twenty nine

275 25 2
                                    


Tumuloy kami sa bahay ni Jeonghan hyung. We unloaded the car and he directed us to his house right away. Ako at si Jihoon lang yung pinatuloy niya dahil ang magkasintahan ay bumalik na sa kanilang apartment na malapit lang dito.

"Kitakits na lang sa susunod na rambulan," barumbadong pamamaalam ni Mingyu habang naka-akbay pa kay Wonwoo hyung. Hinahayaan niya lang ito at lumakad na sila paalis.

Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Jeonghan hyung. His house is enough for three to four persons. Kaagad na inilibot ko ang aking mga mata sa mga muwebles na mukhang mamahalin. Iba talaga basta Yoon Jeonghan.

"Hyung hindi ka ba nalulungkot minsan? Mag-isa ka lang dito ah," tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang isang figurine at tinignan ang presyo nito sa ilalim. Alam na alam ko ang pag-uugali niya, malimit niyang hindi tinatanggal ang presyo. Pinagmamalaki niyang nakakabili siya ng mga mamahaling bagay. Amp!

Iba talaga basta anak ng Director sa Hospital.

Ba't di nalang kaya mag-apply si Ji Sunwoo sa kabila? Masyado ng toxic ang buhay niya sa Gosan. Char!

"Sino bang nagsasabing mag-isa lang ako rito?" tanong niya sakin habang kinukuha ang medical kit niya.

Naupo kaming dalawa ni Jihoon sa sofa. Five feet apart ang peg namin eh. Nasa dulo ako at ganoon din siya. Masama niya akong tinignan noong napalingon ako sa kaniya. Tumaas ang kilay ko at muling ibinaling ang atensyon ko kay Jeonghan hyung.

"So may ka live in ka?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa amin ni Jihoon.

"Ewan ko," sagot niya at inilapag ang medicine kit sa mesa.

Bumalik siya sa kusina at nakarinig naman ako ng mga kalampag mula roon. "Magluluto ako ng ramen!" anunsyo niya at napa-yes! naman ako.

The best talaga si hyung. Hehehe!

Kinuha ko na yung med kit at inilapag sa pagitan naming dalawa ni Jihoon. Lumapit ako sa kaniya yung tipong isang tao na lang ang pagitan naming dalawa. Binuksan ko na yung kit at kumuha ng Betadine.

"Kaya ko ng gamutin ang sarili ko," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ah.. gagamutin ko rin sarili ko," sagot ko kaniya at ipinakita ang may sugat kong kamao.

Napatingin siya roon at kaagad na iniwas ang tingin. I grinned. Akala niya gagamutin ko siya. Hahaha! Napahiya ang babi ko, ang cute!

Kinuha niya ang betadine at cotton, he poured a generous amount on it. Kumuha din ako ng cotton at kukuhanin na sana mula sa kaniya ang betadine, nang bigla niyang inabot ang kamay kong may sugat.

Gulat man ay hinayaan ko siyang gamutin ang sugat ko. Maingat niyang dinisinfect ang sugat. Sumibol ang mapaglarong ngiti sa aking mukha. Namumula kasi ang mga tainga niya, magkasalubong pa ang kaniyang mga kilay, at tila ba focus na focus sa paggamot sa sugatan kong kamay.

Nakakakilig.

Nang matapos ay kumuha siya ng mga band-aid at inilagay iyon sa sugat ko.

"Ang galing ng nurse ko ah," puri ko sa kaniya at sinuri ang kamay ko.

Nagtama ang aming paningin at kaagad naman siyang umiwas. "Wala ka na bang ibang sugat?" tanong niya at nagbusy-busyhan.

Natawa ako. "Ba't di mo tignan?" sagot ko sa kaniya. Nakita kong natigilan siya sa paglilinis ng kalat niya. Naku! napanghahalataang kinakabahan siya.
Hindi pa nga natatapos ang gamutan session namin ih.

Lumaki ang ngiti ko nung unti-unti siyang lumingon sa akin. Oh? Asan na ang confident na Jihoon. Ibalik niyo nga, lalamunin ko na itong nasa harapan ko ngayon kapag mananatili itong cute!

Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon