☁
K S Y
"Good morning po manang!"
"Oh soonyoung! Mag-ingat ka sa daanan!"
"Opo! Hahaha!"
I hopped in my bike at nagsimulang mag-pedal. Ito na ang transportation ko from home to school. Malapit lang naman kasi ang school dito, isang ilog lang ang pagitanㅡ hahaha!
Habang nagpepedal ay namataan ng mga mata ko ang isang bakery. I smiled and kaagad kong tinungo ang bakery. I halted and set my bike aside.
"Oh soonyoung! The usual ba?" tanong ni manong na namamahala ng bakery.
"Yes! pakidagdagan na rin heheh" nakangiting sagot ko sa kaniya saka kinindatan siya.
Naghintay ako ng limang minuto para lang sa tinapay. Paborito ko ang bakery na'to, kilalang-kilala ako dito bilang pangunahing suki nila. Since 6 years old kasi ako dito na ako tumatambay kasama ng mga kaibigan ko. Tsaka ang may-ari ng bakery ay ang asawa ng tita ko.
"Sa uulitin!" pagpapaalam ko saka nagpedal na para tumungo sa eskwelahan.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng autumn season. May mga dahon na ring nagsisilaglagan mula sa mga puno. Kaya naaawa na naman ako sa mga street workers. Sandamakmak na namang mga dahon ang kanilang wawalisin.
Sana lang talaga wag akong ma community service sa school. Ayokong magwalis ng mga dahon sa rooftop. HAHAHA!
"Bilisan mo na soonyoung, malapit ng magbell" sabi ni manong guard nang ako'y papalapit na sa eskwelahan.
Tumango ako saka nginitian siya, pumasok ako sa school at kaagad na dumeretso sa parking lot. May bicycle area doon.
Habang ako'y papunta doon ay may isang estudyanteng naglalakad at nagbabasa ng kaniyang libro. My eyes grew.
"Tabi!!!"
Naalarma yung estudyante, bumaling sa'kin ang kaniyang atensyon at kagaya ko'y nanlaki rin ang kaniyang mga mata.
Shit!
Umalis kana!
Nawawalan na ako ng kontrol aa manibela. "Tabi! tabi!" sabi ko sa kaniya. Ngunit napansin kong may nakakabit na earphones sa kaniyang mga tenga. Gosh!
* brake *
Naibrake ko yung bisikleta ko, ngunit nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig.
"oh!"
Rinig na rinig ko yung reaksyon ng mga taong nakasaksi sa eksena. I hissed in pain. Napatingin ako sa'king siko at mayroong gasgas at sugat doon.
Nice naman.
"Hey. Are you okay?"
Napaangat ang tingin ko sa taong kamuntikan ko ng mabangga. He dropped his bag and helped me stand up. Iniangat niya rin yung bisikleta ko, ngunit yung kadena ay wala na sa dating lugar nito. Hindi pa naman ako marunong umayos nun. Tsk.
"Sa susunod kasi wag kang mag-earphones habang naglalakad. Hayst" sabi ko sa kaniya.
Hindi niya ako sinagot, he kneeled down and fixed the misplaced part of my bike to its proper place. Napataas ang kilay ko sa kaniyang ginawa.
"Welcome" sabi niya saka ako iniwan.
Eh???
Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya'y naglalakad palayo. Welcome? tsk! Hindi sorry kundi welcome. Wow.
Ibang klase ka rin."Soonyoung!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa'kin. I saw my best friend, Seokmin, fast approaching.
"Oh. Anyare sayo?" tanong niya at iniangat ang braso kong may gasgas.
"May muntikan na akong mabunggo" sagot ko sa kaniya. Napailing siya saka hinawakan yung bike.
"Ipagamot muna natin yan" sabi niya saka naunang maglakad bitbit ang bike.
Napabuntong-hininga ako dahil kakapasok ko lang ay may sugat na kaagad ako. tsk! Kung hindi lang dahil sa lalakeng yun.
Hays. Kalimutan na nga natin.
Pinagpagan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Habang nagpapagpag ay may napansin akong ID.
Pinulot ko ito saka sinuri.
Yung lalakeng muntikan ko nang mabangga ang nagmamay-ari nito. Muli kong nilingon ang direksyon kung saan siya naglakad papalayo. Iiwan ko nalang ba ito dito? babalikan naman siguro niya diba?
( o__o ) *stares at the ID*
"Lee Jihoon?"
☁
BINABASA MO ANG
Happy Ending | Soonhoon
FanfictionThis story is about protecting you... But in the end it was you who helped me. ------ [SoonHoon] All rights reserved 2019 Author: Jihoff Published: May 16, 2019