Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. I don't know how will I react from what he have said earlier. Medyo hindi ako makabawi kaya tinignan ko lamang siya.
"Alam ko na hindi ka maniniwala, ngunit nagsasabi ako ng totoo. I am now investigating–"
Napatayo na ako at nakita ko na nagulat siya. At ano ang aasahan niya sa akin? Na mapapatawad ko siya sa lahat dahil mag-iimbestiga rin siya? I will never accept any form of helo from him.
"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Ang kailangan mong gawin ay ibalik sa akin ang Anloague! Ano ang hindi mo maintindihan doon?" I burst out.
Sinubukan niya muli akong hawakan pero hinawi ko iyon. Alam ko na may epekto pa rin siya sa akin at mawawala ako kapag nagpatuloy siyang hawakan ako. Napagtanto ko na hindi na katulad ng dati ang puwedeng mangyari ngayon. Hindi na kailanman siguro mangyayari 'yon
"Please, calm down. Pag-uusapan natin ito nang mahinahon," he almost pleaded.
Muntik na akong matumba sa pakiusap niya. I've never seen him being soft and pleading like this. Kaya parang may humaplos sa puso ko nang sinabi niya iyon. Pinigilan ko ang nadarama ko at galit pa rin siyang tinignan.
"I am frustrated and desperate. Kaya hindi ko kayang kumalma gaya ng gusto mo! Hindi mo ako naiintindihan..." nanginig ako sa huling salita.
Umiling siya at lumapit sa akin ngunit umatras ako. Itinaas ko ang isang kamay ko para pigilan ang paglapit niya.
"No, baby... I understand you. Just please," pagsusumamo niya sa akin.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mawalan ng pamilya! Parang tinanggalan na ako ng karapatang maging masaya nang nangyari ang trahedya ng gabing iyon," sabi ko habang umagos na naman ang mga luha ko.
He tried to wiped off my tears. Hinawi ko kaagad ang kamay niya at bumaba iyon sa siko ko. Hinawakan niya iyon ng mahigpit. Kaya ayokong lumalapit sa kanya, nanghihina ako at napapawi na ang lahat ng galit na inalagaan ko sa puso ko.
"Walang araw na hindi ko inisip ang gabing iyon. Iniisip ko kung anong kasalanan ang nagawa ng pamilya ko."
Inilagay niya ang braso niya sa bewang ko para hapitin ako sa isang yakap. Wala na akong magawa kundi ang sumusob na sa dibdib niya.
"Shush..." pag-aalu niya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
Hindi ko na magawang magsalita at umiyak na lang ng umiyak. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko at bumubulong siya na magiging ayos lang ang lahat.
Sa tagpong iyon parang bumabalik ang lahat ng itinapon kong nararamdaman para sa kanya.
Sinabi ko noon na kalilimutan ko na siya at lahat ng naging nakaraan namin. Pero alam kong hindi madaling kalimutan ang lahat ng iyon kung nakaukit pa rin siya sa puso ko. Nang umalis ako, ipinangako ko na babalik ako. Nangako ako sa sarili ko na babalikan ko siya.
Pero agad na naglaho iyon ng mabalitaan ko na sila pala ang may pakana ng lahat. Hindi ko matanggap na magagawa nila 'yon samin. At ngayon sasabihin niya na hindi sila 'yon?
Nagising na lamang ako kinaumagahan dahil sa sikat ng araw mula sa kurtina. Gagalaw na sana ako nang makaramdam ako ng mainit na hininga sa leeg ko.
Unti-unti akong humarap at nagulat na katabi ko na si Felix! Nakapikit ang mga mata niya at nakapalibot din ang mga braso niya sa bewang ko. Para siyang nakapulupot na ahas sa akin.
Naamoy ko ang buhok niya muka sa posisyon ko. Napakabango niyon at mukhang mamahaling shampoo ang gamit. Napakagat ako ng labi.
Kailangan ko ng umalis dito habang hindi pa siya gising. Marahan kong tinanggal ang braso niya at nakaalis na ako sa pagkakapulupot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomansaCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...