Chapter 2: New World of Phoerix

134 16 1
                                    

Chapter 2
Third Person's POV

Kasalukuyang taon — 2350 AD,

Marami na ang nagbago sa Phoerix Kingdom kung ano ang ikina-dilim nang panunungkulan noon mas lalong hinigitan naman ngayon nang Supremong si King Gasillius.

Supremo ang tawag kay King Gasillius dahil siya ang bukod tanging Supreme na hari nang Stalerian society.

Ang dalawang kapatid ng Supremo na sina King Tyran at King Nitron ay siya rin ang namumuno sa dalawa pang Kingdoms ng Stalerian society. Si King Tyran ang humahawak sa Oceanus Kingdom, at sa Rhiptus Kingdom naman si King Nitron.

Kung ano ang paraan ng pamumuno ni King Gasillius ay ganun din ang pamamalakad ng isang pa niyang kapatid lalo na si King Nitron. 

Mas lalong naging malupit at mapusok ang katangian ng Supremo dahil sa hindi parin niya matanggap ang pagkatalo niya kay King Daltus. Kahit ilang taon na ang nagdaan ay sariwa parin ito sa kaniyang alaala.

Pagkatapos nang insidenteng iyon ay hindi na uli naulit pa ang digmaan ng dalawang kaharian. Ang dulot ng digmaan na iyon ay ang pagiging aggressive ng Supremo.

Progressive pa lalo ang Phoerix Kingdom sa tulong ng mga taong inalila, inapi, sinaktan, at pinag-trabaho ng walang kapalit ng Supremo. Dahil ang kung sinumang hindi susunod sa utos at magta-trabaho para sa bansa ay agad isisilid sa sako at ipapatapon sa kalagitnaan ng dagat.

May mga upgraded technology na rin ang Phoerix na siyang mas lalong nagpapatibay sa pagkaka-kilanlan sa kanila ng buong mundo. Dati nasa fourth rank lamang ito na pinaka-mayaman sa buong mundo, ngayon ay first rank na ito. Dahil isa ito sa mga bansa na overpopulated. Kahit maliit pa lang ang bata ay pinapagta-trabaho na ito basta't sakto na ang kaniyang pag-iisip sa mga bagay-bagay at kaya na niyang kumilos mag-isa.

Ang bawat mga magulang nang mga batang pinapag-trabaho ng Supremo ay walang magawa kundi ang hayaan nalang na apak-apakan ang kanilang mga karapatang pantao, dahil sa mundo ng Staleria walang karapatan ang mga ordinaryong mamamayan kundi ang mga noble bloods lamang.

Hinigpitan pa ng Supremo ang seguridad ng kaniyang kaharian, ang kung sinumang mahuhuling magtatangkang tatakas sa kaniyang kaharian ay ipapa-patay in front of the public.

Sa mapa ng Phoerix, nakapa-loob dito ang laki at kabuuan ng kaharian. Ang mga pagawaan at mineral resources  ay dito rin makikita, malawak at sagana sa natural resources ang Phoerix Kingdom. Subalit, dahil sa ibang antas nang mindset meron ang Supremo ay unti-unti na itong nasisira.

Naging mas elegante pa ang kapitolyo ng kaharian, dahil sa nakaraang mga taon ay palagi itong inaayos ng mga ordinaryong mamamayan ng Pheorix.

Ang mga taong naka-upo sa office of the capitol ay dito isinasagawa ang pagtitipon o kung ano man ang kailangang agenda para sa pamamalakad ng economic status ng kanilang Kingdom.

Binubuo ang capitol ng speaker, general of soldiers , manager of factory, at secretary. Ito ang kaharian kung saan konti lang ang mga autoridad, pero mabilis umaasenso ang estado ng ekonomiya. Because of the inhumane treatment to the citizens. Kabaliktaran sa mga lugar sa mortal world kung saan lahat ng workers ay may equal treatment.

Ang bilang ng mga sundalo ay mas dumoble pa kumpara noon, mas lalong humigpit at lumakas ang pwersa ng mga sundalo dahil sa ayaw nang Supremo na sakupin at talunin ang kaniyang pinamumunuang kaharian.

"Bisitahin ang bawat bahay, at tignan kung kompleto pa ang aking mga nasasakupan." Utos ng Supremo sa kaniyang mga soldiers. Ang ganitong gawain sa Phoerix ay hindi na bago para sa mga mamamayan, kapag nalaman nang Supremo na may nagtangkang tumakas sa miyembro ng isangpamilya ay lahat sila ipapa-patay.

"Masusunod mahal na hari." Nagsenyales ang heneral ng mga sundalo sa kaniyang mga alagad na sundalo upang isuot ang kanilang mga kagamitan. Bilang proteksyon nila sa kanilang mga sarili.

"Huwag sanang matulad kahapon na isang pamilya ang sabay-sabay na itinapon sa dagat bilang parusa ng pagtataksil sakin." Kahapon ay pilit na pinapatakas ng mag-asawa ang kanilang kaisa-isang babaeng anak. At nang nahuli sila ng mga sundalo ay pinatawan agad sila ng kanilang deathly punishment.

Isa-isa ng pinasok ng mga sundalo ang bahay ng mga ordinaryong tao sa kaharian ng Phoerix at binilang kung kompleto pa ang miyembro ng bawat pamilya.

Huling tinignan ang bahay ng mag-asawang nag-iwan ng sanggol sa barko ng kaharian ng Regundon noong huling digmaan. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na muling nagkaroon ng supling ang mag-asawang sina Peter at Melinda.

"Dahil kayo ang huli na pinuntahan namin, marapat lang na bigyan ninyo kami ng pagkain." Pananakot ng isang soldier sa mag-asawa.

"Maawa ho kayo samin..., kami nga minsan wala kaming kinakain sa isang araw." Nagmamakaawa si Melinda sa mga sundalo, kahit ngayong araw ay hindi pa sila kumakain o nakakainom man lang nang tubig.

"Wala kaming pakialam, basta ibigay niyo samin kung ano ang pwedeng makain dito." Paninigas ng isang soldier, napopoot si Peter sa ganitong klase ng mga tao, kung pwede lang sana niyang patayin ang mga ito ay ginawa na niya.

"Wala po talaga kaming maibibigay." Lumuhod sa harapan ng mga sundalo si Peter, at nagpakumbaba nalang. Ayaw niya magkaroon ng gulo sa loob ng kanilang bahay, dahil alam niyang sila rin na mag-asawa ang kawawa dahil wala silang laban sa mga sundalo.

"Ah wala pala ah." Pinagtutulungan ng tatlong sundalo na bugbugin si Peter. Hindi pumalag si Peter sa mga nanakit sa kaniya. Nagtago nalang sa sulok si Melinda dahil sa takot sa ginagawa ng mga sundalo sa kaniyang asawa. Pagkatapos bugbugin ng mga sundalo ay dinuraan at inihan pa nila si Peter.

Tuluyan ng umalis ang mga sundalo at iniwang niyurakan ang pagkatao ng mag-asawa.

Lumapit kaagad si Melinda sa kaniyang asawa, pati ang kanilang mga kapitbahay  ay naawa sa sinapit ni Peter.

"Tahan na Melinda, hindi makakatulong ang iyong pag-iyak." Tinapik-tapik ni Peter ang mukha ni Melinda para tumahan sa pag-iyak.

"Mas mabuti nang tayo lang ang nakakaranas ng ganitong paghihirap, kung nandito ang ating anak hindi ko lubos makakayanan na pagdaanan din niya ang ganitong paghihirap."

"Ipinagdarasal ko na sana kung saan man siya ngayon ay ayos lang ang kalagayan."

"Huwag kang mag-alala Melinda kung saan man siya naroroon ngayon ay palagay ang aking loob na ayos ang kaniyang kalagayan at pamumuhay ngayon."

Ang nararanasang kalupitan ng mag-asawa sa Phoerix Kingdom ay hindi nila hinahangad na maranasan ng kanilang anak kung sakali mang nasa tabi nila ito ngayon.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon