabi.

I'm strong enough to say these to him but everytime that I'll look in his eyes, I always lose it. Kaya mas minabuti ko na tumingin lamang ako sa agos ng dagat habang nakasandal ng kaunti sa puno. Malayo naman si Felix sa akin ngunit nakatukod ang isang kamay niya sa gilid ko.

"Yeah."

Napabaling ako sa kanya sa gulat. He knew? Did he just fucking said that he knew?

"Alam mo?" I almost whispered to him.

Tumango lamang siya bago nagsalita.

"Matagal ko nang alam, Ada," he was brushing my hair when he said that.

Magagaan ang haplos niya sa buhok ko at kung hindi kami magka-usap ngayon ay tiyak na nakatulog na ako.
His moves are unlikely to his brute and rough appearance.

Bakit hindi niya iyon agad sinabi? Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya napayuko ako.

Narinig ko ang mahina niyang pagatawa sa ginawa ko.

"Oh, damn! You're blushing!"

Hinampas ko ang kanyang braso dahil sa pang-aasar niya. Napakagat ako ng labi sa hiyang naramdaman.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon