twenty seven

286 25 0
                                    

Soonyoung

"Oh, anong agenda ngayon? Sigurado akong importante 'yan kasi tinipon mo talaga kami"

Hindi ako kaagad nakasagot at tinititigan ko lang sila. Ang tagal na nung huli ko silang nakausap. Wala pa rin talaga silang pinagbago. Mga bulakbol pa rin.

"Hoi. 'Wag mong masyadong titigan ang asawa ko"

"Anong asawa— yuck"

"Isang yuck mo pa wonwoo makakatik—"

" Yuck"

Napailing na lang ako ng biglang halikan ni Mingyu ang kaniyang kasintahan. Taena. Walang respeto sa single na kasama nila.

"Hoi! Nawala lang ako saglit may naglalaplapan na dito!"

Napalingon ako sa kakarating lang na Jeonghan hyung. Dala-dala niya ang pagkain namin at kakabalik lang niya mula sa 7/11. May bitbit pa siyang sigarilyo. Hanggang ngayon ba naninigarilyo siya?

"Oh soons. Anong problema at pinatawag mo kami?"

Kinuha ko mula sa backpack ko ang picture ni Jihoon. Huminto na sa paggawa ng milagro ang magkasintahan at umupo ng maayos. I placed his picture on the table. Kinuha naman kaagad ito ni Wonwoo.

"Sino 'to?" tanong niya habang tinititigang maigi ang litrato ni jihoon.

"May gusto yan saken. Kailangan ko ng tulong para—"

"Gusto mong dispatsahin namin ang isang 'to?" biglang singit ni Wonwoo.

Napasapo na lang ako sa aking noo at hinablot ang picture ng babi ko. Dispatsahin kaagad?! Marahas talaga basta wonwoo.

"Patapusin mo kasi muna ako. Hays. Mabalik tayo, siya si Jihoon at may gusto saken"

"Himala may nagkakagusto pa sa'yo" barumbadong pagsingit ni Mingyu. I heaved a deep sigh.

Bagay nga silang magkasintahan. Ang sarap pag-untugin.

"Kaninang umaga napansin kong may mga pasa siya. Tapos nung nakaraan hinahabol siya. Gusto kong alamin kung sino ang gumugulo sa kaniya" sabi ko sa kanila.

Tumango-tango si Jeonghan hyung na parang naiintindihan niya ang ipinupunto ko. Inilahad niya ang kaniyang palad at inilagay ko naman doon ang litrato ni jihoon.

"Walang problema. Kami na ang bahala. Tatawagan ka na lang namin kung may nakuha na kami" sabi niya at nagsindi ng sigarilyo.

"Pero gusto kong sumamang mag-imbestiga" sabi ko sa kaniya. His eyes darted on me at tumaas ang isa niyang kilay.

"Alam mo namang delikado ang mundo namin"

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko. Kaya nga ako tumiwalag at nagbabagong buhay.

"Tsk. Fine. Bigyan mo kami ng detalye niya"

Napangiti ako sa sinabi ni hyung. Hindi niya talaga ako matiis! Hehehe.

Ibinigay ko sa kanila ang class schedule namin. Nagusap-usap pa kami kung kailan at kung saan magkikita sa mga susunod na araw para sa pagi-imbestiga.

Full force kaming lahat dito.

Nagtapos ang pagpaplano namin around 7 in the evening. Nagkatuwaan at nagkamustahan pa kasi. I missed being with them again. Masaya namang mamuhay ng payapa at malayo sa peligro. Pero minsan nakakamiss din yung thrill na kasama sila at pagiging barumbado.

Hindi na ako babalik sa dating gawi ko. Iyon ang ipinangako ko sa sarili ko.

Sabay-sabay kaming lumabas sa cafe at unang nagpaalam ang magkasintahan. May date pa raw sila. Sana all.

Nasa bike na ako ng kalabitin ako ni Jeonghan hyung.

"Tawagan mo ako kapag nasa bahay ka na" sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Tumango ako at nginitian siya. Nanay pa rin talaga siya. Hahaha!

"Sige hyung. Mag-iingat ka sa pag-uwi" sabi ko habang inaayos ang helmet ko.

Napailing siya at itinapon ang hinihithit niyang sigarilyong paubos na. He threw it on the ground and stepped on it to kill the fire.

"Sila ang mag-iingat sakin" nakangising sambit niya before waving a hand for goodbye.


————

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon