Naabutan namin na nagtatawanan sila Ramir at Wyntria sa sofa. Nakabukas pa din ang TV ang nanonood na rin ng We Bare Bears.Nasa likod niya si Felix kaya tiningnan niya 'to.
"We Bare Bears, huh?" nakangisi niyang sabi.
Wala siyang maisagot dito kaya napayuko. Naramdaman niya na lumapit muli ang katawan nito sa kanya.
"Where's your room? I want to see it," he huskily whispered.
Lalo akong namula at namalayan na lamang na itinuturo sa kanya ang kwarto ko. Buti na lamang ay hindi kami napansin nila Ramir.
Naupo agad siya sa kama ko nang makarating kami. Inilibot niya ang tingin doon at saka sa akin. Tinapik niya ang gilid niya.
"Dito ka."
Parang may sariling isip ang mga paa ko at lumapit sa tabi niya. Nakayuko lamang ako.
"Na-check ba nang maayos ang sugat mo?" tanong niya at ramdam ko ang titig nito sa akin.
"Ayos lang naman ako. Hindi naman na masakit," I replied.
"Hmm..." he hummed as his fingers touched my hand.
Tumingin ako sa kanya at nakita na nakanguso siya habang nakatingin doon. Napalunok ako bigla doon.
"Tinanggal mo na pala ang singsing," marahan niyang sabi.
Oh! The ring is in my drawer.
Tumango lamang ako bago tumayo. I guess this is the right time to talk about it. Kinuha ko ang singsing doon at saka naupo muli. Kuminang ito dahil sa batong nasa gitna nito. Kinuha iyon ni Felix bago nagsalita.
"Do you remember the night I promised myself to you?"
Of course. That's the most memorable night for me.Tumango lamang ako habang nakatingin sa kanya.
"Sumugal ako kahit na alam kong may galit ang pamilya niyo sa amin. Bata pa lang ako ay kinuwento na sa akin ni Papa na pinatay ni Don Custodio si Lolo," huminga siya ng malalim bago nagpatuloy, "Galit ang itinanim ko sa pamilya niyo dahil doon. Pero nagbago ang lahat ng makita kita na patago akong sinusundan."
Ngumiti ako doon habang nakikinig sa kanya. Mapait niyang ibinalik ang ngiti. Nakita ko kung paano namuo ang luha sa mata niya.
"Pinilit kong huwag mahulog sa 'yo at halos 'di ko matanggap na nahuhulog ako sa ganoong edad mo," tumawa siya at hinaplos ang palad ko.
Namuo na rin ang mga luha ko habang sinusuot niyang muli ang singsing. Parang nagreplay lahat sa isip ko ang mga pinagdaanan namin.
"Kaya nang mangyari ang trahedyang iyon at nabalitaan kong umalis ka ng Romblon, umahon muli ang galit sa 'kin. I know that I shouln't be selfish because you're grieving that time. Hindi ko matanggap na iniwan mo ako. Umaasa ako na babalik ka kasi alam ko nandoon ang lupa na kinalakihan mo. Nagtiyaga ako para makapag-ipon at nalaman ko na may mana pala ako galing kay Lolo."
Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya habang namumula na ang ilong niya. Come on, Felix. Puwede mong ilabas lahat ng ito sa akin. Tatanggapin pa rin kita ng buong buo.
"Tumulong ako sa pag-iimbestiga tungkol sa nangyari at nalaman ko ang maitim na balak ni Mr. Alvarez. Iyon ay ang tuluyang angkinin ang Anloague. Pero hindi ko 'yon hinayaang mangyari," ngumiti siya sa akin kahit na namumula na rin ang gilid ng mata niya.
"Dahil alam kong ikagagalit mo iyon."
Ngumuso ako sa kanya. Pa-fall talaga ang isang 'to!
"Inunahan ko na si Mr. Alvarez doon at ako ang nagpatakbo niyon."
BINABASA MO ANG
Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)
RomanceCOMPLETED✓ "Ibalik mo sa amin ang Anloague! Iyon ang gusto ko!" I replied to him. Kinuyom ko ang mga palad ko ng makitang hindi man lang siya naapektuhan sa sinabi ko. His lips formed a mocking smile that made my inside burst. Napakayabang mo! Luma...