twenty three

512 29 9
                                    


Soonyoung

Pagod akong pumasok kinabukasan. Nanakit pa ang aking mga mata at ang ulo ko na rin dahil lunod na lunod ako sa google sites kagabi. I tried to search for perfect places para sa kauna-unahag date namin ni bubwit.

Hindi biro ang pagpapayag sa kaniya para sa isang date. Mahal ata ang kaniyang oras, imbes na ginto, baka diamante na.

Kaya ayun, naghanap ako ng mga lugar na nagbabasakali akong hindi niya pa napupuntahan. Mukha rin naman siyang nasa bahay palagi. But I doubt that, sa nangyare kagabi- malamang lumalabas pa yun kahit hatinggabi.

Oh well, sa mga na search ko kagabi naglista ako ng sampung places na titignan ko pa mamaya. Na set ko na rin ang date of date namin! naks! Sa sabado tapos whole day dapat.

Gaya nga ng sinabi ko kanina, diamante ang kaniyang oras. Kaya naman susulitin ko na muwehehe!

"Mukha kang zombie. Ang pangit mo na nga mas pumangit ka pa" puna ni Seokmin habang naglalakad kami sa hallway.

"Alam mo mukha kang kabayo" bagot na sagot ko sa kaniya bago humikab. Matutulog talaga ako pagkapasok na pagkapasok ko sa classroon.

Sa tinagal-tagal ng pananatili ko sa eskuwelahang ito, ngayon ko lang napansib kung gaano kalayo mula sa entrance ang building namin. Hays!

Dala ng pagod.

Anuba Jihoon, pinagod mo ako.

Charot lang. Syempre worth it naman itong mga ginagawa ko. Basta para sa'yo, naks!

"Geh, kita na lang tayo latuur babush" pagpapaalam niya at pumasok na sa kaniyang klase. I nodded and continued to make my way.

Okay so mabalik tayo, dadalhin ko siya sa'king palasyo- oo. Palasyo dahil prinsipe ako. Ako si Prinsipe Soonyoung, prinsipe ng mga tigreng huhuli sa inyong mga puso.

Subalit ang prinsipeng si ako, ay nabihag na ng isang bubwit. Kaya sorry kayo. Mahal ako nung bubwit, seloso pa naman yun. Hehehe.

Pumasok na ako sa classroom at naabutan ang mga walangya kong mga kaklase na nag-iingay. Typical normal day for us sa classroom.

Pasimuno siyempre ni Jooheon. Kailan pa kaya titigil ang bunganga nun?

"Oi Soonyoung!" rinig kong pagtawag niya sakin.

Nilingon ko siya, kulang na naman siya sa pansin ko. Iba talaga pag guwapo. Hays.

"Ano?"

"Wala! Mukha kang unggoy!" tatawa-tawa nitong sambit. I sighed and shook my head. Wala na talagang kakwenta-kwenta ang mga sinasabi niya.

Umupo na ako sa puwesto ko, siyempre present na si Jihoon. I turned to him, who's reading his book like a goody student.

Ganiyan nga mag-aral ka ng mabuti para maganda ang future ko sa'yo. Muwehehehe!

"Good morning babi" sabi ko sa kaniya at mas ginulo ang kaniyang magulong buhok.

Suklay ata ang unang ireregalo ko sa kaniya sa unang anniversary namin. Naks!
Suklay na may mukha ko, para naman habang nagsusuklay siya ng kaniyang bulbol- este buhok ay maiisip niya ako.

"Aga-aga naninira ng araw" komento niya at inalis ang kamay ko sa kaniyang ulo.

"Aga-aga kinokompleto mo na ang araw ko" sagot ko naman sa kaniya.

Hindi naman ako malandi. Slight lang.

Pumasok na si insan at nagsimula na ang class proper. Gaya nga ng sinabi ko kanina, matutulog ako pagkarating na pagkarating ko. Siyempre nag greet lang ako ng good morning kay babi.

Hindi ko alam kung okay ba siya na babi tawag ko sa kaniya. Actually may isa pa, tawagin ko siyang Momo tapos tawagin niya akong Heechul.

Char. Isang couple pala yun muwehehe!

Pero mabalik tayo sa babi. Tinawag ko siyang ganun, hindi naman siya umangal kaya mukhang okay lang hihi!

"Nga pala, ang date natin" sabi ko at binaling ang ulo ko sa direksyon niya. Nasa bintana kasi ang direksyon ng tulog ko kaya nilingon ko siya.

"Oh"

"Saturday, whole day dapat free ka" sabi ko sa kaniya.

Mula sa gitna ay napunta sa akin ang mga mata niya. "Whole day?"

"OO. Whole day, gaya ng pagmamahal mo sakin, wholesome" sagot ko sa kaniya at kinindatan pa siya.

His scowling face made me chuckle and divert my head towards the window. Matutulog na talaga ako.

Mahimbing tulog ko neto, katabi ko kasi ang taong gusto ko.

Excited na ako sa date. Muwehehehe!

I'm gonna make sure that it'll be the date of the century.


---


Happy Ending | SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon