Chapter 12: Short Tempered

66 11 0
                                    

Chapter 11
Third Person's POV

Ang mga dinakip na mga kababaihan sa Phoerix Kingdom ay ikinulong sa isang silda na tanging dilim lamang ang makikita ng mga babaeng bihag.

Nag-aantay ng tamang pagkakataon ang Supremo ng Phoerix sa pagsagawa ng kaniyang masasamang plano.

Natatakot ang mga kababaihan sa kung anong maaaring gawin sa kanila ng mga autoridad. Ang mga inang dinakip ay sobrang nag-aalala para sa kanilang mga babaeng anak. Natatakot at nag-aalala sila sa kanilang mga nagdadalagang babaeng anak, dahil alam nila na hindi ito dadakpin kung walang masamang plano ang gagawin sa kanila.

"Pakawalan ninyo kami! Maawa na kayo samin!" Sigaw ng isang bihag na babae, sa lakas ng sigaw ay dinig na dinig ng mga sundalo at kawal ang boses ng babaeng nagmamakaawa sa loob ng kulungan.

"Magsitahimik kayo!" Sinaway ng kawal ang babaeng nagsisi-sigaw at pinukpok ng kawal ang pinto ng kulungan upang tumahimik ang mga bihag.

"Mga walang hiya kayo, pakawalan na ninyo kami!" Sigaw pa ng isang bihag na babae.

Binuksan ng tatlong kawal ang pinto ng kulungan at hinanap kung saan nanggagaling ang sigaw ng mga bihag.

"Kayong mga walang kwentang nilalang kayo, kung ayaw ninyo na mapaaga ang inyong kamatayan magsitahimik kayo!"Sigaw ng isang kawal.

Nabahala ang mga bihag na babae dahil sa pagtutok sa kanila ng mga sharp edged knives. Ang dalawang babae na nagsisi-sigaw ay nagtago sa gilid dahil sa takot na baka patayin sila nang mga kawal.

"Maawa na po kayo samin, pakawalan na ninyo kami." Pumulupot at nagmamakaawa ang isang ina sa kawal upang sila ay pakawalan.

Tinadyakan ng kawal at tumalbog ang nakakaawang babae. Walang awa ang mga kawal sa pagtrato sa mga taong nasa mababang antas ng lipunan, maging lalaki man ito o babae.

*

"MGA hangal kayo, mga walang silbi." Nagaalburoto na sa galit ang Supremo ng Phoerix dahil sa nalaman niyang may nakatakas sa kaniyang Kingdom.

"Ngayon ay ipaliwanag ninyo sakin nang mabuti kung paano nakalabas sa kaharian ko ang basurang nilalang na 'yon?" Ang tinutukoy ng Supremo ay ang lalaking nag-gate crash sa Regundon Kingdom.

"Marahil isinagawa niya ang pagtakas sa kalagitnaan ng gabi mahal na hari." Nakaluhod sa harap ng trono ang heneral ng mga sundalo.

"Hindi ako kumbinsido sayong pagpaliwanag, kahit gabi ay mahigpit ang ating security system kaya malabong matakasan tayo nang ganung-ganun lamang."

"Marahil pinag-planohan nila nang mabuti upang maka-puslit ang lalaki na 'yon."

"Malaking kahangalan! Kahit isang basurang mamamayan lamang ang mawala saking kaharian ay malaking kawalan na 'yon saking pagunlad."

"Ipagpaumanhin po ninyo mahal na Supremo tinitiyak po namin na gagawa kami ng paraan para mahuli ang nilalang na 'yon."

"Mainam kong ganun." Umupo ang mahal na Supremo sa kaniyang trono at nag-iisip kung ano ang nararapat na paraan para maibalik ang lalaki na nag-gate crash.

Patuloy paring nakayuko ang mga sundalo sa paanan ng Supremo. Hindi sila tumatayo ng ganun-ganong lamang dahil lubos ang pagrespeto nila sa kanilang hari.

"Ang tanging gawin niyo lamang ngayon ay mas paigtingin pa ang pagbabantay sa ating kaharian upang masiguro na walang maghahangad ng masamang plano laban sakin."

"Opo mahal na Supremo."

"Tumayo na kayo at magsibalik na sainyong mga tungkulin." Marahang wika ni King Gasillius. Sa panahong ito hindi niya lubos na paiiralin ang kaniyang galit dahil alam niyang hindi ito makakatulong.

*

LABIS ang pagaalala ni King Gasillius dahil lalo pang nabawasan ang bilang nang kaniyang mga nasasakupan.

Dahil sa kaniyang malupit na pag-aalipin sa mga mamamayan ay hindi na nila nakayanang mabuhay pa.

Kung sino-sino nalang ang pinagbubuntungan ng Supremo ng kaniyang galit dahil sa kaniyang kawalan.

"Mga walang hiya kayong mga basura kayo. Ang inyong pagkamatay ang siyang magiging dahilan ng aking pagbagsak." Sa mataas na parte ng kaharian ng Supremo, pinakawalan niya ang mala-fireball na tumama sa isang bahay ng kaniyang nasasakupan.

Nagdulot ito ng takot at tensyon sa mga naninirahan sa may parteng natamaan ng apoy. Lalong-lalo na ang mga taong naninirahan sa loob ng bahay na nagsilabasan dahil sa mabilis na pagkalat nang apoy.

Lumapit ang dalawang kawal ng mahal na hari at nagbigay-pugay sa kaniya.

"Mahal na hari, ipag-paumanhin po ninyo ang aming paggambala ngunit hindi niyo dapat ginagamit ang iyong kapangyarihan dahil magdudulot lamang ito nang kapahamakan sa ating mga nasasakupan." Saad ng isang kawal sa hari. Naintindihan ng hari kung ano ang nais ipahiwatig ng kawal. Pero nag-iba ang timpla ng itsura ng hari.

"Walang may makikialam sa mga kilos ko, ang nais ko ay siyang laging masusunod. Ako ang hari dito kaya ako ang makapangyarihan." Humarap sa mga kawal ang mahal na hari. Masama at makamatay tingin ang ibinaling niya sa dalawa.

"Nababawasan na po ang ating mga tauhan kaya dapat lang po na maging maingat tayo ngayon." Sagot ng isang kawal sa hari.

"Pinakikialaman niyo ba ang aking mga desisyon, ako ang hari dito kaya ako ang masusunod!" Dahil sa galit ng hari, lumikha siya ng tie-fire. Ipinulupot niya ito sa leeg ng dalawang kawal at pinalutang sa ere.

"Walang sinuman ang magdidikta sakin kundi ako lamang. Mga katulad lang din kayo sakanila, mamatay na kayo!" Sa sobrang gigil ni King Gasillius ay itinapon niya ang dalawa mula sa mataas na parte ng kaniyang kaharian. Na siyang nagdulot ng malalakas na sigaw na galing sa dalawa, at takot mula sa mga taong nasa baba ng kaharian.

Nagulat ang mga ordinaryong mamamayan dahil sa kanilang nasasaksihang pagpatay. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumaslang ang mahal na Supremo sa kaniyang mga kaalyansa.

Halong emosyon ng pagkaawa at galit ang makikita sa mga mamamayan na nasa mababang uri ng lipunan. Sa mga nakalipas na araw ay halos araw-araw may namamatay sa Phoerix Kingdom.

Karamihan sa mga nasasawing mamamayan ay nasa pinaka-mababang antas, ang beggar. Sa sobra nilang pagta-trabaho mula araw hanggang gabi ay halos wala nang pahinga ang kanilang mga katawan. Kaya hindi nagtatagal ay bumibigay ang kanilang mga katawan.

Hindi lamang ito pinansin ng Supremo, bumalik siya sa kaniyang trono at umupo. Lumapit ang heneral ng mga sundalo sa hari at nagbigay pugay.

Dala ang bagong balita na ipapahayag sa hari, ay lubos na hindi ikakagalak ng Supremo.

"Mahal na Supremo, sa tingin ko dapat na nating isakatuparan ang ating plano. Patuloy parin ang pagbaba ng bilang ng ating nasasakupan."

"Iyang pangyayari na 'yan dito sakingkaharian ay mas lalong ikinatataas nang aking dugo. Hindi ko papayagan na lumubog at bumagsak ako bilang hari."

"Ngunit, mahal na hari nabawasan din tayo ng dalawang kawal. Baka sa susunod mga kawal naman ang bumaba ang bilang sating kaharian."

"Hindi ko papayagan na mangyari iyan dahil ang kaharian na aking pinamamahalaan ay ang pinaka-progresibo sa tatlong kaharian naming magkakapatid."

"Pero sana mahal na Supremo hindi na uli maulit ang pangyayari na 'yon."

Ang heneral ng mga sundalo ay ang pinaka-matalik na alalay ng Supremo. Mula nung siya ay nagbibinata pa lamang kasama na niya ito sa bawat pagsasanay at digmaan na kinahaharap ng kanilang kaharian.

"Tinitiyak ko 'yan, ang kailangan nating gawin ngayon ay isagawa ang ating plano."

Mas paiiralin ng hari ang kaniyang plano kahit sobra itong labag para sa dignidad ng mga kababaihan na kaniyang dinakip.

Fallen World of PhoerixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon