🌃
Hair? check.
outfit? check.
aura? check na check.
Jihoon? chㅡ teka! no check no check!
Tumalon ako sa kama at inabot yung cellphone ko na nasa side table. Ngayon yung party nina Haeyoon at pumayag siyang isama ko si Jihoon! Pero ang loko kanina pa di nagpaparamdam.
I dialed his number.
"the number you haveㅡ "
Naparolyo ako ng aking mga mata at sinendan siya ng message. Binantaan ko na kapag hindi pa siya handa'y iiwanan ko siya.
at ang bubwit sinabihan lang ako ng Manigas ka.
MATAGAL NA AKONG MATIGAS DAHIL SAYO LEE JIHOON!
joke. Ang baboy kong pakinggan. Mas baboy nga lang si Jihoon. Hihi! Ang taba niya.
Di ko siya type.
Lumabas ako sa kwarto ko't nagpaalam na aalis na. Nakasalubong ko nga ang kapatid kong busy sa kaniyang trabaho. Kaya worried akong tatandang dalaga si noona eh! Hindi naman niya kailangang magtrabaho dahil estudyante pa lang siya. But she chose to work and at the same time study.
Nung umulan ng hardwork nagswimming siya habang ako'y natutulog.
Hindi ako tamad. Medyo lang hehe!
"Wag kang uminom ng marami soonyoung. Kapag napahamak ka talaga.." ani noona.
"Yeah yeah. I won't, besides may bubwit akong kailangang bantayan" sagot ko kay noona habang nakangisi.
Siguraduhin mo lang talaga jihoon na pupunta ka. Dahil naku naku! sasabihin ko kay noona na pinabayaan mo ako kaya ako napahamak.
Joke. Ang sama ko talaga.
Lumabas na ako ng bahay. I checked my phone and received no new messages from him. Raising an eyebrow, nagtipa ako message sa kaniya, I asked if he's going na or not.
But before I could tap the send button... may tumigil na motorsiklo sa harapan ko. I looked up and a guy wearing a black helmet welcomed my eyes.
Ang amoy niya ang sumalubong sa ilong ko. Napakabango. Kung tutuusin mukhang mamahalin ang pabango niya, alam kong naamoy ko na ito sa kung saan... nakalimutan ko lang kung sino, saan at kailan.
Bigla nalang kinuha nung tao ang isa pang helmet at ipinasa sa akin. Hindi niya ako hinarap at naka-extend lang ang kaniyang kamay na hawak yung helmet.
"Sino ka? Wala akong balak na makipag-riding and tandem sayo" wika ko sa kaniya.
Nilingon niya ako at shet?! Si Jihoon pala iyon!
Naks! Abot niya pala ang motorsiklo na'to? Mukhang sa height niya palang mahihirapan na siya... chos.
"Sumakay kana bago pa magbago ang isip ko. Gago" sabi niya. Napanguso ako at tinanggap yung helmet. Kailangan talagang may gago eh no?
Pwede lang naman na. Soonyoungie sumakay kana please or Babe sumakay kana sa akinㅡ este please!
Napaka wild talaga ng imagination ko pagdating sa kaniya. Hayst.
Ganito pala kapag may gusto sa iyo yung isang tao ano? Kahit na ayaw mo sa kaniya'y naiisip mo paring gawin ang hindi dapat gawin kasama siya. Oofff! Hindi ko naman ginustong gustuhin mo ako Jihoon eh.
Kahit na cute ka, rejected ka pa rin sa'kin. sad.
I hopped on his motorcycle, medyo naka elevate yung upuan ko at siya naman ay nasa baba ko ng konti. Kaya mas lalong lumiit siya sa paningin ko ih!
"Give me the directions" sabi niya.
Ibinigay ko naman sa kaniya ang direksyon ng bahay ni Haeyoon. Nae-excite ako sa party! Lalo na sa pagkain, oh my god.
"Kung lilipad ka bahala ka" sabi niya na siyang ipinagtaka ko. Anong lilipad? Sinong lilipad?
Bago ko pa man siya mapagtanungan ay bigla niya nalng pinharurot ang motor niya. Napasigaw ako at napakapit sa kaniyang leeg.
"You're choking me!" rinig kong sigaw niya.
"Fck! Hinaan mo!" sigaw ko rin pabalik habang todo kapit pa rin sa leeg niya. Sige ka jihoon kapag hindi mo hininaan baka iba ang makapitan ko. ;-))
Alam kong nagpapa-impres kalang sa akin Jehun. But it's a no for me.
Hininaan naman niya ang pagpapatakbo kaya unti-unti na akong kumalas sa leeg niya. Napunta ang mga kamay ko sa kaniyang shirt at kumapit doon ng mahigpit.
"Kamuntikan na akong mawalan ng hininga" sabi niya at pinasadahan ako ng tingin sa side mirror niya.
"Yeah yeah because I take your breath away. Naku jihoon, iba na talaga ang tama mo sa akin" sabi ko sa kaniya at tumawa ng napakalakas.
And for the second time, muntik na akong mamatay dahil sa biglaang pagharurot niya ng kaniyang motorsiklo.
Nemota mo Lee Jihoon!
ㅡ
Tulala ako the moment I get off his motorcycle. Wala na rin yung helmet sa ulo at si Jihoon ay busy sa pagse-secure ng kaniyang sasakyan.
Ayoko nang sumakay sa motor niya! Mamamatay ako ng maaga dahil sa kaniya eh!
Wala na tuloy siyang mapapangasawa. Grrr!!
"Ano pang tinutunganga mo diyan?"
Nabalik ako sa aking ulirat nung hampasin ni Jihoon ng malakas ang balikat ko. Tsansing!
I glared at him. "Balak mo ba akong patayin?" tanong ko sa kaniya.
Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. His face's telling me that I'm ridiculous. Minsan talaga ang sarap niyang pigain. Tsk!
Umiling nalang ako at nauna kesa sa kaniya. He kept up with me and stayed at my side...grrr! inis pa rin ako sa kaniya.
Pumasok kami sa loob ng bahay at nakitang maraming mga tao doon. Yung iba'y ka-schoolmate at yung iba ay hindi ko talaga kilala.
Nilingon ko si Jihoon at nakatingin lang siya sa mga taong nasa paligid niya.
I sighed and reached for his hand.
"Stick with me or else you'll get lost"
Hindi siya umalma at hinayaan niya lang akong hawakan ang napakalambot niyang kamay.
***
BINABASA MO ANG
Happy Ending | Soonhoon
FanfictionThis story is about protecting you... But in the end it was you who helped me. ------ [SoonHoon] All rights reserved 2019 Author: Jihoff Published: May 16, 2019