thirty

275 24 6
                                    


"Salamat ulit hyung."

"No problem. Sure ka bang hindi na namin kayo ihahatid?" nag-aalalang tanong ni Jeonghan hyung.

Nakatayo lang ako sa likuran ni Jihoon habang hinihintay siyang magpaalam kay Jeonghan hyung.

"Hindi na. Tsaka alam ko namang hindi mo maiwan-iwan si Seungcheol."

Natawa si hyung sa sinabi ni Jihoon. Inilihis ko ang paningin ko sa ibang direksyon. Mukhang wala namang problema sa kanilang tatlo, ngunit bakit may tensyon akong naramdaman kanina?

"Mag-ingat kayong dalawa."

Iyon ang huling sinabi ni hyung bago siya pumasok sa loob ng bahay. Kumunot naman ang noo ko kay Jihoon noong hindi pa siya umaalis sa puwesto niya. I sighed and grabbed his hand.

Mukha naman siyang natauhan at sinamaan ako ng tingin. Hindi ako nagpatalo sa kaniyang masamang tingin at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Halika na. Baka may pa sa labas," sabi ko sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad patungong entrance.

Tahimik lang siya. Nanibago naman ako dahil dapat sa mga oras na ito ay sinasabihan na niya akong huwag siyang hawakan o 'di naman kaya'y sapilitan niyang babawiin ang kamay niya. Nilingon ko siya at nakatingin lang siya ahead.

"Crush mo si Seungcheol?" pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa.

Nilingon niya ako panandalian at hindi nagsalita.

"Silence means yes." sabi ko.

Nanatili pa rin siyang tahimik at sineryoso ko naman ang sinabi ko na silence means yes. Crush niya si Seungcheol pero jowa na ni Jeonghan hyung which is kaibigan namin pareho. Saklap naman.

Pero wait... kung crush niya si Seungcheol- edi two timer pala siya?! Pinagsabay niya kaming pareho nung lalakeng yun!

Binitawan ko siya at pumunta sa kaniyang harapan. Natigilan siya sa paglalakad at tinignan ako ng masama.

"Alis!"

Umiling ako at ipinagkrus ang aking mga braso. Napabuntong-hininga siya at lulusutan na sana ako ngunit hinarangan ko ulit siya. Hanggang sa nagpatintero kaming dalawa.

"What the fuck Soonyoung. Anong trip mo?!" asik niya.

Lumapit ako sa kaniya at napaatras naman siya. Kita mo, ang tapang-tapang pero bigla nalang manlalambot naman sa akin.

"Two-timer ka." sabi ko sa kaniya.

Napaawang ang kaniyang bibig sa sinabi ko. He look at me as if I said something ridiculous.

"Two-timer what?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Napaismid ako sa kaniyang sinabi.

"Crush mo si Seungcheol pero gusto mo ako. Oh c'mon, bitawan mo na si Seungcheol at pasagutin mo na ako." sabi ko sa kaniya.

Mas lalong napaawang ang kaniyang bibig. Isinara ko naman ito, baka mapasukan ng langaw. He swatted my hand away.

"Anong kabalastugan ang sinasabi mo? Nagdo-droga ka ba?"

"Oo, Marijuanabeyours." pinigilan kong huwag mapangiti sa reaksyon niya.

"Iba ang sapak mo sa ulo." sabi niya at malakas akong tinulak palayo.

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon