Chapter 6: Giant Tiger Shark

80 14 0
                                    

Chapter 6
Third Person's POV

Matatagpuan ang Oceanus Kingdom sa kalagitnaan ng karagatan, ilang milyang layo mula sa Rhiptus Kingdom. Ang pangalawa sa pinaka-malawak na kaharian sa kabuuan ng Staleria.

Pinamumunuan ni King Tyran, ang pangalawa sa tatlong magkakapatid na hari. Ipinanganak ng Queen Mother ang hari na may kakambal na giant tiger shark, na siyang dahilan kung bakit sa karagatan lumaki at tumira ang hari. Doble sa laki kumpara kay King Tyran ang pating niyang kakambal. Kung ano ang nararamdaman ng pating ay pakiramdam din ng mahal na hari. They both have the same emotions and feelings.

Siya ang humahawak sa elemento ng tubig, kaya siya rin ang nangangalaga ng kaayusan at kagandahan sa lahat ng mga katubigan na sakop ng kabuuan na kaharian ng Staleria.

Pareho sa ugali ng pating ang katauhan ni King Tyran. Kapag walang kalaban na umaatake, tahimik lang itong nagmamasid sa kaniyang kapaligiran. Pero sa oras nang digmaan ay napaka-wild at aggresive ang hari sa kaniyang mga kalaban.

Sa tulong ng upraged technology na dominant transparent wareglass nagagawa nitong maglakad ang mga tao sa gitna ng dagat, na para bang lupa lang ang kanilang tinatapakan. Pangingisda at pagaalaga sa karagatan ang pangunahing tungkulin ng mga mamamayan sa Oceanus Kingdom. Makabagong pamamaraan ang uri ng pamumuhay meron sa Oceanus, pero lahat nang ito ay pinaghirapan ng mga kingdom laborers ng 0Oceanus Kingdom.

Katulad sa kaniyang nakatatandang kapatid na Supremo ay malupit din ito pagdating sa kaniyang mga nasasakupan. Labis ang pagaalala ng bawat mamamayan sa antas ng beggar sa bawat araw na dumadaan, dahil baka sa susunod na pagkakataon sila na ang ipakain sa kambal na pating nang hari.

Naniniwala si King Tyran na ang mga taong nasa mabababang uri ng lipunan ay walang karapatan na mabuhay, at ang tanging misyon lamang nila sa mundo ay maging pagkain ng mga malalakas na nilalang. Sa isang linggo, dalawang beses nag-aalay ang hari sa kaniyang kambal na pating. Hindi niya hinahayaang kumain nang kapwa isda ang kaniyang kambal dahil ito ang magiging sanhi ng kaniyang early death. Hiwalay ang pating sa lahat ng nilalang na naninirahan sa karagatan, nakatira ito sa hard brittle aquarium.

Kapag sanggol ang kaniyang iniaalay ay ginagawa niya itong dalawa, kulang ang lakas na makukuha ng pating sa isang sanggol lamang. Kapag sapat na ang lakas ng isang tao na kaniyang iaaalay ay kahit isa pwede na, basta magkaroon lamang ng source of energy ang katawan nang kaniyang kambal.

Lahat ng mga nakukuhang biyaya ng mga mamamayan ng Oceanus ay hindi ubusang kinukuha nang mga autoridad. Sapat na ang tatlong malalaking piraso ng isda na ibibigay nila sa mga autoridad. Ang natirang nahuli ng mga ordinaryong mamamayan ay para sa kanilang pamilya. Pero ang pagkain na iniuuwi ng bawat manggagawa ay hindi sapat para sa isang buong araw na kainan.

Ang kabuuan ng Oceanus ay protektado ng makabagong teknolohiya na likha ng mga workers, kagaya ng protectorate glass shield na nakapa-libot sa bawat sulok ng kaharian ng Oceanus. Na naglalayong maprotektahan ang kanilang territory mula sa mga kalaban nilang Kingdom Nation. Malimit lang ang mga taong mga taga-labas na nakaka-pasok sa Oceanus Kingdom, kung sino man ang pupuslit sa kaharian ay pinapatay at iniaalay sa pating. Kaya simula noong huling digmaan na naganap sa Phoerix Kingdom ay wala nang ibang mga terrorista na nagbabalak patumbahin ang kanilang kaharian ang nakapasok pa.

Ang air force at navy force ng Oceanus Kingdom na pinamumuan ng heneral ng mga sundalo ay patuloy ang pagpapalakas sa kaniyang hukbo. Bilang paghahanda sa anumang gulo o digmaan na magaganap sa Oceanus Kingdom.

Ang batas ng Oceanus Kingdom ay kagaya sa kaharian ng Supremo ang mga workers sa loob ng sampung taon kapag natapos na ang tungkulin ay agad na binabawian nang buhay. Ang pag-alay sa kakambal ng mahal na hari ang siyang kaparusahan na ipinapataw.

Pati ang mga walang muwang na sanggol ay walang takas sa batas ng hari, kung hindi ipapakain sa pating ay iaaalay naman sa bawat kaaarawan ng hari. Tanda ng pagdagdag sa buhay ng hari, dahil mismo ang dugo ng sanggol ang iniaalay sa kabuuan ng karagatan na siyang sisimbolo sa pagiging banal ng hari.

Ang mga mahihina ang pangangatawan at may mga iniindang sakit sa katawan ay agad itinatapon sa karagatan ng mga autoridad, upang gawing pagkain ng pating.

"Mahal na hari, paumanhin po sa pag-gambala ngunit ang inyong kakambal na pating ay walang tigil sa pagwawala sa dagat." Kumakain ang hari kasama ang kaniyang mga kaalyansa na nagta-trabaho sa opisina ng kapitolyo ng Oceanus Kingdom.

"Ilang araw na ba ang dumaan noong huli siyang kumain?"

"Tatlong araw na po mahal na hari." Sa ganitong kalagayan ng kakambal ng hari ay mahirap na itong patigilin sa pagwawala. Dahil ang tatlong araw na nagdaan ay sobrang kagutoman para sa pating.

"Samahan ninyo ako at ng mga kawal, ako mismo ang pipili kung sino ang aking ipapakain sa aking kambal." Agad naman nilang tinapos ang kanilang pagkain dahil nagaalala si King Tyran sa kaniyang kambal.

Binisita ng mahal na hari at ng mga autoridad ang bawat bahay ng kanilang nasasakupan. Natakot ang mga ordinaryong mamamayan ng Oceanus Kingdom sa biglaang pagdalaw sa kanila ng hari. Sa ganitong sitwasyon alam na nila ang kailangan sa kanila ng hari. Pwersang kukunin ng mga autoridad ang sinumang magustuhan ng hari at ipapakain sa pating. Agad silang nagtago sa kanilang mga maliliit na bahay.

Tumatakbo papunta sa likod ng bahay ang dalawang batang lalaki upang magtago dahil sa takot nila sa kanilang hari. Pero ang dalawang bata ay nagustuhan nang hari bilang pagkain ng kaniyang kakambal, dahil sa liksi at bilis ng dalawa sa kanilang pagkilos.

"Hulihin niyo ang dalawang bata na iyon," utos niya sa mga autoridad.

 Pinuntahan ng tatlong kawal ng hari ang kinaroroonan ng bata. Pero sa lakas ng dalawang bata ay natakasan nila ang mga kawal.

"Mga lapastangang bata!" namuo ang galit ng hari sa dalawang bata at gumawa siya ng dalawang malalaking alon at itinama sa direksyon ng dalawa.

Dahil sa lakas ng alon at kapangyarihan ng hari, mabilis na binawian ng buhay ang dalawang bata.

Dinala ng mga kawal ang katawan ng dalawang bata sa gitna ng dagat, at lumikha ng malaking sound waves sa karagatan ang mahal na hari para tawagin ang kaniyang kambal na giant tiger shark.

Pagdating ng pating kinain niya agad ang katawan nang dalawang kawawang bata. Nginuya niya ito na para bang mga isda lang ang dalawang tao na ibinigay sa kaniya ng kambal niyang si King Tyran.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon