Chapter 11

1.5K 155 8
                                    

Lumipas ang mga nakaraang linggo at wala naman masyadong ginagawa. Kung meron man, mga kaunting assignments lang iyon. Nang sumunod na mga buwan, naging busy na ang lahat. Marami ng mga activities lalo na ang pinakahihintay na Eco-Modelo.

In that contest, you'll have the right to design your own costume or attire with recyclable materials. Nagkakagulo na nga sa section namin kung sino ang pipiliin.

"Why don't you try, Ada? You got the looks, naman! Malay mo ikaw naman ang makoronahan na Ms. Eco-Modelo 2019," she said excitedly.

Napairap lang sa kanya. Ayaw ko talagang sumasali sa mga ganoon. It's because I don't have any experience in ramp and how to pose infront of audiences. Although I'm confident for that, I don't really know how. Bukod pa doon ay hindi rin talaga ako marunong maglagay ng make-up. I mean I know how to apply lipstick, liptint and blush. I don't even know how to groom my eyebrows!

Kilay is life!

I just groaned to her. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil para siyang censor na tumitingin sa buong mukha ko. Hanggang sa kinurot ko na siya sa braso niya dahil hindi ko na talaga mapigilan.

"Wyntria!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"What? Totoo naman kasi. Ikaw na lang!" pangungumbinsi pa niya sa akin.

Umiling lang ako sa huli at yumuko na lamang sa table. Maingay sa classroom dahil wala pa ang teacher namin. May kanya-kanyang ginagawa at topic sa kwentuhan.

Minuto pa ang lumipas at bigla na lang silang tumahimik. Ibig sabihin nandito na ang aming teacher. Tumuwid na ako ng upo nang makita na nakatayo na si Ma'am Parameo sa harap. Mabait siya bilang adviser namin at masasabi ko na effective magturo. Talagang naiintindihan ko ang bawat detalye sa mga sinasabi niya.

"Until now, wala pa rin ba kayong napipili na ipanlalaban sa Eco-Modelo?" she asked while roaming her eyes on us.

Nagsimula na naman ang bulungan sa clasroom. Napahinga ako ng malalim. Marami namang magaganda dito sa classroom kaya lang nahihiya lang talaga sila.

"Ma'am!" sabay taas ng kamay ni Janina Ramos.

"Yes, Ms. Ramos?" agad na bawi ni Ma'am.

Tumayo siya at saka nagpaliwanag. Nakita ko na nakikinig lamang ang lahat sa kanya.

"Paano po kaya kung magbotohan tayo? Paharapin po natin 'yung gustong sumali at magpose po sila para malaman natin kung sino ang karapat-dapat," she suggested.

Sa sinabi niyang iyon, tuluyan nang nag-ingay ang buong classroom. Puno ng mga pangangantyaw ang kanilang sigaw para sa mga pambato nila. Napapangiti lang ako at hindi na nakisali pa sa ingay.

"It's your chance to shine, Ada! Go! Go! Go!" she said.

Napailing lamang ako.

"Okay! Settle down!" singit na ni Ma'am Parameo.

Tumahimik na sila at nagsiayos na ng upo.

"Maganda ang suggestion na iyan. So, I'm inviting anyone of you to please take the courage to stand infront of your classmates and show what you've got!" maligayang sabi ni Ma'am.

Nag-ingay ulit at agad kong nakita na tumayo sa harap. Naging tatlo iyon hanggang sa naging apat.
Samantala, naramdaman ko naman agad ang paghatak sa akin ni Wyntria.

"Go, Ada! Go!" sigaw niya habang ako naman ay pumipiglas.

"Woah! Go, Ada! We support you!" sigaw nung ibang lalaki na nadadaanan namin.

"Wyntria! Ano ba! Ayoko!"

Ngunit huli na ang lahat dahil nakarating na kami sa harap. Bigla na lamang akong iniwan ni Wyntria at natagpuan na lamang ang sarili na nakahilera kasama ang ibang classmates ko na gustong sumali. Hindi man lang ako makangiti dahil kinakabahan ako. Napapikit na lamang ako ng mariin.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon