Kinabukasan ay maaga pang pumasok sa eskwela si Soonyoung. Ngiting-ngiti at halos lumuwa na ang kaniyang gilagid.Napansin naman ito ng kaklase niyang si Jooheon na karibal rin niya sa classroom. Tumayo si Jooheon at lumapit sa kakapasok lamang na Soonyoung.
"Oi! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" bagot na tanong nito kay Soonyoung.
Napawi ang magandang ngisi sa mukha ni Soonyoung at nilingon si Jooheon sabay irap sa kaniya. Kanina ay maganda ang mood niya ngayon ay naglaho dahil nakita niya ang pinakapanget na tao sa tanang buhay niya. That's how he describes Jooheon in his life.
Imbes na sagutin ay nilagpasan niya si Jooheon at umupo sa kaniyang upuan. He pulled Jihoon's desk besides his para makatabi niya ang lalake.
Nothing special happened kagabi aside sa naging friendly saglit si Jihoon sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang pagkacrush ni Jihoon sa kaniya, kasi hinatid siya ni Jihoon sa kanilang bahay. Jihoon even rolled his eyes at him while shooing him away.
At para sa kaniya, it was a sweet gesture from the man.
"Jihoon jihoon jihoon... crush mo talaga ako" Ani Soonyoung habang hinihimas ang desk ng binata.
Sakto namang dumating si Jihoon na nakabusangot, as per usual niyang facial expression, nadatnan niya ang nakangiting soonyoung habang hinihimas ang kaniyang desk.
He groaned and took out his wet wipes at kumuha ng isa roon. He proceed to his desk and started wiping it. Dahil doon ay nagulat si Soonyoung at napabalikwas sa kaniyang upuan while looking at Jihoon.
"You scared me!" bulalas nito sa binata.
Nilingon siya ni Jihoon, "You touched my desk with you filthy hands" sagot naman ni Jihoon sa kaniya at itinapon ang wet wipes sa basurahan sa likuran bago siya nagsettle sa kaniyang upuan.
Napailing nalang si Soonyoung at nakangiting tinitigan si Jihoon. Sapagkat sila'y malapit sa isa't-isa, ramdam ni Jihoon ang mga nakakakilabot na mga titig ni Soonyoung sa kaniya.
"Quit staring at me, dumb" ani Jihoon kay Soonyoung.
Soonyoung chuckled, "Back to Lee Jihoon kana ah" sabini Soonyoung sa kaniya dahil back to his usual self naman si Jihoon.
He remembered how he acted last night, parang isang kuting si Jihoon sa party na ayaw mawalay sa kaniyang amo, who is Soonyoung. Walang imik si Jihoon at buntot lang ng buntot kay Soonyoung. Kaya napagpasyahan rin ni Soonyoung na alisin na si Jihoon sa party at nanatili sila sa garden kung saan kokonti lang ang mga tao, eventually they left early kasi may pasok pa kinabukasan.
"Ako pa rin naman 'to" sabi ni Jihoon sa kaniya.
Soonyoung huffed, "Wow 360 degrees change of mood. Kagabi ang adorable mo ngayon balik kana sa usual mong aura na animo'y papatay anumang minuto"
"Oo. Ikaw papatayin ko any minute from now" sagot ni Jihoon sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
Napailing si Soonyoung at ginulo ang buhok ni Jihoon. Umangal si Jihoon at tinampal ang mapangahas na kamay ni Soonyoung. Syempre hindi natinag ang makulit na soonyoung at ginulo pa rin si Jihoon kaya kamuntikan na siyang mapatamaan ng suntok ni Jihoon kundi lang dumating ang adviser nila.
"Settle down class, I have an announcement to make" sabi ng adviser nila at napalingon ito kay Soonyoung.
Nakita ni Soonyoung ang kaniyang pinsan, na adviser niya, na seryosong nakatingin sa kaniya. His eyebrow rose up bago siya umayos ng pagkakaupo. Tumango ang kaniyang pinsan at muling nagsalita.
"May bago kayong kaklase. Alam kong medyo late na to add her to our class but everyone deserves to have a place in this school."
Narinig ni Soonyoung ang mga bulong-bulungan ng kaniyang mga kaklase. Nilingon niya si Jihoon at nakitang naka tuptop lang ito sa kaniyang desk at hindi interesado sa sinasabi ng kanilang adviser. He frowned and tapped Jihoon's shoulders.
"Makinig ka may bago tayong kaklase" sabi ni Soonyoung sa kaniya.
Nilingon siya ni Jihoon at binigyan ng masakit na tingin. "I dont give a shit" sagot nito at muling ibinaling ang ulo sa kabilang side para di maistorbo ni Soonyoung pero maiistorbo pa rin naman siya sa huli.
Hinayaan nalang siya ni Soonyoung at nakinig sa kaniyang pinsan na kanina pa tingin ng tingin sa kaniya.
"Student Min, please get inside"
At sa pagbukas ng pintuan, tutok na tutok si Soonyoung sa babaeng pumasok. May mahaba itong buhok all the way down to her waist. Bagsak na bagsak animo'y araw-araw palmolive ang shampoo. Maganda ang kaniyang katawan at bagay na bagay sa kaniya ang uniform nila.
Likod pa lang ay alam na ni Soonyoung kung sino yung babae.
His lips departed while waiting to confirm his hunch. Humarap na ang estudyante at doon na tuluyang nabato si Soonyoung sa kaniyang kinauupuan.
Her small and angelic face never changed. Matagal man silang hindi nagkita'y hindi pa rin nagbabago ang napakagandang mukha nito. She was still her, the person Soonyoung got smitten to. Ang babaeng kailanma'y hindi niya inaasahang magbabalik ngayong araw. Umaasa siyang babalik siya, hindi ngayon kundi sa susunod pa.
However, there she is right now. In front of him stands the girl who captivated his heart and at the same time broke it.
"Hi. I'm Min Younghee, nice to meet you all"
Nagtama ang paningin nilang dalawa.
Meanwhile, narindi na si Jihoon sa mga ingay na ginagawa ng kaniyang mga kaklase kaya inangat niya ang kaniyang ulo para tignan ang dahilan ng ingay. Ngunit imbes na manatili sa babae na nasa harapan ang kaniyang atensyon, napunta ito sa nginingitian ng kanilang bagong salta.
Napalingon siya kay Soonyoung.
Kumunot ang noo niya ng makitang shock na shock ito.
Bumalik kay Younghee ang atensyon niya.
'Magkakilala sila?' tanong nito sa kaniyang isipan.
He sighed and shook his head bago siya napatuptop muli sa kaniyang desk.
'Whatever, tsk'
***
BINABASA MO ANG
Happy Ending | Soonhoon
FanfictionThis story is about protecting you... But in the end it was you who helped me. ------ [SoonHoon] All rights reserved 2019 Author: Jihoff Published: May 16, 2019