Chapter 23

1.6K 134 11
                                    

Maaga akong umalis ng opisina pagkatapos ng ilang meeting. Nag-text ako kaagad kay Wyntria para malaman niya kung ano ang oras ng uwi ko.

Nandito na kami ngayon sa condo. Nagpadeliver na lamang kami ng mga pagkain at nagmovie marathon din kami.

"Kumusta naman si Ramir mo?" sabi ko habang nginunguya ang burger.

Napasinghap siya sa tanong ko kaya napatingin ako sa kanya. Naramdaman ko na parang ayaw niyang pag-usapan iyon. Mula sa pahararap na nakaupo ay tumagilid ako para magpantay ang tingin namin.

"What?" tanong ko ulit sa kanya dahil hindi siya sumasagot.

I've never opened a topic about him for years. Kaya naitanong ko lang ngayon dahil gusto kong malaman kung ano nangyari. Pansin ko na nagiging mailap siya kapag siya na ang napag-uusapan.

She shifted on her sit before replying.

"Uhm. He's doing good naman."

Lies! Hindi siya makatingin sa akin habang sinasabi niya 'yon.

"'Yung totoo, Wyntria..." madiin kong tanong.

"Fine!"

Tumawa ako sa kanya at sumimsim sa milktea ko. Alam na alam ko talaga kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay halos kabisado ko na siya, ganoon din siya sa akin.

"He's here in Manila..." halos pabulong iyon kaya bumaling muli ako sa kanya.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"What?"

Tumikhim muna siya at ibinalik ang mata sa screen ng upang manuod.

"Ramir is here in Manila. I found out that he's an Engineer too. At dito siya nagtatrabaho," saglit siyang huminto, "nalaman ko din na pinsan siya ni..."

Naputol siya doon kaya tumaas ang isang kilay ko.

"Huwag kang magagalit, ah," sabi niya na alangan ang tingin sa akin. Umiling ako sa kanya.

"At bakit naman ako magagalit? Come on, spill it!" I replied to her.

Ngumiwi siya at lumunok muna bago nakasagot.

"Pinsan siya ni Felix. It means, he's a Primotivo too," she said.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. What the hell? Yumuko si Wyntria at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Agad akong lumapit sa kanya at pilit na tinanggal iyon. Nang matanggal ko ay nakita ko ang naluluh niyang mga mata.

Ngumiti ako sa kanya.

"Huwag ka ngang umiyak diyan! Ayos lang ako!" natawa pa ako nang makita na umiyak na siya.

Agad ko siyang niyakap at isinubsob sa balikat ko. This sweet loving friend of mine, she's such blessing for me. Hinagod ko ang likod niya at hinayaan ko na umiyak lamang siya.

Bakit ba kasi iniiyakan niya ang lalaking 'yon? But still, I'm amazed by the fact that he's a Primotivo. Kumalas siya sa yakap ko at kinusot ang mga mata.

"I'm sorry, Ada. I am so guilty for not telling you about him. Hindi ko kaagad nasabi dahil alam ko na galit ka pa sa kanila at natatakot ako," mahina niyang sabi.

Siguro natatakot siya na mahusgahan ko siya dahil isang Primotivo ang lalaking mahal niya noon pa man. Natatawa na lang ako dahil ganoon siya kaconcern sa feelings ko. Wala rin naman akong karapatan para pagbawalan siya sa mga magpapasaya sa kaniya. She has her own life too.

"It's okay, Wyntria. Hindi ako magagalit dahil lang sa ganoon. Basta masaya ka, asahan mo na susuportahan kita," nakangiti kong sabi at tumango lamang siya.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon