Chapter 8
Third Person's POVMakalipas ang isang linggo sa Phoerix Kingdom kumunti na ang bilang ng populasyon sa nasabing kaharian. Mahigit dalawampung porsyento ang nabawas sa kaharian ng Phoerix, karamihan dito ay mga nasa antas ng beggar. Ang mga taong nasa ilalim ng lipunan.
Ang mga dahilan ng kanilang pagkamatay ay forced death ng mga awtoridad sa mga inosenteng mamamayan, sobrang kalupitan, sobrang kagutuman at ang pagtrato sa kanila bilang mga basura ng lipunan.
Karamihan sa mga nasawi ay mga matatanda at mga bagong silang na mga sanggol. Dahil hindi na kaya nang kanilang mga katawan at ang hindi matiis na makapal na usok na nakamamatay ang siyang mga naging dahilan ng pagkasawi ng mga matatanda at mga sanggol. Ang pagkamatay ng iilan sa mga mamamayan ay parang langgam lang kay King Gasillius na naanod ng rumaragasang tubig.
"Ano ang plano ninyo mahal na hari sa pagkonti na bilang ng ating mga factory workers?"
Sa opisina ng mahal na hari, nag-uusap ang dalawang awtoridad, si King Gasillius at ang heneral ng mga sundalo.
"Hindi ako makapaniwala na aabot sa ganito ang kahihinatnan ng aking kaharian. Sa tinatagal-tagal ng aking pamumuno ay ngayon lang nangyari ang ganitong klase ng problema sa akin."
"Tunay ngang hindi sila nararapat na mabuhay dito sa mundo," saad ng heneral ng mga sundalo.
"Tama ka Leon sila nga ay mga basura lamang at nararapat na mawala dito sa mundong ibabaw."
"Ngunit hindi ko ito ikinakatuwa dahil paano pa lubos na uunlad ang aking kaharian, kung sa ganitong paraan ay nabawasan ang bilang nang aking mga manggagawa," dagdag pa ng mahal na hari sa heneral ng mga sundalo.
"May naisip akong ideya mahal na hari, bakit hindi natin paramihin muli ang ating kaharian, ang mga bagong usbong na dalaga sa ating kaharian ay gawin nating paanakan ng mga sundalo," kuminang ang mga mata ng mahal na hari ng marinig niya ang suhestiyon ng heneral.
Hindi isinasaalang-alang ng hari ang pag-respeto sa dangal ng kababaihan sa kaniyang kaharian.
"Maganda nga ang naisip mo Leon. Mamaya ipahanda ang mga kawal at sundalo, dahil isasakatuparan natin ang napakaganda mong ideya."
Ang bawat desisyon ng hari ay walang pinipili kung sino ang maapektuhan, masasaktan at masisira ang buhay, dahil ang tanging hangad niya ay lalong umunlad ang kaniyang kaharian.
---
Sa kabilang dako, masakit para bawat pamilya na nawalan ng kaanak dahil sa pagmamalupit ng mahal na hari. Subukan man nilang magalit o gumanti ay alam nilang walang makakapansin sa kanilang mga hinaing, dahil alam nila na ang mga katulad sa kanilang ordinaryong tao ay walang boses sa lipunan.
Nananatili ang bilang ng mga manggagawa sa antas ng worker, habang sa peasant ay nabawasan nang kunti.
Nag-inspeksyon ang mga sundalo sa bawat bahay ng kanilang nasasakupan. Tinignan ang bilang kung iksakto o kulang.
Sa tuwing dumadaan sila at may humaharang mga bata na naglalaro o matatanda na mabagal na naglalakad upang tumabi ay agad nila itong tinututukan ng sharp edged sword, at pinugutan ng ulo.
Naglibot muli ang mga soldiers kasama si King Gasillius at ang general ng mga soldier, upang mangolekta ng mga babaeng magiging parte sa kanilang mga dark plans.
Muling nakadama ng takot ang mga tao dahil sa pangalawang pag-iikot ng mga soldiers kasama ang hari. Sakay ng latest mega car ang hari, makapal at matibay na sasakyang pang-patrol ang minamaneho ng driver. Kagaya ng kagamitang ito ang mga worker ang lumikha nito.
"Mahal na hari maawa po kayo, huwag niyo pong kunin ang anak namin," pagmamakaawa ng ina ng dalaga sa sundalo.
Sapilitang kinukuha ng mga sundalo ang isang nagdadalagang babae. Sinubukang pigilan ng kaniyang ama ang pagkuha sa kaniyang anak, ngunit tinutukan lamang ito ng baril sa ulo at agad na namatay. Iyak na dahil sa takot at lungkot dahil sa pagkasawi ng kanilang padre de familia.
"Ako ang hari dito kaya ako ang masusunod," humalakhak ng napakalakas ang hari.
Inilagay ng mga soldiers ang dalaga sa sasakyang pangdakip ng mga sundalo.
"Makinis ang isang ito King Gasillius sigurado akong magiging masarap ang gagawin dito."
Nagpupumilit ang ina ng dalaga na hindi dakpin ng mga autoridad ang kaniyang anak. Dahil tanging silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay, ngunit wala rin itong nagawa dahil sa kagustuhan ng hari.
Pinuntahan pa ng mga awtoridad ang bawat bahay ng kanilang covered constituents. Sapilitang kinuha ang mga nagdadalagang bata, at pati ang ina ng mga batang dinakip ay inilagay rin sa army patrol car. Walang pinipiling edad at itsura ang mga sundalo, basta alam nila na pwede pa sa plano nila ang babae ay dadakpin nila.
Sobrang galak at saya ng hari dahil sa nakikita niyang paghihirap nang mga tao.
"Ang isang iyon puwede niyo pang gamitin," itinuro ng hari ang bahay ng isang babaeng nagmamasid sa kanila.
Si Melinda, agad naman silang nagtago nang kaniyang asawa.
Hinalughog ng mga autoridad ang maliit na bahay ng mag-asawa. Dahil sa maliit na espasyo ng kanilang bahay ay agad nahuli ng mga soldiers si Melinda.
"Maawa po kayo sa akin huwag niyo po akong hulihin," pagpupumiglas ni Melinda.
Sinusubukang hablutin ni Peter ang kaniyang asawa. Ngunit dahil sa pwersa ng mga sundalo, hindi nagawang sagipin ni Peter si Melinda.
"Bakit ninyo dinadakip ang aking asawa? Ano ang pakay niyo sa kaniya!?" Dahil sa galit ni Peter hindi niya nakontrol ang boses niya at nasigawan ang mga sundalo at hari.
"Lapastangan kang nilalang ka ang dapat sayo ay mamatay na!" bulyaw ni King Gasillius kay Peter.
Binugbog ang lalaki hanggang sa tumamo ito ng mga putok na putok na pasa sa kaniyang katawan. Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ni Melinda.
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang sinasagot ako!" singhal ng Supremo.
Tinutukan ng espada ang liig ng lalaki at agad itong idiniin. At nang hablutin ni King Gasillius ang espada awtomatikong namang binawian nang buhay si Peter.
Halos mawasak ang puso ni Melinda sa nasaksihan niyang pagkitil sa buhay ng kaniyang asawa. Tanging silang dalawa nalamang ang magkasama sa buhay at ngayon ay nawalan pa siya ng asawa.
Dinala rin ng mga awtoridad si Melinda sa sasakyan ng mga dinakip na mga kababaihan. Abot langit ang ngisi ni King Gasillius sa kaniyang isasagawang plano.
Pag-iyak at hagulgol na lamang ang nagawa nang mga dinakip, dahil alam nila na pagdating sa mahal na hari ay wala silang takas dito.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasía[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...