"This will look good in you, Ada!" iyon agad ang bungad sa akin ng kaklase ko pagkapasok ng room kinabukasan.
Kahit lutang ako ay sinubukan ko pa rin na bigyan ng pansin iyon. Tumingin ako sa sinsabi niya at napahanga nang makita ang isusuot ko.
"Wow!" tanging saad ko.
It was a tube mermaid gown made with plastic spoons and forks, straws, and the ruffles are made with sacks. It's color is sky blue that represents the ocean of the Earth. Naisip kasi namin na kailangan ay may tema ang susuotin para sa related sa advocacy na gusto naming ipahayag.
"Oh my! You should try it! Para makita natin kung ano pa ang mga dapat baguhin," sabi ni Lawrence na siyang nagdesign at nagplano sa susuotin ko para sa Eco-Modelo.
Well, halata naman na may pagkalambot siya una ko pa lang na nakilala siya since we're in Junior High. He's really great in arts and designing. Mahilig rin siya sa fashion lalo na sa mga damit. I can say that he's obsessive with it.
"Sure!"
"Samahan na kita," Wyntria insisted.
Tumango lamang ako sa kanya at kinuha na niya ang gown na nakasabit sa isang hanger. Dito lang ginawa ang costume kaya talagang madumi ang classroom. May ilan akong nakita na mga spray paint bottles na ginamit para makulayan ang costume. Madumi rin ang sahig at maraming mga kalat.
Nagpunta kami ni Wyntria sa comfort room para doon isukat ang damit. Bukas na ang contest kaya dapat talaga focus na ako ngayon pa lang ngunit si Felix na naman ang nasa isip ko.
Nang maisuot ko ang damit ay ipinakita ko iyon kay Wyntria. Nasa labas siya kaya nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko na napanganga siya.
"See? You really deserve to win the contest tomorrow. It looks good in you!" she shrieked a bit.
Napatawa lamang ako sa kanya. I should really focus myself for the contest. Marami ang umaasa sa akin lalo na ang section ko. Ayaw kong mapahiya sila at gusto ko na manalo talaga ako. Tutal nagpractice naman ako kahapon sa bahay kung paano magpose, dapat ay ihanda ko naman ang sarili ko sa mga tanong na maaaring lumabas bukas. May Q and A kasi at on-the-spot iyon.
"Tara na sa room para maipakita natin sa kanila," sabay alalay sa akin ni Wyntria.
Kailangan kasing ingatan ang paglakad ko dito dahil baka mahulog o masira ang mga materyales na nakalagay. Bukod doon, mahirap talagang gumalaw dahil sa mga gamit.
Pumasok kami at nakita namin na naroon na rin si Ma'am Parameo.Purong pagkamangha ang nakabalatay sa mukha ng mga classmates ko. Nahagip ng mata ko si Jeff na nasa isang gilid at nakatingin sa akin. Napansin ko na namula siya nang makita na nakatingin ako sa kanya. Sa huli, umiwas na lang siya ng tingin.
"I knew it! Bagay talaga sa iyo ang gawa ko," tumili pa si Lawrence habang lumalapit sa amin.
Lumapit din ang iba kong classmates at nakitingin sa suot ko. They praised me as they scan my body. Ngumingiti lamang ako sa kanila bilang pasasalamat sa mga sinasabi nila.
"Anong oras ba ang simula bukas?" Daddy asked while Im sitting in our living room's sofa.
"One in the afternoon po," saad ko bago tumingin muli sa cellphone ko.
I am searching for the basic questions in a beauty contest. Kapag nakakahanap ako at agad ko iyong binabasa nang mabuti. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya.
"You are too focused on your phone, Ada," napapailing siya habang tinitingnan ako.
"S-in-search ko lang po 'yung mga puwedeng itanong bukas," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomansaCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...