Chapter 7: King Daltus and the Chosen One

79 16 0
                                    

Chapter 7
Third Person's POV

Sa mundo ng Regundon Kingdom—ito lang ang siyang may bukod tanging tunay na total freedom na makakamtan ng bawat tao dito sa mundo mortal world. Ang Kingdom na pinamumunuan ni King Daltus.

Hiwalay ang kaharian na ito mula sa kinatitirikan ng territoryo ni King Gasillius. Matatagpuan ang kaharian ni King Daltus ilang kilometer mula sa mga kaharian ng Stalerian society.

Developed, progressive, at may unity kung ilarawan ng mga mamamayan ang mundo ng Regundon. Ang batas ng Regundon Kingdom ay ibang-iba kumpara sa Stalerian society, makatarungan at makatao ang mga batas ng Regundon.

Malalawak na lupain, dagat, matataas na gusali, at sagana sa mga natural resources meron ang kaharian.

Pagkalipas ng digmaan labing-pitong taon ang nakakaraan, si King Daltus parin ang nakaupo sa trono ng Regundon Kingdon. Malaki ang tiwala ng kaniyang mga nasasakupan sa kaniyang kakahayang mamuno bilang hari. Mapapalitan lamang ng mamumuno sa kaharian ng Regundon kapag ipinasa ni King Daltus ang trono sa kaniyang napiling tagapagmana.

Ang batang iniwan sa barkong pandigma ng mag-asawa sa nakalipas na digmaan, ay kinupkop ng hari at pinalaki niyang malakas at mabait na bata, kahit na naiiba ang bata sa lahat. Hanggang sa paglaki ng bata ay tuluyan na itong nabulag.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang musmos na batang iniwanan na ito ay isang hari ang magkukupkop hanggang sa kaniyang pagbinata?

Siya na rin ang nagdesisyon sa magiging pangalan ng bata, tinawag niya sa pangalang Chance Meyer.

Kaya niya ito pinangalanan ng Chance, dahil naniniwala si King Daltus na ito ay pangalawang pagkakataon ng bata na mabuhay sa mundo. Para sa kaniya ang mga walang muwang na sanggol at hindi dapat tratuhin ng ganun. Pinanindigan din niya na marapat lang na mabigyan ng chance o pagkakataon na muling magkaroon ng mag-aalaga sa bata.

Alam ni Chance na hindi si King Daltus ang kaniyang tunay na magulang, dahil alam niya na hindi pa nagkakaroon nang asawa ang kaniyang itinuturing na pangalawang ama.

Tanggap ni Chance ang kaniyang kapalaran, na hindi na sila magkikita nang kaniyang mga tunay na magulang. Pero malaki ang kaniyang pasasalamat sa pag-aalaga sa kaniya ni King Daltus.

Ngunit ang tanging hindi niya matanggap na katotohanan ay ang kaniyang pagiging bulag. Na nagiging hadlang para sa kaniya, upang hindi niya makita ang kagandahan ng mundo.

Habang lumalaki si Chance ay may mga kakaibang napapansin ang mahal na hari sa kaniya. Nagiging maliksi at aktibo siya sa lahat ng kaniyang ginagawa. Kagaya noong sinasanay siyang humawak ng espada, natatamaan niya ng diretso ang target ng kanilang pagsasanay. May taglay ding kakayahan ang bata na maglakad kahit walang nagbibigay ng direksyon o umaakay sa kaniya. Malakas din ang kaniyang pandinig kahit malayo ang pinanggagalingan ng ingay ay dinig na dinig niya ito.

Dalawang araw palang ang dumadaan nang malaman ni King Daltus ang totoong dahilan kung bakit ganun ang ipinapakitang mga kilos ng bata. Nagpakita sa mahal na hari ang mahal na diwata upang ipagbigay-alam sa kaniya ang natatanging misyon ng bulag na bata. Ang maging taga-pagtanggol ng mga taong nasa ilalim ng lipunan.

Muntikan na ring hindi maniwala si King Daltus sa mga sinabi ng diwata. Dahil sa pagkakaalam niya isang normal na bata lamang si Chance, na simpleng mamumuhay sa mortal world. Laking tuwa naman niya na ang kaniyang kinupkop na bata ay ang destined upang pumuksa sa kasamaan ng mga mamumunong halang ang bituka.

Inaantay ng mahal na hari na ang mahal na diwata mismo ang magsabi kay Chance tungkol sa kaniyang misyon sa mundong mortal.

Sa hapag-kainan ng mag-amang hari, ay pinagsisilbihan ng mga katulong sina King Daltus at Chance sa kanilang pagkain. Sa bawat gabing dumadaan ay napaka-mayumi ng hangin at mapayapa ang presensya ng kaharian.

"Kaya mo bang kumaing mag-isa anak?" Habang lumalaki si Chance ay nakasanayan na niya na tawagan siyang anak ng hari.

"Opo mahal na hari." Kahit hindi nakikita ni Chance ang mga bagay sa kaniyang paligid ay nararamdaman niya kung ano ang mga ito. Naguhuhit sa kaniyang malakas na isipan ang itsura ng mga nakapaligid sa kaniya.

Matitingkad na kulay at mga elegante na desinyo ang nakalagay sa bawat sulok ng hapag-kainan ng mahal na hari.

"Ihanda mo bukas ang iyong sarili dahil ako mismo ang magti-training sayo." Inihahanda ng hari si Chance na maging malakas pagdating sa pag-depensa sa kaniyang sarili. Naniniwala siya sa bata na mapo-protektahan niya ang kaniyang sarili kahit iba ang kaniyang kalagayan.

Pagkatapos kumain ng dalawa, dumiretso sila sa kanilang mga silid. Magkahiwalay ang silid ng mag-amang hari. Tanda na kaya na ng bata ang tumayo sa kaniyang mga sariling paa. Noong sanggol palamang ang bata ay sobra ang pag-aalaga ng hari kay Chance. Hindi niya hinahayaan na kung sino lamang ang lalapit sa sanggol, dahil ayaw niya na malapitan o mahawaan ng sakit ang bata.

Sa loob ng silid ni Chance, nakakaramdam siya ng init na dala ng air suffocation. Kaya pinakiramdaman niya kung saan nanggagaling ang negative energy na ito. Tumayo siya at sa tulong ng kaniyang malakas na pangdama ay pinatay niya ang ilaw sa loob ng kaniyang silid. Dahil dito nagmumula ang init na nararamdaman ni Chance.

Makalipas ang ilang minuto ay mahimbing ng natutulog si Chance. Nakaramdam ng kakaibang enerhiya ang kaharian ng Regundon, at bumagal ang oras at naging mabagal ang pag-kilos ng mga tao.

Sa loob ng silid ni Chance ay kumikinang ang gintong ilaw na galing sa mahal na diwata. Nakaramdam ng init si Chance kaya agad siyang nagising.

"Sino ka? Kahit hindi kita nakikita ay alam kung may tao dito sa aking silid." Napabangon si Chance at kinakausap ang taong nasa harapan niya.

"Isa akong diwata, at ako ang responsable sa paghawak ng iyong kapalaran," pagpapakilala ng nilalang na nasa harapan niya.

"Anong kapalaran ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan," tanong ni Chance sa tunong nalilito.

"Ayon sa aking libro at sa aking desisyon ay ikaw ang aking napiling taga-pagligtas at tagapag-tanggol ng isang naaaping mundo, ang Phoerix,"

"Alam ko ang lugar na 'yun dahil doon ako nagmula. Pero paanong nangyari na ako ang napiling taga-pagligtas sapagkat ako'y bulag. Wala akong nakikita sa aking kapaligiran kundi ang makiramdam lamang,"

"Iba ka sa lahat ng may kapansanan, dahil malakas ka at makapangyarihan. Pagtungtong mo ng wastong gulang, sa iyong kaarawan ay magaganap na ang propesiyang nakasaad sa libro ng kapalaran." litanya ng diwata.

"Subalit mahal na diwata...," hindi na naipag-patuloy ni Chance ang kaniyang sasabihin dahil, naramdam niyang wala na ang presence of energy ng diwata.

Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi sa kaniya, ang tanging alam lamang niya ay ang Phoerix ang kaniyang pinagmulan at mamumuhay siya bilang normal na bata. Pero kung ano man ang ibig-sabihin nang diwata ay dapat niyang pag-handaan ang nalalapit na sinasabing magaganap na propesiya.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon