"Lee Jihoon."Napaangat ang aking ulo at kaagad na hinanap ang taong tinatawag para sa class attendance. My eyes darted to his empty seat.
"Lee Nayoung," rinig kong tawag ng aming guro.
Napako ang aking tingin sa pintuan. Hinihintay ang kniyang pagdating. Wala naman akong natatandaang dahilan para mag-absent siya ngayong araw.
Hanggang sa matapos na ang checking of attendance ay hindi siya nakarating. I sighed. Ipinukol ko na lamang ang aking atensyon sa labas para mawala ang boredom.
Natapos ang unang subject para sa araw na ito. Habang naghahanda ang lahat sa susunod na subject, inilabas ko ang cellphone ko para i-message si Jihoon. I opened my messaging app and searched for his name. Nang makita ko ay kaagad akong nagtipa.
'Wala ka ata ngayon? Papasok ka ba?'
I turned off my phone as soon as the teacher arrived.
Nag-quiz lang kami at sure naman akong wala akong tama sa mga sagot ko. Kung mayroon man edi thank you brain haha! Matapos kong ipasa ang aking papel ay kaagad kong binuksan ulit ang cellphone ko.
Kumunot ang aking noo. Nakita na niya ang mensahe ko pero hindi man lang niya ako nireplyan. Wow famous.
'Hoi. Asan ka? Papasok ka pa ba? Nag-quiz kami sa History.' I tapped the sent button. Nagnotif naman sa akin ang gc namin kaya binuksan ko ito. Nag-aya ng inuman sina Mingyu at Wonwoo hyung. Hindi ako nagreply at pinatay ang cellphone ko.
Tumayo ako at prenteng naglakad palabas ng silid. Marami akong nakasalubong na mga babae sa labas, malamang sa malamang mga alagad ni Jooheon. Napailing ako noong malagpasan sila.
Mga walang taste.
I felt my phones vibration. Hinugot ko ito mula sa aking bulsa. Napahinto ako saglit saka tumabi muna para replyan si Jihoon.
'Hindi ako papasok.'
Tumaas ang kilay ko at kaagad na nagtipa ng reply.
'Bakit? May sakit ka ba? Masakit pa ba ang mga sugat mo'
Kaagad naman siyang nagreply.
'May lagnat ako. Just send me the notes. I'll request for special quiz sa mga mami-miss kong mga quizzes ngayon.'
Sumandal ako sa dingding, kagat-kagat ang aking labi. I crossed my legs while typing my reply.
'Eh ako? Miss mo?' tanong ko sa kaniya.
Hinintay kong i-seen niya ang reply ko, ngunit lumipas ang ilang minuto ay hindi pa niya ito pinapansin. I sighed and continued walking while waiting for his reply.
Nakarating na ako sa canteen at kaagad na dinaluhan si Seokmin. Mag-isa lang siya sa mesa habang kumakain at nangongopya ng assignment.
"Aba, aba, aba!" sabi ko at kinuha ang notebook ng kaklase niya.
Napaangat ang ulo niya at sinamaan ako ng tingin. Hinablot niya pabalik ang notebook. "Bwisit ka." aniya at nirolyohan ako ng mga mata.
Umupo ako sa kaniyang harapan bitbit ang tray ko. Inilapag ko ang tray sa lamesa. I just let him do his work while I am eating.
"Anong nangyare sa mukha mo, ba't may pasa?" tanong niya.
Nagkasalubong ang mga kilay ko. Tinignan ko ang hitsura ko through the camera na sinet ko sa front cam. Ngayon ko lang napansin ang pasa sa aking pisngi. Hindi iyon ganoon kahalata. In fairness mataas ang paningin ni Seokmin.
"Ah, napaaway lang kagabi." sagot ko sa kaniya at ibinaba na ang cellphone ko.
Saglit niya akong tinignan. Siningkita niya ako ng mga mata na para bang pinagdududahan niya ang buong pagkatao ko. I rolled my eyes at him and continue eating my food.
Itinabi niya ang kaniyang mga gamit at nagsimula na ring kumain. "Ano namang gulo ang pinasok mo Soonyoung?" tanong niya. He sounded like mama while asking that.
"Concerned ka? Yieee!" tukso ko sa kaniya.
"Concerned amputa. Baka nakakalimutan mo Kwon Soonyoung, minsan ka nang na hospital dahil sa away."
I licked my lips. Inabot ko ang juice niya at ininom ito bago ako nagsalita.
"Yeah right. Hindi naman ganun kalala," sagot ko sa kaniya at ipinagkibit-balikat na lamang ang mga nangyare dati.
I used to fight. I used to be a part of a gang, kasama sina Wonwoo hyung. Pero tumaliwas na ako dahil nalaman ni mama the moment na ma-hospital ako. Nag 50/50 ako noon dahil sa lakas ng impact ng tubo sa aking ulo. Buti na lang at hindi ako nagka-amnesia.
"Jusko." Umiling na lang siya at nagpatuloy na sa kaniyang pagkain.
Nang matapos ang lunch break, dumeretso ako sa banyo para magbawas. I washed my hands afterwards. Naglalakad ako ngayon sa hallway pabalik sa classroom. Halos walsng katao-tao sa hallway dahil anumang minuto ay magsisimula nang maglibot ang prefect.
At the classroom, I checked my messenger. Hindi niya pa rin sine-seen.
"Wala ata ang lover boy mo ngayon, Kwon."
Napaangat ang aking mga mata kay Jooheon. Nakaupo siya sa lamesa ni Jihoon. I sighed and shook my head, ignoring his presence.
Narinig ko ang tunog ng paghila niya ng upuan. I felt his presence on my side which made me turn to him.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.
Sumandal siya sa upuan at ipinagkrus ang kaniyang mga braso sa dibdib. "Napaka-attitude mo talaga." komento niya.
"Ewan ko sa'yo. Wala akong panahon para sa mga taong walang magawa sa kaniyang buhay." sabi ko sa kaniya.
Narinig ko ang kaniyang pagtawa. Kailan pa ba dadating ang susunod na subject teacher? Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makakasakal ata ako ng isang kaklase sa araw na ito.
Ang hirap talaga kapag wala si Jihoon. Hindi ako makakalma.
Hinayaan ko lang si Jooheon. I turned my gaze away and focused on the scenery outside. Hindi pa man ako nakakatagal sa pagtatanaw sa labas agad din namang bumalik sa kaniya ang atensyon ko dahil sa cellphone na inilagay niya sa lamesa ko.
Kumunot ang noo ko sa kaniya at tinignan ang litrato sa cellphone.
"I was visiting my grandpa earlier, nakita ko siya roon." sabi niya. Absent kasi siya kaninang umaga.
Klarong-klaro ang litrato ni Jihoon. Papasok siya sa hospital kasama ng isang babae. He's wearing a ocean blue hoodie and shorts. Kahit na nakalukbong sa kaniyang ulo ang hood ay makikilala ko pa rin siya.
Nanatili ang mga mata ko sa kaniyang cellphone. I pulled out my phone and opened the messaging app. Hindi niya pa rin ito sine-seen. I sighed and pushed his phone away.
"Alert! Andyan na si ma'am!" anunsyo ng kaklase namin. Kaya naman napabalik na sa kaniyang upuan si Jooheon.
All throughout the discussion, lumilipad ang aking isipan. Hindi ako makapagconcentrate. Gusto kong malaman kung nasaan talaga si Jihoon ngayon.
At kung ano talaga ang dahilan kung bakit siya nasa hospital na 'yon. Na kung saan ang hospital na iyon ay known for curing people with cancer.
—— • ——
BINABASA MO ANG
Happy Ending | Soonhoon
FanfictionThis story is about protecting you... But in the end it was you who helped me. ------ [SoonHoon] All rights reserved 2019 Author: Jihoff Published: May 16, 2019