Chapter 6

1.7K 173 25
                                    

"What about you? How's Bulacan?" I asked her as I ate an almond.

Nandito ako sa kwarto at nakahiga ng patagilid habang nagkukwentuhan. She's a bit tired until now. Hindi talaga siya sanay sa mga biyahe.

"Muntik na naman akong ma-fall," she suddenly giggled.

I narrowed my eyes at her. Mukhang namang hindi pagod ang isang, ito. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

"No! I already fall for him!" she elaborated and touched her chest dramatically.

Naku...Hulog na hulog nga.

"Ano nga palang name niya?" I curiously asked her. Kasi naman hindi niya kailanman nabanggit sa akin. Minsan nalilimutan ko namang tanungin.

"Ramir is his name and...", nakikita ko na ang sinusupil niyang ngiti, "he's my future husband," hanggang sa hindi napigilan ay tumili na nang kaunti.

Napahawak ako sa aking sentido at umiling-iling. Parang may mas baliw pa sa akin. I just heaved a sigh.

"I mean, what's his full name," dagdag ko pa.

Gusto ko lang naman malaman ang tungkol lahat sa lalaking kinababaliwan ng isang, ito.

Nakita ko na nag-iisip-isip pa siya. Nakanguso siya habang ang mga mata'y nasa kisame.

"Hmm... Hindi ko pa alam, eh," lumapit siya sa akin at kumuha rin ng almond sa container nito. We both love almonds and some nuts. Marami siyang ganito dito sa kanila. Pwede naman akong bumili kaso mas gusto ko kapag sabay naming kinakain iyon.

"Sus! Hindi mo naman pala alam ang lahat sa kanya! Paano kapag tinanong ka kung anong apelyido ng asawa mo?" I chuckled at her.

Tumingin siya ng masama sa akin habang nakanguso pa rin. I can't help but to laugh. Naaasar na naman siya.

"Tss! Shut it! Hindi nga ako makalapit sa kanya kaya paano ko malalaman iyon. Basta narinig ko iyon ang pangalan niya. Sige nga, anong full name niyang Felix mo?" may paghahamon sa boses niya.

I don't think I could say this to her. Ano na lamang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na Primotivo siya? Alam ko na may nalalaman rin siya sa mga dating nagmamay-ari at namayagpag sa Romblon.

"Felix Primotivo. Iyon lang ang alam ko, eh," I said confidently.

Natahimik siya sa sinabi ko at nanlaki bigla ang mga mata niya. She suddenly grabbed my shoulders. I looked at her lazily.

"W-What? Nababaliw ka na ba? Pakiulit nga," she stammered while looking at me.

Kinain ko muna ang isang almond bago nagsalita.

"Felix Primotivo," I said cooly.

I licked my lips as I continued.

"Why?"

Binitawan niya ako at umalis ng kama. Nakapameywang na siya ngayon.

"Anong bakit? Sira ka ba!" she almost shouted at me.

Tinignan ko lamang ang mga kuko ko at nilaro-laro ang mga iyon. Hmm... I should paint my nails.

"That is like defying your family's rules! Alam ba ito ni Tita Alejandra?" she whispered the last word.

Mula sa pagkakahiga ay umupo na lamang ako sa kama.

"Hindi," maikli kong sagot.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Paano na iyan? For sure, giyera iyan kapag nalaman nila."

Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"In fact, pinagbawalan na niya akong makipag-usap o makipagkita sa mga Primotivo. Muntik nang mawalan ng trabaho ang Tatay ni Felix. Nakita kasi ako ni Mommy na kinakausap siya sa Anloague."

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon