thirty two

209 20 2
                                    

Should I ask him?

Wait... Can I ask him?

Ah, nababaliw na ako kakaisip. Nakakabaliw isipin ang isang Lee Jihoon. He's still a mystery for me although we've shared some moments together. May times na feel kong malapit kami sa isa't isa but there will always be a time na mapapatanong na lamang ako kung kilala ko na ba talaga siya.

"Soonyoung!"

I paused from my tracks and turn towards Jooheon. Tumaas ang kilay ko nang makita siyang nakangisi. Nakakainis pagmumukha niya.

"Ano na? Natanong mo na kung siya ba talaga 'yon?"

"Ba't hindi ikaw magtanong tutal ikaw naman ang nakakita."

Napailing na lamang ako at pumasok sa loob ng classroom. Naroon na si Jihoon and and as usual tulog. Naramdaman ko ang pagkapit ng kamay ni Jooheon sa balikat ko.

"Tulog pa ba 'yan o may iniinda ng sakit?"

I hissed at his statement. Glaring, I removed his hand on my shoulder. Germs.

"Fuck off will you?"

Hindi ko na hinintay pang magpang-abot kaming dal'wa. Lumakad na ako papunta sa pwesto ko. I removed my backpack from my body and hang it on my desk. Kinuha ko ang banana milk na binili ko kanina sa convenience store.

Nakatungo si Jihoon kaya hindi ko makita ang hitsura niya.

"Psst. Gising," I said while poking his scalp. I expected him to hit me and curse me to hell pero hindi manlang siya gumalaw. Wow.

I placed the carton of milk on my desk. I slowly leaned to his ear. Without any hesitation I softly called him with my endearment to him.

"Baby ko~"

I tickled his sides which made him sit up straight. I moved back before his head could hit my chin.

"Putangina."

Natawa ako sa pagmumura niya. Walang araw na hindi ko maririnig mula sa kaniyang cute na bibig ang salitang 'yon. Feel ko maintenance niya ang pagmumura.

"Good morning baby ko~ How are you? Nakatulog ka ba ng maayos? Gusto mo matulog sa bahay ko?"

I moved closer to him again. Kinuha ko ang banana milk at inilagay sa kaniyang mesa. His eyes went towards the drink. Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay at hinarap ako.

"Ano 'to?"

"Uh.. gatas?"

"Sa tingin mo umiinom ako ng gatas?" supladong tugon niya.

Ke aga-aga highblood ang asawa ko. Hays, ganito ata pag buntis— charot! Wala pa ngang may nangyayari sa aming dalawa buntis na agad siya. Grabe naman, wireless ang sperms ko. Imagination ko talaga ang limit.

"Eh anong gusto mong gatas? Ako may gatas ako, gusto mong tikman?"

Isang sapak ang natanggap ko sa kaniya. I pouted while massaging the sore area. Kahit na hindi niya gusto yung gatas kinuha niya pa rin ito at ininom. Kita mo, pakipot pa ang baby ko.

I watch as he drank the milk. Itinukod ko ang ulo ko sa kamay ko habang nakatingin sa kaniya.

He looks more tired than the usual. Mas naging visible sa mukha niya ang eyebags niya. May nakikita rin akong mga pamumula sa kaniyang pisngi. His eyes are drowsy. Ang lalim din ng kaniyang mga paghinga. Pagod siya.

"Don't stare at me." he hissed.

"Bakit naman? Baka ma in love ka?" tanong ko sa kaniya wearing a smug look.

"Maaga pa Soonyoung, huwag mo ang bwesitin."

Kita mo 'to. Kulang lang ito sa lambing kaya nagkakaganito siya ngayon.

"Edi mahalin na lang kita." sabi ko sa kaniya at nagtangkang yayakapin siya. Malapit na sana subalit itinutok niya saakin ang ballpen niya.

Delikado mga pards.

"Shoo!"

Ang cute niya. Kung hindi lang sana dumating ang subject teacher edi mas lalo ko pa siyang nalandi.

Tumagal ng dalawang oras ang discussion ng teacher. As per usual wala sa klase ang focus ko kundi kay Jihoon. He's not even listening to the discussion dahil tulog siya. May libro sa desk niya para matabunan ang pigura niyang natutulog.

Hinayaan ko lang siya. Highkey binabantayan siya, baka biglang makita at tawagin ng teacher.

Nang matapos na ang klase'y nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Inakala kong magigising si Jihoon pero hindi pa rin. Nasa direksyon ko ang ulo niya.

He's peacefully sleeping. Nasasanagan ang kaniyang mukha ng araw kaya tinakpan ko iyon gamit ang notebook ko. He hummed in his sleep.

Kaming dalawa na lamang ang natitira sa classroom. Isang oras pa ang balik ng mga kaklase ko. Instead of waking him up, I chose to stay with him and stare at his sleeping form.

I leaned on my desk. Nangangalay na rin ang kamay ko pero I didn't mind it that much. Ang importante ay makatulog ng maayos si Jihoon.

"Hmmm.."

Akala ko magigising siya pero hindi. He scratched his cheek making it red. Kinuha ko ang kamay niya mula sa kaniyang pisngi, baka mamula ng husto. The faint color of red on his cheek is tempting. I moved my hand and placed it on his cheek, moving my thumb finger.

Napatingin muna ako sa buong lugar. No one's here except for us.

"Cute cute cute!" panggigigil ko sa kaniya.

His looks are really deceiving. Akala mo kung sinong kuting, tigre pala. Cute yet feisty. Small but terrible. He's harsh but lovable.

Aalisin ko na sana ang kamay ko sa kaniyang pisngi but his face moved. It's as if he liked my hand on his face.

Sa mga oras na ito wala akong ibang magagawa kundi mahulog pang husto sa kaniya. Lee Jihoon, you're a mystery that I'm willing to spend my whole life  discovering what and who you are.

Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mukha hanggang sa mapunsa ito sa kaniyang braso na ginagamit niyang pang unan. My eyes narrowed at the gauze and plaster on arm. Hindi naman siguro siya nasugatan doon.

"Soons.."

Napunta pabalik sa kaniyang mukha ang atensyon ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag niya ako?

"... Soonjae."

__________

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon