twenty four

438 35 17
                                    


Jihoon patiently waits for the other guy to arrive. Kahit na kating-kati na ang kaniyang paa na umalis. Pakiramdam niya'y sinasayang niya lang ang oras niya kakahintay sa taong inaya siya sa isang date, tapos late naman pala.

"Last one minute" wika nito sa sarili habang tinitignan ang kaniyang relos. Nangangalay na ang kaniyang mga paa kakatayo. If only the benches were free, he wouldn't have to stand for almost an hour.

Mukhang hindi lang kasi silang dalawa ni Soonyoung ang may agenda ngayong araw, kundi marami pang iba. Couples were sitting along the benches, talking and doing some lovey-dovey stuffs na isa rin sa rason kung bakit gustong umalis ni Jihoon.

Nagsimulang magcountdown sa kaniyang isipan. Nagsimula sa twenty hanggang sa huling sampung segundo. Kanina niya pa sinusumpa si Soonyoung sa kaniyang isipan.

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Baka kinakabahan siya sa posibilidad na hindi siya siputin ni Soonyoung?

He shrugged that thought off his mind.  Imposible kasi si Soonyoung mismo ang nag-aya. The fact that this is the first time that someone asked him out, he expected quite alot.

"Jihooooon!!"

Kasabay ng pagbilang niya sa huling numero sa kaniyang isipan, a familiar voice was heard from afar. Napalingon siya sa kaniyang likuran at kaagad na namataan ang taong kanina niya pa hinihintay.

He stared at him— no, more like glared at him. Ikaw ba naman ang paghintayin, ikaw na nga ang inaya ikaw pa ang pinaghintay. Gaya sa pag-ibig, ikaw na nga ang niligawan, ikaw pa ang iniwan. Parang hindi pinahalagahan ang importansya ng pag-OO mo sa kaniya.

"S-sorry... ha... natraffic ako... ha.. shet... eto flowers for... ha... y-you" hinihingal na sabi ni Soonyoung at ipinakita kay Jihoon ang bagong pitas na mga bulaklak.

Wala siyang budgey para sa mamahaling bouquet kaya tamang pitas lang sa mga bulaklak sa kanilang kapitbahay. Kinailangan niya pang paamuhin ang asong pitbull ng kapitbahay nila.

Tumaas ang isang kilay ni Jihoon. He saw the sweat along Soonyoung's face. Parang naligo ito dahil sa basang mukha at buhok nito dulot ng pawis.

"Tsk"

Jihoon clicked his tongue, kinuha niya ang kaniyang panyo mula sa bulsa. He moved closer to him and pulled him up. Nakayuko kasi si Soonyoung at para mapahiran nito ang kaniyang nga pawis kailangan niya itong patayuin ng tuwid.

"Sana nagtext ka na malelate ka, halos isang oras mo akong pinaghintay. Hindi mo ba alam kung gaano ka ginto ang oras ko? Suwerte ka at pumayag akong makipagkita sa'yo ngayon" wika ni Jihoon habang pinapahiran ang pawis sa mukha ni Soonyoung.

Matama siyang tinitigan ni Soonyoung at unti-unting sumibol ang malaking ngiti nito sa kaniyang mukha habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Jihoon. Nakafocus lang sa bibig nito ang mga mata ni Soonyoung.

"Gusto kitang halikan"

Hindi aware si Soonyoung na nasabi niya ang mga salitang iyon. He was thinking out loud while imagining what would it feel like if he were to kiss Jihoon at the moment. How soft would Jihoon's lips be? or How sweet it would be?

Dahil sa naibulalas ni Soonyoung, nahinto si Jihoon at napatingin sa mga mata ng lalake. Nakatingin ito sa ibaba, more like sa mga labi niya.

Nagkasalubong ang mga kilay ni Jihoon at walang anu-anong kinaltukan si Soonyoung para magising ito sa realidad.

Nagulat si Soonyoung sa ginawa ni Jihoon. He scratched his head in confusion. Jihoon rolled his eyes on him at tinalikuran siya nito.

"Halika na" sabi ni Jihoon at dali-daling naglakad.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Soonyoung ang namumulang pisngi at tenga ni Jihoon kahit na malayo na ito sa kaniya.

"Teka babi!" tawag ni Soonyoung sa kaniya. Ngunit pinakyuhan lamang ito ni Jihoon.

Muling napakamot si Soonyoung sa kaniyang ulo, hindi niya alam kung anong nagawa niya upang kaltukan siya ng nakakabata. Sinundan niya si Jihoon at hinawakan ang kamay nito ng maabutan niya ito.

____

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon