JihoonLate nang natapos ang klase. Gutom na ako.
Wait, kailan pa ako nabusog?I fixed my things and stood up, napansin kong nakatingin sa labas ng bintana ang mokong. Seryoso ang kaniyang panget na mukha. Tss. Bakit ko ba siya iniisip?
I pulled up my bag at ipinaslak sa loob nito ang notebook tsaka ballpen ko. Isinukbit ko na ang strap sa balikat at ipinush ang upuan sa pwesto nito. Muli kong pinasadahan ng mga tingin si Soonyoung. Ganun pa rin siya, lalim ng iniisip ah.
"U-uhm..."
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. I looked back, only to see the transferee. She's full of smiles while looking at me. Tinaasan ko siya ng kilay, saya niya ah.
Lumipat ang kaniyang mga mata kay Soonyoung. I moved to the side at tinignan silang dalawa. Uh... anong meron?
Pinanood ko kung paano tapikin ng mahina ni Minyoung ang balikat ni Soonyoung. I shrugged at aalis na ako, wala akong time para sa kung ano man ang ganap sa kanilang dalawa. Hindi naman ako interesado. Interesado ako sa menu ng canteen.
Ano kayang masarap ngayon?
Nasa bukana na ako ng pintuan nang biglang nakarinig ako ng kagimbal-gimbal na sigaw.
"Leave me alone!"
Sigaw yun ng aswang ah?
Lilingon na sana ako kaso may humawak na sa kamay ko't hinila ako papalabas ng classroom. Sa bilis ng pangyayari'y hindi ko na nakita kung sino ang humila sakin. However, sa gaspang pa lang ng kaniyang kamay na determine ko na kung sino.
"huwag mong hihilahin ang kamay mo" aniya at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko habang tinatahak namin ang daan patungong botanical garden.
Pinagtitinginan kami ng mga nadadaanan naming mga estudyante, yung iba pasimpleng tingin. Pustahan tayo may picture na kami sa tabloid na ilalabas. Masyadong assumera ang mga tao dito.
Anong problema nito? Kung magdadrama siya ba't niya pa ako isasali. Tsk!
Nasa bukana na kami ng greenhouse, tumigil ako at hinila ang kamay ko upang makawala sa pagkakahawak niya. Nagawa ko naman. Pawis na pawis ang kamay ko, shit.
"Bakit mo hinila?" kunot-noong tanong niya.
"Bakit hindi ko hihilahin? Kamay ko 'to eh" sagot ko sa kaniya at kinuha ang hand sanitizer sa bag ko. I poured a lot of it on my palms, safe na ako sa germs.
"Tss... sorry kailangan ko lang talaga ng makakasama" sabi niya at naupo sa isang bench.
Nakatingin siya sakin, tinaasan ko naman siya ng kilay. Hindi ako uupo sa tabi niya. Tss.
"Aalis na ako, gutom ako" sabi ko sa kaniya at akmang tatalikuran na siya kaso bigla nalang akong may naamoy na masarap na pagkain. Biglaan nalang!
Nahihibang na ba ako?
Muli ko siyang hinarap at nakita kong may hawak na siyang lunch boxes. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Saktong pinanaunan ako ni mama, kaya ginawa ko nalang dalawa. Prize ko ito sa'yo for coming with me sa party" sabi niya at inilahad sakin yung isang lunchbox.
BINABASA MO ANG
Happy Ending | Soonhoon
FanfikceThis story is about protecting you... But in the end it was you who helped me. ------ [SoonHoon] All rights reserved 2019 Author: Jihoff Published: May 16, 2019