nine

540 43 0
                                    

🌥

"Sino ba kasing nagsabi na kasintahan niya ako"

Hindi na mabilang ni Seokmin kung ilang beses na niyang narinig mula kay Soonyoung ang reklamo niyang iyan.

Nakatambay sila ngayon sa clinic. Dahil una, ginagamot ang pasa ni Soonyoung. Pangalawa, dinadaing ni Seokmin ang pinsalang natamo niya mula sa mga goons na nanggulo kanina.

Heck, he's even quite annoyed with Soonyoung kasi hinayaan niya lang siya kanina. Hinatak niya palayo si Jihoon, ni hindi man lang siya tinulungan. Poor Seokmin.

Kaya ngayon, bilang ganti. Ipinagsawalang bahala na lamang ni Seokmin ang presensya ng traydor niyang kaibigan na nasa tabi niya.

Hindi nga niya pinapansin, pero talagang nakakakuha ng pansin si Soonyoung. Not because of his handsome face, but because he kept on talking about the same person, with the same lines, over and over again.

Nagmumukha siyang baliw.

"Sino ba kasing nagsabi na kasintahan niya ako"

Napabuntong hininga si Seokmin at hinarap ang kaniyang kaibigan na nasa kabilang kama lang. Parehos silang nakahiga. Seokmin facing the wall, while soonyoung's staring at the ceiling while blabbering about Jihoon.

"Sino ba kasㅡ"

Tuluyan ng naubos ang pasensya ni Seokmin sa kaniyang kaibigan. Padabog siyang umupo sa kama at tumayo. With a single kick, he managed to get soonyoung off his bed.

"Shit!" daing ni Soonyoung nung mahulog siya sa kama dahil sa lakas ng pagkakasipa ni Seokmin sa kaniya.

Seokmin went back to his bed, satisfied with his work. Habang si Soonyoung ay tumayo at bumalik sa kaniyang kama, hawak-hawak ang nananakit niyang pwetan dahil sa pagkakabagsak.

"Yah! Anong problema mo?!" inis na tanong ni Soonyoung sa naninipa niyang kaibigan.

"Baka ikaw ang may problema sa pag-iisip?! Kanina pa ako naririndi sayo. Paulit-ulit nalang ang mga sinasabi mo" sabi ni Seokmin sa kaniyang kaibigan. Di na napigilang sumagot pabalik.

"Bakit ano bang sinasabi ko?!" inosenteng tanong ni Soonyoung sa kaniya na may halong pagkainis sa kaniyang pananalita.

Seokmin scoffed in disbelief. Kita mo'to, nagsasalita ng hindi nag-iisip! Kaya nasasaktan sa huli eh!

Parang pagmamahal lang yan, kaagad na sumusunggab. Hindi iniisip kung anong magiging resulta sa huli, kaya maraming nasasaktan.

Chos.

Dahil ang totoo niyan, hindi natin hawak ang isipan ng isang tao. Kahit na nagiging maingat tayo sa pagmamahal, once na naisipan niyang magloko, di magseryoso, o iwan ka'y wala tayong ibang nagagawa kundi umiyak dahil tayo'y nasaktan.

After all, pain in love is unevitable.

"Sabi mo, Jihoon I love you" sagot ni Seokmin sa kaniya, gumawa ng panibahong istorya ang ating ikalawang lead mga kaibigan.

Soonyoung's face showed horror. Natawa si Seokmin sa kaniyang isipan. Alam niyang napaniwala niya ang uto-uto niyang kaibigan.

"Talaga ba?!"

"Oo nga! Kaya ako naririndi! Tae! Halatang mahal mo siya eh!" sagot ni Seokmin sa kaniya.

Pinanood niya si Soonyoung na magmukhang tanga, habang kinikitkit nito ang kaniyang kuko. Nabaliw napo ang ating bida kaya si Yuneng nalang ang magmamahal kay Jihoon.

chos.

"Hoy! Wag ka nang mabaliw diyan. Joke lang yun" sabi ni Seokmin at kaswal na humiga sa kaniyang higaan. Sumakit kasi ulit ang kaniyang sikmura.

"Tangina seokmin!"




MATAPOS ang ilang oras na pagtambay si clinic. Pinakawalan na silang dalawa ng school nurse. Pinayuhan si Seokmin na pumunta sa hospital for further check ups, at mas lalong humilom ang kaniyang pasa. Si soonyoung naman ay pinayuhan na lagyan ng cream ang kaniyang pasa. Unlike soonyoung, malaki kasi ang tinamong pasa ni Seokmin.

"Tsk! Pasakit talaga sa buhay si Jihoon" sabi ni Soonyoung.

"Pasalamat ka nga at dumating siya kanina. Kundi, malamang sa malamang... nasa hospital ka na at 50/50" wika ni Seokmin habang naglalakad sila pauwi.

Wala na rin naman silang gagawin sa eskwelahan. Malapit na ring mag dismiss ang mga klase dahil hapon na, kaya minabuti nilang mauna nalang kaysa sa iba. Perks ng nasa clinic. Lol!

"Kung hindi naman dahil sa kaniya, hindi natin 'to matatamo" nakangusong sabi ni Soonyoung at tinuro anf kaniyang pasa.

"Pero paano ba nila nalaman na kasintahan ka ni Jihoon? At anong atraso ni Jihoon sa kanila?" tanong ni Seokmin.

Maraming katanungan siya sa kaniyang isipan. Kahit na magkaklase sila, hindi rin malaman ni Soonyoung kung ano at kung sino nga ba ag totoong Lee Jihoon.

Masyado siyang malalim, para sisirin ni Soonyoung at kilalanin. Masikreto si Jihoon kaya mas lalong naiintriga si Soonyoung na bulgarin ito.

It's a habit of him. Kapag napunta sa isang bagay o tao ang atensyon niya. Hindi na niya ito papakawalan.

Kita niyo, nagsimula sa simpleng banggaan. Ngunit humantong sa rambulan.

Charot.

"Hindi ko rin alam" tanging naisagot ni Soonyoung sa kaniya.

"Wow sinagot yung ikalawang tanong, pero hindi dineny yung una. So kasintahan mo nga siya?" kunot-noong tanong ni Seokmin sa kaniya.

Natauhan si Soonyoung sa sinabi ng kaniyang kaibigan. He nudged Seokmin's shoulder at padabog na lumakad, inunahan si Seokmin.

"Hindi ko siya kasintahan!" sigaw ni Soonyoung sa kaniya.

Naparolyo ng kaniyang mga mata si Seokmim. Hindi nga kasintahan, ngunit papunta na doon. Kilalang-kilala niya si Soonyoung. Kahit na sabihin niyang kay Younghee lang siya, ngunit ang mga aksyon niya ang nagbubulgar sa totoong gusto niya.

"Hindi gusto, pero namumula ang kaniyang tenga" Seokmin thought while laughing at his crazy friend.

It's time for him to move on from the girl who left him without a word. He needs to find another person. That will love and will never ever do what younghee did to his childish friend.

Maybe, just maybe... Si jihoon na ang taong iyon.



🌥

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon