"Soonjae."I heard him whispered for the last time before I decided to wake him up. Nakakunot kasi ang kaniyang noo at halata sa mukha niyang hindi maganda ang kaniyang napapanaginipan.
Isa pa, gusto ko Soonyoung lang ang sasambitin niya sa tuwing natutulog siya. Hmp!
"Pota."
Napaismid ako sa kaniyang pagmumura. Kanina parang pusang maamong-maamo sa kaniyang pagtulog, ngayon isang leon. Kinusot niya ang kaniyang mga mata habang tinititigan ko naman ang mukha niya. Ano bang ginawa niya kagabi at mukhang wala siyang tulog?
"Hoy."
"Ano?"
"Anong oras na? Ba't tayo na lang ang nandito."
Napalingon siya sa ibang bakanteng upuan. "Break time, lumabas na ang lahat." sagot ko sa kaniya.
"Tsk. Sana ginising mo ako," wika niya at kaagad na tumayo. Kinuha niya ang kaniyang bag at isinukbit ito sa kaniyang balikat. Pinanood ko siyang lumakad hanggang pintuan. When he noticed that I wasn't following him, he looked back at me with a scowling face. "Ano pang hinihintay mo riyan? umalis na tayo."
Kita mo 'to ang bagsik!
"Heto na nga baby susunod na po," nakangising tugon ko sa kaniya at tumayo na upang sundan siya. He raised a middle finger at me.
Lumakad kami papuntang canteen. Nang makitang puno ang lahat ng mga mesa, we decided to just buy our food and find some spot around school. Umalis na kami sa canteen at napagdesisyunang tumungo sa soccer field. May benches na naroon at may mga puno ring nakapalibot.
We sat on the bench, nakaharap sa field. The wind's cool which made me felt chilly. Malapit na nga pala ang winter. Winter means winter break. Ilang weeks na hindi ko makikita ang baby ko. Well, unless may gagawin akong paraan para makita siya. Hihi!
Tahimik kaming kumakain. I couldn't help but to stare at him as he eats. Burara rin kasi siyang kumain. Nakita kong may konting sauce sa kaniyang pisngi. Ano na, mala drama na ba ang buhay naming dalawa?
I reached out my hand to wipe it pero natigil ako nang makitang pinahid niya ang dumi sa kaniyang mukha. Natigilan ako dahil sinira niya ang mala drama naming eksena sana.
Nakita niyang parang natanga ako. My hand's still reaching out kaya napunta roon ang atensyon niya. "Anong trip mo?" tanong niya, pertaining to my hand.
Kaagad kong binawi ang kamay ko at tumingin sa ibang direksyon. I pushed my hair back. Kind off frustrated dahil nawala na yung romance. Hmp!
"Para kang tanga," sabi niya pa.
"Ang harsh mo. Natatanga lang naman ako sa'yo." banat ko pa.
"Gago."
Kita mo nagago pa ako. Walang ka sweet-sweet sa kaniyang katawan ang isang 'to. Buti nga kung ganoon at least alam kong wala pa siyang ex. Hihi! Ah! Before we could end our convesation and also forget about it, I asked him who was the person he called out while he's sleeping.
"Sino si Soonjae?"
Nakita ko siyang natigilan sa kaniyang pagkain. His head turned to me in a swift. Mukhang nagulat siya nang lumabas sa bibig ko ang pangalan na 'yon. Well well well mas lalo tuloy akong naintriga kung sino ba ang taong iyon.
"Paano mo nalaman si Soonjae?" tanong niya pabalik. I watch his expression, he looked uneasy.
"You said his name a lot of times while you were sleeping," I responded before taking a bite on my food.
Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo. He must've thought that he did something that he shouldn't have. Is Soonjae that big deal for him?
"Forget that name. Ayokong marinig ulit ang pangalang iyon, lalong-lalo na sa'yo."
Iyong ang huli niyang sinabi bago siya tumayo at umalis. I called out his name a lot of times but he didn't stop and continued to walk away.
Sa inasal niyang iyon mas lalo tuloy akong naging interesado. Maybe I should ask Jeonghan hyung about it. Sigurado akong kilalang-kilala niya si Jihoon. He wouldn't mind sharing some history with me, right?
I pulled out my phone and messaged Jeonghan hyung if I could meet him later after class. The message was sent pero hindi pa niya nababasa. Baka busy naman siya.
Natapos ang buong araw na hindi ako pinansin ni Jihoon. Kinukulit ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Kamutikan ko nang masuntok si Jooheon dahil sobrang pakealamero.
"Bye."
Nagulat ako nung tumayo siya at lumakad paalis. "Jihoon!" pagtawag ko pero tuluyan na siyang nakalabas ng silid. Napakamot ako sa aking ulo at ipinagpatuloy na lamang ang aking ginagawa. Hahayaan ko na muna siya, malalaman ko na rin kung ano ang bumabagabag sa kaniya.
Pagkalabas ko sa room ay natanggap ko ang mensahe ni Jeonghan hyung. He's available now kaya nagmadali akong tumakbo palabas ng eskuwela. Kinuha ko ang bisikleta ko't kaagad na nagpedal papunta sa kasalukuyang pinagtatrabahuan ni hyung. Hindi naman gaanong kalayo. He's working in a bookshop. Part-time lang daw niya at naatasan ng kaniyang auntie.
I parked my bike sa tabi ng shop at pumasok sa loob. Tumunog ang mga chimes kaya napalingon sa gawi ko si hyung. Nag-aayos siya ng mga libro sa ikaapat na column.
"Hyung, thanks for responding to my message," sabi ko sa kaniya't naupo sa upuan kung saan niya ako iginayak.
Hindi ko maiwasang mapansin ang interior ng shop. Mala old english ang style nito with a touch of modern. I'm curious if nakapunta na rin dito si Jihoon.
"Anong kailangan mong itanong about kay Jihoon?" tanong niya matapos niyang ibaba ang tray na may mga kape.
"Pagod na pagod ang hitsura niya kanina. Nakatulog siya sa klase. Habang natutulog siya'y sinasambit niya ang pangalang Soonjae." sabi ko sa kaniya.
Jeonghan hyung's forehead creased. Mukhang miski rin siya'y naintriga. I'm hoping that he knows Soonjae tho. Tahimik lang si hyung habang nagkukwento ako sa mga nangyare kanina. Mukhang iniisip niya ang kaniyang sasabihin. But what he said shook me.
"I guess first love never dies, huh."
***
BINABASA MO ANG
Happy Ending | Soonhoon
FanfictionThis story is about protecting you... But in the end it was you who helped me. ------ [SoonHoon] All rights reserved 2019 Author: Jihoff Published: May 16, 2019