seven

545 48 36
                                    

🌦

K.S.Y

Dear mga kabobo.

Charot.

Hindi ko alan kung papano sisimulan ang araw na ito. Kasi hindi naman maaraw sa labas at ngayon ay umuulan habang umaaraw.

teka wait. Sinabi kong hindi naman maaraw sa labas pero umuulan at umaaraw ng sabay?

Napaka abnormal talaga ng mundo. Parang ikaw.

joke ulit.

"Soonyoung! Umuulan sa labas magdala ka nang payong!" sabi ni mama na nasa kusina at naghuhugas ng plato.

"Opo ma!" sagot ko sa kaniya at binunot ang payong mula sa lalagyan nito.

Lumabas na ako ng bahay at saka binuklat na yung payong. Handa na akong sumulong sa ulanan kaso naalala ko si Jihoon.

May payong kaya siya?

Aigoo!

Muli akong pumasok sa loob ng bahay at pasimpleng kinuha ang payong ni mama. Hehehe! Siguro walang lakad si mama ngayon. Hihiramin ko muna payong niya hihi!

Tuluyan na akong pumasok sa eskwela. Hindi ako nag bike ngayon kasi sinong gago ang magba-bike habang umuulan sa lakas aber?

Kung gusto mong magkasakit at mamatay ng maaga pa ay go na. Charot. Napaka exagge naman nung mamamatay kaagad.

Pumasok ako sa loob ng classroom at as per usual, ang ingay-ingay ng mga unggoy kong kaklase. Lalo na si Jooheon na nasa gitna ngayon at may itinuturong kagaguhan sa mga kampon niya.

"BAKSU!" sabi niya sa kanila.

Sinunod naman ito ng mga kampon niya. "uh oh, hindi ganyan. BAKSU!" he corrected.

Napailing ako at dumeretso nalang sa upuan ko. Napansin kong wala pa dito si liit-liit ustong manakit.

Char.

Pero ang cute nung name ha? liit-liit ustong manakit. HAHAHA!

Tinignan ko ang wristwatch ko, malapit nang magtime wala pa rin si Jihoon? Baket!

Tuluyan na ngang pumatak ang 8:30 na oras. Nasa gitna na rin si insan at nagche-check ng attendance.

"Kwon Soonyoung?" tanong ni insan.

"Present never been absent!" sagot ko sa kaniya at may pakindat pa.

Nagpakita siya ng nandidiring mukha. Aba! Maraming nagsasabing magkamukha daw kami. Pero mas at pinakagwapo pa rin ako kesa sa kanilang mga pinsan ko.

"Lee Jihoon?" tanong ni insan.

Walang may sumagot sa aming lahat.

"Lee Jihoon" pagtawag ni insan sa kaniya.

Nasa puso ko ser.

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon