Chapter 9
Third Person's POVSa kalagitnaan ng gabi, mahimbing na natutulog ang binatang si Chance Meyer. Sa tuwing siya ay natutulog sinisigurado niya na walang ilaw na makakapasok sa kaniyang silid. Dahil ito ay nagbibigay ng sobrang init sa kaniyang katawan at nagpapahina sa kaniyang body system.
Pagod na pagod ang katawan ng binata dahil sa buong araw na pagi-ensayo. Lubos ang paghahanda sa kaniya ni King Daltus para sa kinabukasan ni Chance. Panatag ang loob ng hari kahit may kapansanan ang binata dahil kaya niyang alagaaan at protektahan ang kaniyang sarili. Lalo na't ngayon nalaman niya na may natatanging misyon pala si Chance sa mundong mortal.
Hindi mapakali at papalit-palit ng posisyon ang binata sa kaniyang pagtulog. Iba ang lakas ng enerhiya na pumapasok sa kaniyang utak.
"Tay... tay huwag mo kaming iiwan ni Nanay!" napasigaw si Chance dahil sa kaniyang masamang panaginip. Narinig ng mahal na hari ang sigaw ng binata, kaya agad naman niyang pinuntahan ito sa kaniyang silid.
"Ano ang nangyayari sayo Chance?" pinakiramdaman ni Chance ang enerhiya na nanggagaling sa kaniyang amang hari. Agad niyang inakap si King Daltus ng mahigpit.
"Nanaginip ako mahal na hari, isang napaka-masamang panaginip,"
"Ano naman ang laman ng iyong panaginip?"
"Napanaginipan ko na iniiwan ako ng aking ama," hindi man sabihin ni Chance sa mahal na hari ang kagustuhan niya na makitang muli ang kaniyang mga tunay na magulang ay ramdam naman ito ni King Daltus sa mga mata ng binata.
"Kakaiba nga ang ganung panaginip anak, baka may malalim na mensaheng gustong ihatid ang iyong panaginip,"
"Baka nga nangangahulugan iyon na wala na ang aking tunay na ama," lingid sa kaalaman ng binatang si Chance na pumanaw na nga ang kaniyang tunay na ama.
"Huwag kang magsasalita nang ganyan Chance darating din ang tamang panahon na magkikita kayo ng mga tunay mong magulang," bata palamang si Chance ay nangako na si King Daltus na gagawin niya ang lahat para magkita sila nang mga tunay nitong magulang. Pero hanggang ngayon wala parin silang balita kung saan naroroon ang mga tunay na magulang ni Chance.
"Bumalik kana sa iyong pagkakatulog at dito lamang ako magbabantay sayo," humiga muli si Chance at inantay ng hari na bumalik sa pagkakatulog ang binata.
Lubos ang ibinuhos na pagmamahal ng hari sa batang iniwan at natagpuan sa kaniyang barko. Itinuring niya ito bilang kaniyang tunay na anak. Bago pa man dumating si Chance sa kaniyang buhay ay nagkaroon na siya ng asawa at anak. Nang dahil sa trahedya parehong nasawi ang mag-ina na siyang naging dahilan kaya hindi na muling nag-asawa ang hari.
Pinipilit ng mga autoridad ng kaharian ni King Daltus na muli siyang maghanap ng bagong mapapangawasa. Upang ang kanilang magiging anak ay siyang maging sunod na uupo sa trono ng kaharian.
Kinabukasan, bagong umaga para sa mga mamamayan ang kanilang haharapin. Ang mga manggagawa ay nagsipunta na sa kanilang mga tungkulin. Mga manggagawa ng teknolohiya ay patuloy na gumagawa ng mga bagong kagamitan para sa kaunlaran ng kanilang kaharian.
Ang mga sundalo at kawal ng kaharian ay nagsasanay sa battle field ng kaharian.
"Pagbutihin ninyo ang pagsasanay, walang lalampa-lampa," utos ng heneral ng mga sundalo. Gamit ang mga bagong imbensyong espada at fire gun ay sinasanay ng mga sundalo ang kanilang mga sarili sa paggamit nito.
"Vicente nakita mo ba kung saan pumunta si Chance?" tanong ni King Daltus sa isa sa mga sundalo ng kaniyang kaharian.
"Nakita ko siya sa harden ng kaharian mahal na hari, nagpapahangin at nagmumuni-muni," sagot ng sundalo sa mahal na hari.
"Puntahan mo at sabihin mo sa kaniya na kami ay magkakaroon ng pagsasanay,"
"Masusunod mahal na hari," yumuko ang sundalo at nagbigay-pugay sa Supremo ng Regundon.
Pinuntahan ng mga sundalo kung saan nila huling nakita si Chance. Sa garden ng Regundon Kingdom, malawak at makukulay na mga bulaklak ang mga nakatanim dito. Sa tuwing gustong magpahinga ng binata at lumanghap ng sariwang hangin ay dito siya nagpupunta.
"Mahal na munting Prinsipe ipinatatawag po kayo ng iyong amang hari," Prinsipe ang tawag ng mga autoridad at kawal ng kaharian sa binatang itinakda.
"Ipinatawag niya ba ako dahil kami ay magsasanay muli?"
"Opo mahal na Prinsipe," tumango ang sundalo kay Chance.
Palapit na sana ang mga sundalo sa kinauupuan ni Chance ngunit pinigilan ito nang binata.
"Kaya ko ng maglakad mag-isa," Nakakapansin din ang mga sundalo sa mga kakaibang kilos ng binata.
Pagdating ng binata sa kinaroroonan ni King Daltus ay agad niyang kinuha ang regalo niya para sa nalalapit na kaarawan ng binata. Dalawang linggo bago ang kaarawan ni Chance ay ginugunita ng kaharian bilang tanda kung kailan dumating ang binata, na siyang nagdala ng tunay kaayusan at kapayapaan sa kaharian.
"Chance tanggapin mo ang aking paunang regalo para sa iyong kaarawan," isa itong kwintas, hindi lang ordinaryong kwintas dahil ito ay agimat na may taglay na kapangyarihan.
"Kwintas ba ito mahal na hari?"
"Oo. Magagamit mo 'yan bilang proteksyon kung sakaling nasa alangining sitwasyon ka Chance,"
"Maraming salamat amang hari," inakap ng binata si King Daltus tanda ng kaniyang pag-papasalamat.
"Ngayon ay simulan na natin ang ating pagsasanay,"
Inihanda ng hari ang dalawang espada na gagamitin nila.
"Ngayon naman ay patunayan mo sakin kung gaano kalakas ang iyong pandama."
Naka-posisyon na ang dalawa sa pagsasanay. Unang umatake ang hari, agaran niyang natamaan ang espada ni Chance. Bumawi ang binata at natamaan din niya ang sandata ng hari. Maliksi at alerto ang ginagawang pag-atake at pag-ilag ng binata.
"Ngayon naman ay pakiramdam mo Chance ang aking tunay na kapangyarihan," nag-concentrate ang hari at dinama ang enerhiya na nagmumula sa kalangitan. Isang mabilis na kidlat ang tumama sa direksyon ni Chance ngunit agad naman niya itong napabalik sa kalangitan dahil sa pagtutok niya ng kanang kamay sa direksyon ng kidlat.
Natulala ang mga sundalo dahil sa ipinakitang kapangyarihan ng munting Prinsipe, ngayon lamang nila natuklasan na ang batang pinalaki ni King Daltus ay may kapangyarihan din katulad ng kaniyang amang hari.
"Ikaw nga ang taga-pagligtas munting Prinsipe," labis ang tuwa ng hari sa ipinakitang paunang kapangyarihan ni Chance. Hindi inaasahan ng hari na tunay ngang may kapangyarihan si Chance.
"Hindi ko alam amang hari kung paano ko 'yon nagaw," palaisipan kay Chance kung saan nagmula ang ganung lakas na pinakawalan niya. Hindi siya makapaniwala na siya rin ay may taglay na kapangyarihan na katulad sa kaniyang amang hari.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasy[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...