nineteen

401 37 12
                                    

Soonyoung

Kapag sinabi kong ayoko.

Ayoko.

"Just please give me a minute. Just one minute and I won't bother you again"

Napahilamos ako sa aking mukha, talagang sinadya niya pa talaga ang bahay ko para lamang humingi ng kaunting oras upang pakinggan ang kaniyang mga walang saysay ng mga paliwanag.

"Go home younghee" sabi ko at akma ng isasara ang pintuan ngunit inilagay niya sa siwang ang kaniyang paa.

I halted and glared at her. Huh. Hindi pa rin talga siya nagbabago. Kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya, sapilitan niya itong kukuhanin o gagawin.

"Soonyoung please..." aniya.

Ang tibay rin talaga ng babaeng ito. Bakit ko nga ba siya nagustuhan?

Hay naku Jihoon, ba't kasi late ka nang dumating sa buhay ko?

I sighed and opened the door. She stepped forward mukhang papasok sa loob ng bahay ko. Ngunit pinigilan ko ang pagbabadya niyang pumasok nang ako na mismo ang lumabas.

Hindi na ulit kita hahayaang makapasok, sa bahay o sa buhay ko man iyan.

Nakita ko kung papaano siya mamula dahil siguro sa kahihiyan. "Let's go" sabi ko. Mas mabuti nang pakinggan na lamang ang mga sasabihin niya kaysa naman sa mangulit siya ng mangulit.

We settled to talk at the park. Nakaupo kaming pareho sa swing, both of us are silent. Naghihintay lang ako sa mga sasabihin niya.

Pakibilisan nga dahil giniginaw na ako. Tsk.

Uunahan ko na siya, sorry ang unang-una niyang sasabihin. Lagi naman eh.

"First and foremost... I'm sorry" see?

"Sorry dahil sa mga nagawa ko sa'yo noon. I know how you loved me so much. Alam kong nasaktan kita dahil sa pag-iwan ko sa'yo.. "

oh? alam mo naman pala. Bakit mo pa ginawa?

"Umalis ako ng hindi nakapagpaalam sa iyo ng maayos. Naghintay ka ng ilang taon, umaasa sa pagbabalik ko. I have my reasons as to why I chose to leave"

Lahat naman ng mga ginagawa natin ay may rason. I guess those reasons of her were enough for me to experience the pain I've went through.

"Alam mo, habang nasa ibang bansa ako. Walang araw na hindi kita iniisip. Lagi akong humihingi ng tawad sa pagiwan ko sayo. I wanted to contact you... but my fear of losing you ate me"

Is she hearing her own words? The moment she left, nawala na niya ako.

"Gusto kong bumalik dito pero hindi ko magagawa. Hindi ko magawa, not until this day"

Bakit? Ano ba talaga ang rason kung bakit ka nawala? Kung bakit ka umalis? At ngayong nagbalik ka, gusto kong marinig ang mga paliwanag mo— ngunit nag-iiwan ka pa rin ng mga katanungan sa isipan ko.

"I love you... so much until this moment, soonyoung. Kahit na nasaktan kita. I wanted us back... I want my Soonyoung back" her voice cracked at the end of her statement.

Napahigpit ang hawak ko sa kadena. I could hear her painful cry, begging me to comeback to her life. I could feel her pain... dahil naranasan ko rin yun noong mga panahong umalis siya at umaasa akong bumalik siya.

Gusto ko siyang hawakan at yakapin. Yayakapin ng mahigpit at papatahanin. Papatahanin gamit-gamit ang nga salitang alam kong magpapagaan sa kaniyang kalooban.

Kung ako pa sana ang dating Soonyoung.

I heaved a deep sigh and lifted myself up. Kinuha ko ang panyong nakasilid sa bulsa ko as I bent down in front of her.

"Mahal kita..." I said.

She lifted her head and her red puffy eyes met mine. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Kung ako pa ang dating soonyoung" pagpapatuloy ko at ibinigay sa kaniya ang panyo saka ako tumayo.

"Kung ano man ang mga rason mo sa pagiwan mo sa akin, I respect it. And I guess the pain you brought me is a blessing in disguise. Natutunan kong mas maging maingat sa pagpili ng taong mamahalin... mahirap na baka iwan na naman ako" sabi ko sa kaniya.

Nakayuko lang siya habang nakikinig sa mga sasabihin ko. Sana maintindihan mo ang mga sasabihin ko, because this will be our last interaction na pag-uusapan ang ating nakaraan.

Akala ko ako lang ang hindi makamove on sa nakaraan.

"Thank you for teaching me that lesson Younghee. Sana may natutunan ka ring leksyon mula sa masaklap nating relasyon.
Let this be our proper closure, I'm sorry I can't give you what you wanted. Thank you I guess, for the bittersweet memories. Idedelete ko na nga dahil papalitan ko na ito ng mga magagandang memorya ng kasalukuyan" nakangiting wika ko sa kaniya.

"Goodbye, ex" huling sabi ko bago ko siya tinalikuran at lumakad pauwi sa bahay ko.

Nung una akala ko siya na talaga ang makakatuluyan ko, ngunit hindi pala. Masyadi akong nabulag sa pagmamahal ko sa kaniya to the point that I'm making myself a fool.

Aren't we all fools when it comes to love?

Kung magpapakatanga man ako ulit. Sisiguraduhin ko nang sa taong makakatuluyan ko na ako magpapakatanga.

*ehem* Jihoon.



Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon