Special Chapter

55 6 0
                                    

Third Person's POV

One week later...


Ang lahat ng mga tao sa Phoerix Kingdom ay labis ang tuwa na nadarama. Para sa kanila isa itong pinakamagandang handog na natanggap nila. Dahil sa balitang dumating sa kanila, na sa naganap na digmaan sa underworld na pagkatalo ng kanilang Supremo at pagkasawi nito.

Lubos nilang ikinagagalak ang balitang ito, dahil sa wakas lahat nang kasamaan nang kanilang malupit na Supremo ay magwawakas na.

Bumalik na sa mortal world ang kinalalagyang lokasyon ng Phoerix Kingdom.

Kitang-kita ang epekto na dulot ng digmaan, labis na pagkasira ng mga gusali lalong-lalo na ang kastilyo ng Phoerix Kingdom.

Karamihan sa mga mandirigma at sundalo ng Phoerix ay nasawi, kung dati ang bilang nila ay aabot sa isang batallion ngayon ay konti nalang ang natira.

Para sa mga tauhan ng kapitolyo ng Phoerix isa itong malaking kawalan na haharapin nila sa kanilang paglalakbay. Dahil hindi sila makakapamuno ng maayos kung wala ang kanilang Supremo na gagabay at magdidikta sa kanila.

Sa harapan ng sirang kastilyo ng Phoerix Kingdom, pagdadalamhati ang hatid ng Prime Minister ng World Leaders sa pagkawala ng isang natatanging hari. Pero para sa mga ordinaryong mamamayan ay karangalan sa kanila ang mabawasan nang ganung uri ng mamumuno.

"Ikinalulungkot ko ang pagkawala nang Supremo ng Stalerian society, pero kung ano ang napag-usapan ay ganun ang mangyayari, kaya wala na akong magagawa kung ano kinahinatnan ng digmaan sa underworld," ang tuno ng pananalita ng Prime Minister ay may halong kalungkutan. Isa rin itong kawalan para sa kaniya, dahil mawawalan siya ng isang Supremo na magaling tungkol sa pamumuno ng kaunlarang pambansa.

Pilit na tinatanggap nang dalawa pang kapatid na hari ni King Gasillius ang kaniyang pagkawala.

Hindi pa nila lubos na matanggap ang maagang pagkawala nang kanilang kapatid na Supremo. Siyempre kahit sino naman ay mahihirapan agad sa pagtanggap ng isang buhay na nawala.

"Masakit man para samin ang kaniyang biglaang paglisan ay unti-unti nalang namin itong tatanggapin, ang kaniyang desisyon na pagsalang sa digmaan ay may dahilan kung bakit sinolo niya. Siguro ay may magandang dahilan din ang kaniyang pagkawala," makikita sa mga mata ni King Nitron ang lungkot at pagdadalamhati sa kaniyang kapatid na hari.

Ang mahal na Prinsesa ng Rhiptus Kingdom ay hindi rin makapaniwala sa agarang paglisan nang kaniyang Supremo.

May galit parin sa mga mata ang ibinibigay na tingin nang hari ng Oceanus Kingdom na si King Tyran.

Mahirap mang tanggapin para sa kanila ang pangyayari na ito, pipilitin nalang nilang isipin na ang naganap na ito ay may dahilan kaya maaga pang kinuha ng kanilang Amang Hari at Inang

Ang lalaking nakapuslit sa kaharian ng Regundon ay nakahinga na ng maluwag, dahil sa tunay na kalayaan na nakamtam. Hindi lang para sa kaniya kundi pati para sa kaniyang kapwa ordinaryong mamamayan. Lubos ang kaniyang pasasalamat kay Supremong si King Daltus dahil sa tulong na ibinigay sa kanila, ang magkaroon ng kapayapaan at kalayaan.

Ang mahal na diwata ng kapalaran ay lubos din ang pagpapasalamat dahil naisakatuparan ni Chance ang misyon na ibinigay sa kaniya. Ngayon ay wala nang gulo at pang-aapi na magaganap pa sa mundong mortal dahil nasugpo na ng tagapagligtas.

Habang sa loob ng kaharian ng Regundon ay magandang balita rin ito sa kanila. Nabuhayan ang lahat ng mga mamayan sa kaharian dahil sigurado silang ligtas na ang mga ordinaryong mamamayan na naninirahan sa kaharian ng Phoerix.

Lubos na ipinagmamalaki ni King Daltus ang kaniyang munting Prinsipe tungkol sa tagumpay na dinala niya sa mortal world. Ang kapayapaan ang kaligtasan ng bawat tao sa kamay ng mga malulupit na mamumuno.

"Taglay mo nga Chance ang maging isang magaling na mamumuno ng isang kaharian," ipinatong ni King Daltus ang kaniyang kaliwang kamay sa balikat ng binatang si Chance Meyer.

"Maraming salamat ama, pero bago ang lahat nang iyan gusto ko munang mahanap ang kinaroroonan nang aking mga magulang. Hinahangad ko na sana ay buhay pa sila at nasa maayos na kalagayan," ang mga mata ng binata ay nagpapahiwatig ng pananabik na makitang muli ang kaniyang mga magulang.

Nakagawa man ng kabayanihan ang binata alam niya sa kaniyang sarili na may kulang parin sa kaniyang buhay, ang makasama at maakap ang mga taong nagbigay sa kaniya nang buhay.

"Huwag kang magalala Chance ipinahanap ko na sa ating mga opisyal ang iyong mga magulang noong nasa underworld pa tayo, mga ilang sandali nalang ay babalik na sila at magdadala nang magandang balita sayo," gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata, alam niyang gagawa ng paraan ang kaniyang ama para magtagpo silang muli ng kaniyang nawalay na mga magulang. Pero lingid sa kaalaman nang binata na wala na pala ang kaniyang tunay na ama, dahil binawian na ito nang karapatang mabuhay ng malupit na Supremo ng Phoerix.

Pagkatapos nang ilang sandali, ang mga naatasang opisyal ni King Daltus ay nagbalik na sa kaharian. Kasama ang isang naghihinagpis na babae ngunit may mga ngiti sa labi dahil sa pagkakataon na inaantay niya.

Habang papasok ang mga opisyal at ang babaeng hinanap nila, nakatuon lamang ang attensyon ng babae sa pigura ng binatang si Chance. Kaya hindi niya napigilan at mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan ni Chance. Inakap niya nang mahigpit si Chance at agad naman itong sinuklian din ng binata, dahil sinasabi nang kaniyang puso na ito ang matagal na niyang gustong makasama na tao.

"Mabuti naman at ligtas ka, talagang ipinapanalangin ni Chance ang pagkakataon na ito na mangyari. Ngunit bakit mag-isa kalamang, nasaan ang iyong asawa?" sa huling tanong ni King Daltus tumulo ang luha sa mga mata ni Aling Melinda.

Sa pagkakataong ito lumabas ang opisyal sa kaharian ni King Daltus.

Sinabi niya sa hari at kay Chance na pinatay ang kaniyang ama nang malupit na haring si King Gasillius.

Namuo ang galit sa mga mata nang binata, ngunit wala na siyang magagawa dito dahil wala na ang kaniyang ama. Masakit man itong tanggapin para sa kaniya, ngunit kailangan niyang harapin ang katotohanan. Ipinagpapasalamat nalang niya na makakasama na niya ang kaniyang ina ngayon.

Hindi man maanigan nang binata ang wangis ng taong nagbigay sa kaniya ng buhay, pero kitang-kita parin niya sa mukha nito ang pangungulila at pagmamahal sa kaniya ng kaniyang ina.

Pagkatapos nang ilang araw, nakamtan na nga ng Phoerix ang tunay na kapayapaan at kalayaan sa kanilang mga sarili. Ang kanilang mapayapang pamumuhay ay wala ng humadlang ngayon, dahil sa pagbagsak nang kaharian na pinamumunuan ni King Gasillius ang Phoerix Kingdom.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon