twenty eight

308 30 6
                                    


Soonyoung

Dumating na ang araw kung saan matutuklasan ko na ang mga kagaguhan ni Jihoon. Ayokong may sumasabit sa relasyon naming dalawa. Gusto ko ako lang! Gusto ko akin siya! Gusto ko...

Gago anong pinagsasabi ko?

Pero yun heto na talaga. Nasa iisang sasakyan lang kami nina Jeonghan hyung. Kaniyang sasakyan ang ginamit para maging runaway vehicle— chos. Nasa shotgun seat ako habang ang magkasintahan ay nasa likuran. Si Jeonghan hyung na ang nagdrive.

Hindi ko alam kung saan na kami napadpad. Dito kami dinala ni Jihoon. I turned to Jeonghan hyung to know what he's thinking. Seryoso siyang nakatingin sa unahan.

"Hyung, alam mo ba ang lugar na 'to?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm... Familiar lang. Mamaya na tayo bumaba"

Tumango ako at tinignan ang magjowa sa likuran namin. Natutulog sila! Napatong pa ang paa ni Wonwoo hyung sa binti ni Mingyu habang ang ulo nito'y nasa kaniyang dibdib.

"Hyung gigisingin ko ba sila?"

Nilingon ni Jeonghan hyung ang dalawa. Napabuntong hininga siya't umiling.

"Mamaya na"

Bumalik na ang atensyon ko sa building na pinasukan ni Jihoon. Hindi naman ganun ka creepy ang lugar, within the city pa rin naman kami.

Nag-abang kami hanggang sa bumukas ang pintuan. Lumabas na si Jihoon ay hawak-hawak niya ang isang lalake sa kwelyo nito. Napaawang ang bibig ko dahil bigla niyang sinipa ito. Tang ina! Mas malaki pa yung lalake sa kaniya ha!

"That wad hard," rinig kong komento ni Jeonghan hyung.

Napakurap ako at kinusot ang aking mga mata. Pinanood ko siyang suntukin ang lalakeng sinipa niya. Anong...

"Hyung lalabas na ako"

Tinatanggal ko na ang seatbelt ko at lalabas na sana pero hinawakan ni hyung ang braso ko. I turned to him in confusion.
Hindi siya nagsalita at umiling lang. I sighed and sat back properly.

Nilubayan na ni Jihoon ang lalake. Panay ang ubo nung mama at nagawa pa nitong makatayo. Hindi man ako siya pero damang-dama ko yung sakit. Anong ginawa nito at ganiyan na lang kung magalit si Jihoon sa kaniya?

May sinabi si Jihoon sa kaniya pero hindi ko masyadong marinig dahil malayo kami sa kanila. He raised his middle finger at nagmura. Tinalikuran niya na ang lalake at papasok na sana ulit sa loob ng building pero nagawang tumakbo nung mama papunta sa kaniya.

Nanlaki ang aking mga mata ng bigla na lang hinatak nung mama ang buhok ni Jihoon. Narinig ko naman ang halakhak ni Jeonghan hyung.

Hinawakan ni Jihoon ang kaniyang braso at binalibag ito. Hindi na nagawang makatayo nung lalake. Pinagpagan ni Jihoon ang kaniyang sarili at inayos ang kaniyang buhok. Nakapameywang siya habang may sinasabi sa lalakeng mukhang knockout na. 

"Ang siga naman pala ng jowa mo soons eh"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Mingyu sa gitna namin ni Jeonghan hyung. Binatukan ko siya dahil nagulat ako. "Kailan ka pa nagising?" tanong ko sa kaniya.

Humikab pa siya. "Nung natawa si Jeonghan hyung," sagot niya.

Napailing ako at ibinalik ang atensyon ko kay Jihoon. Kumunot ang aking noo ng nagsilabasan mula sa loob ang limang lalake. Hinawakan nila ang mamang nagulpi ni Jihoon. Akala ko kasamahan sila ni Jihoon pero mukhang hindi.

May hawak na patalim ang isang lalake at itinututok ito kay Jihoon.

"Seems like he's now in deep trouble," komento ni Wonwoo na kakagising lang din.

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon