Chapter 14
Third Person's POVSa loob ng Regundon Kingdom pinagmamasdan ni King Daltus ang nakakahabag na itsura ng lalaki.
Habang tinitignan ng Supremo ang lalaking nag-gate crash sa kaniyang kaharian ay nakaramdam siya ng pagkahabag. Naaawa siya dahil sa dinanas ng lalaki sa kamay ng malupit na Supremo ng Stalerian society.
Inutusan niya ang kaniyang mga kawal na linisan ang lalaki, paliguan, palitan ng damit, at pakainin. Natutuwa ang kaniyang mga kawal dahil sa mabuting approach na ipinapakita nang kanilang hari.
Sa ilang araw ng pamamalagi ng lalaki sa kaharian ni King Daltus, hindi pa niya ito lubos na nakakausap. Alam niya na hanggang ngayon dala-dala parin nang lalaki ang takot at trauma sa kaniyang pinagmulan.
Nagpapahangin sa labas ng pangalawang papag ng kaharian ang Supremo ng Regundon. Gusto niyang ma-relieve at lumanghap ng sariwang hangin.
Masakit mang isipin para sa kaniya na ang dating kinalaban niya na kaharian ay gumagawa na naman ngayon ng kasamaan. Hindi niya lubos maisip kung ano ang mangyayari kung sakaling magkaroon uli ng digmaan laban sa Phoerix Kingdom.
Nakakaramdam siya nang lubusang pagkaawa sa tuwing nakakakita siya nang nasasaktan at naaaping tao.
Nakarinig siya ng mga yapak ng paa. Nakita niyang naglalakad papunta sa kaniya ang kaniyang intinuring na anak, si Chance Meyer.
"Oh Chance ano ang ginagawa mo dito?" Pinakikiramdam ni Chance ang enerhiya na niri-release ng kaniyang ama at tinunton niya ito.
"Kanina pa po kita hinahanap ama, nais po kitang makausap." Tugon ni Chance sa kaniyang amang hari.
Inalalayan ni King Daltus si Chance papunta sa kaniyang kinatatayuan, dahil gusto rin niyang makalanghap nang sariwang hangin ang kaniyang anak, maingat niyang inakay si Chance.
"Aking amang hari ano naman ang bumabagabag sa isipan mo ngayon?" Nakatingin sa malayo ang mga mata ng binata, pinagmamasdan ng hari ang kaniyang anak.
"Napaisip lamang ako tungkol sa sinapit ng lalaking iyon." Ang tinutukoy ng hari ay ang lalaking nag-gate crash sa kanilang kaharian.
"Magiging mabuti na rin 'yon mahal na hari dahil nandito na siya sa ating kaharian."
Malamig ang ibinubugang hangin sa kinatatayuan ng mag-ama. Tanging mga hugong ng hangin lamang ang naririnig nang dalawa.
"Kung nasaktan ang isang mamamayan sa isang napaka-lupit na kaharian, paano pa kaya ang kaniyang mga kasamahan?" Patanong na sabi ng hari sa tunong naaawa.
"Malalaman din natin 'yon aking amang hari kung ikaw mismo ang magtatanong sa lalaking 'yon. Sigurado ako na makakapagbigay siya ng impormasyon sa atin." Suhestiyon ng binata sa hari.
Pagkalipas ng mga araw ng panunuluyan ng nag-gate crash hindi pa lubos na nakakuha nang mga detalye ang hari tungkol sa lalaki. Kahit maski pangalan nito ay hindi rin niya alam.
"Tama nga ang iyong suhestiyon anak, siguro oras na para kausapin ko siya. At magtanong tungkol sa mga kaganapan sa Staleria."
Naglakad ang mag-amang hari pabalik sa kinaroroonan ng lalaking nag-gate crash.
"Nasaan na ang lalaking nag-gate crash gusto ko siyang makausap." Tugon ni King Daltus sa isang kawal.
"Kasalukuyan po siyang nasa kusina mahal na hari kumakain." Sagot ng kawal.
"Sabihin mo sa kaniya pagkatapos niyang kumain ipinatatawag ko siya dahil gusto ko siyang makausap." Agad namang sinunod ng kawal ang utos ng hari.
"Magpahinga muna tayo Chance, alam kong pagod kana rin." Naglakad papasok ang dalawa sa trono ng mahal na hari. Pagdating nila sa sentro ng Regundon sa kaharian ni King Daltus, agad na pumasok si Chance sa isang silid upang magpahinga.
"Aking anak kung ikaw ay nagugutom mauna kanang kumain."
Nakaupo si King Daltus sa trono ng kaniyang kaharian. Pinagmamasdan niya ang bawat sulok ng kaniyang kaharian.
Sa kaniyang isipan palagi niyang pinanghahawakan at pinapanatili ang salitang kapayapaan. Hindi siya sang-ayon sa isang lugar kung saan kasamaan at walang kapayapaan ang naghahari.
May kumatok sa pinto ng kinaroroonan ng Supremo. Agad namang pinapasok ng hari ang kawal sa kaniyang kaharian kasama ang lalaking kaniyang ipinatawag.
"Mahal na hari nandito na po siya." Iniharap ng kawal ang lalaki sa Supremo. Kung dati ay gusot-gusot ang kaniyang pananamit ngayon ay naging malinis at maayos na ang kaniyang kalagayan, dahil sa kawanggawa na ipinakita nang Supremo.
Nagbigay-pugay silang dalawa sa Supremo bilang paggalang.
"Sige maaari mo na kaming iwan." Bilang pagsunod sa kahilingan ng Supremo, tumayo ang kawal sa kaniyang kinaluluhuran at naglakad palabas.
"Maaari kanang tumayo." Utos ng hari sa lalaki.
"Maraming salamat po mahal na hari." Kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang lubos na pagpapasalamat sa kabaitang ginawa sa kaniya ng hari.
"Kumuha ka ng iyong mauupuan." Itinuro ng hari ang isang sulok kung saan nakalagay ang mga upuan.
"Hindi mo kailangan ipagpasalamat ang ginawa kung pagtulong sa'yo. Tungkulin ko ang tumulong sa mga taong naapi at nilalapastangan." Hindi makatingin ng direkta ang lalaki sa mga mata ng hari.
"Ano po ba ang aking maisusukli sa kabutihang ginawa ninyo sakin?" Nagbabakasakali ang lalaki kung mayroon man siyang maitutulong sa mahal na hari.
"Wala akong hinihiling na kapalit, dahil likas ang aking pagtulong. Pero kung ipagpipilitan mo, ang nais ko lamang ay bigyan mo ako ng mga impormasyon tungkol sa kaharian ng Phoerix." May mga bagay na nais malaman ang hari tungkol sa kaniyang mahigpit na kalaban na bansa, ang Pheroix Kingdom.
"Ang tanging bagay na masasabi ko lamang sa ngayon mahal na hari ay patuloy parin ang kasamaan na ipinapakita nang Supremo sa mga katulad kung kapos palad. Wala paring kalayaan ang mga katulad ko at pilit na sinasaktan ng mga autoridad." Mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki sa hari. Habang sinasabi niya ito ay naalala niya ang kaniyang sinapit sa kaharian ng Phoerix.
Nilapitan ng Supremo ang lalaki dahil sa hindi nito mapigilang pag-iyak, hinaplos niya ang likkuran ng lalaking nag-gate crash.
"Wag kang magalala isang araw matatapos din ang kaniyang anomalyang ipinapakita." Panghahawakan ni King Daltus ang mga binitawan niyang salita dahil gusto niya na makawala ang mga nakakaawang mamamayan sa kamay ng malupit na Supremong Gasillius.
Kung sakaling dumating man ang araw na magkakaharap silang muli ni King Gasillius titiyakin niya na matitikman nang Supremo ang hirap na dinanas nang kaniyang mga inaping mamamayan.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasía[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...