twenty two

417 30 21
                                    


Soonyoung

"Buti at hindi ka niya nasuntok"

"Paano naman niya maatim na suntukin ang taong gusto niya?" sagot ko kay Seokmin habang naglalaro kami sa kaniyang console.

"Tangna. Ang hangin mo soons. Sigurado ka bang siya ang may gusto sa'yo? or ikaw lang talaga itong patay na patay sa kaniya"

Nang dahil sa sinabi niya ay nabulunan ako sa iniinom kong juice. Juice tayo mga dude parechong, no to alcohol yeas to juice.

"Sabi nila kapag nabulunan ka, iniisip ka ng isang tao" sabi niya habang pinupunasan ko ang juices na naibuga ko.

"Si jihoon?"

"Kita moto wala akong binaggit na pangalan, pero siya kaagad ang pumapasok sa isipan mo" sabi niya at umiiling pa.

Napaismid naman ako, bakit ba ang laki ng isyu niya sa aming dalawa? Don't tell me my gusto itong unicorn na'to sa akin.

Ngunit malabo. Mas malabo pa sa mata ng kilala ko.

Kung hindi ako, edi may gusto siya kay Jihoon?

"Oi, gusto mo ba si bubwit?" tanong ko sa kaniya.

"Sinong bubwit?"

"Si stuart little" sagot ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at pinakyuhan. Kita mo ang bastos talaga. Sana ang majowa niya ay yung desente at gentle girl. Ang wild ng stallion nato.

"Si jihoon, kasi kanina mo pa ang ine-interrogate sa kaniya" sabi ko sa kaniya habang minamani obra ang controls.

".... Papaano kung gusto ko nga siya?" sagot niya.

Nabitawan ko ang hawak-hawak ko at kaagad siyang kinuwelyuhan. Dude, magkaibigan tayo pero sa akin lang dapat magkagusto ang bubwit ko.

"Hoi! Kalma lang! Wala akong gusto sa kaniya okay? Para kang tigre riyan" sabi niya at tinulak ako palayo.

Tsk.

"Sa susunod kasi wag kang gagawa ng ikakainis ko" sabi ko sa kaniya.

"Nye nye, matatalo na kita" sabi niiya bago siya nagpakawala ng isang combo kaya natalo niya ako.

First time.

"Kahinaan mo talaga si Jihoon. Kita mo, natalo kita" proud niyang sabi sabay pogi sign pa.

I rolled my eyes at him. Tumayo na ako at kinuha na ang mga gamit ko. Aalis na ako, naririnig ko na ang matinis na sigaw ni noona mula sa bahay. Two blocks away lang kasi ang bahay namin mula dito kaya easy lang para mabulabog ko si Seokmin.

"Aalis ka na?" tanong niya at tumayo na rin.

"Yeah, nasasagap na ng radar ko si noona" sabi ko sa kaniya at binuksan na ang pintuan ng kaniyang kuwarto.

Hindi kalaunan ay nasa kalsada na ako habang tinatahak ang daan patungo sa bahay namin. While walking, my mind drifted to seokmin's question earlier.

Pinakiramdaman ko ang puso ko habang tinatanong ko rin sa sarili ko, kung may gusto na nga ba ako kay Jihoon.

Or sure na ba talaga akong may gusto ako sa kaniya?

Kasi kung napatunayan ko ng may gusto talaga ako, eh mga dude parechongs— wala na siyang kawala sa akin.

Malalaman natin yan once na nag-agree na siya sa date naming dalawa. Ang poproblemahib ko muna ay kung papaano ko siya mapasagot.

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon