Chapter 19

1.5K 133 17
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at nandito pa rin ako. Akala ko ay magiging madali lang ang lahat dahil kaya ko namang tapatan ang lalaking iyon ng pera.

"Manang, pupuntahan ko lang po 'yung cafe diyan. Babalik din po ako agad," paalam ko sa kanya pagkatapos kumain ng tanghalian.

Saglit siyang tumigil sa pag-aayos ng mga pinggan.

"Naku, aba'y mag-ingat ka. May mga nakita akong mga lalaking nakaitim na umaaligid sa bahay kanina."

Ngumiti lamang ako. Siguro'y nga tauhan na nagbabantay sa akin iyon.

"Huwag po kayong mag-alala, mga tauhan lamang po iyon ni Tito Alexis," sabi ko.

Unti-unti naman siyang tumango at nagpaalam na ako para makaalis. Nakita ko ang nga sila na nakatayo lamang sa labas.

"Hindi ba sinabi ko na huwag kayong magpapakita kahit kanino. You can still check on me without anyone knowing, right?" iritado kong sabi sa kanila.

Tumikhim ang isa bago nagsalita.

"Sorry po, Ma'am. May nakita po kasi kaming itim na kotse dito kanina. Kaya agad po naming inalam 'yon," wika niya.

I frowned. Sino naman kaya 'yon?

Hindi ako natatakot kung sino man siya. Isa lang naman ang pakay ko dito, iyon ay ang mabawi ang Anloague. I'll make sure to win it back no matter what it takes.

"Alright. Basta huwag kayong masyadong magpahalata," sabi ko lang.

Nagpaalam na ako sa kanila at nagsimulang maglakad. Mga ilang metro lamang ay natanaw ko na ang mga pinong buhangin.

Napangiti ako nang makita ko ulit ang bawat agos ng tubig. Naglakad ako sa mga buhangin at inalala ang mga dati kong ginagawa. Kung puwede lamang na ibalik ang dati ay gagawin ko.

Kung puwede ko lamang pigilan ang bawat takbo ng mga espada ng orasan, gagawin ko. Buong buhay ko, hindi ko inakala na mangyayari ang trahedya na kinatatakutan kong mangyari. Pero anong laban ko kung iyon naman talaga ang nakatakda.

Mabuti na lamang ay kaunti pa ang mga tao sa cafe na iyon. Pumasok ako doon pagkatapos ay umorder ng isang cheesecake at iced tea. Umupo ako at inayos ang scarf na suot ko. Inilabas ko ang cellphone ko para basahin ang ilang text messages sa akin ng kaibigan ko.

From: Wyntria

Ada! Are you crazy? Bakit ka pa bumalik diyan?

From: Wyntria

Please, mag-ingat ka diyan. Pinag-aalala mo ako.

From: Wyntria

Nakausap ko si Tito Alexis kanina. Panatag na ako na may nga nakabantay sa'yo.

Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya. Kahit nangyari ang pinakamadilim na parte ng buhay ko, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako iniwanan ni Wyntria.

During my sorrow days, siya at ang pamilya niya ang sumuporta sa akin. Masasabi ko na napakabait nila sa akin dahil tinulungan nila akong makabangon.

Ni hindi ako makakakain noon sa sobrang lungkot at sunud-sunod na nangyari sa buhay ko. I'm glad that I found comfort with them.

Ako:

Ayos lang ako. I'm not sure kung kailan ako uuwi pero pipilitin kong makauwi kaagad.

"Here's your cheesecake and iced tea, Ma'am. Enjoy your meal."

Inilapag ng babae ang pagkain ko at nagpasalamat ako sa kanya. Sinimulan ko ng kainin iyon at minsa'y napapatingin sa mga pamilyang naliligo sa dagat. Nakaramdam ako ng pait sa nakita. How I wish that they're here for me too.

Her Greatest Comeback (Heavenly Harmonies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon