Chapter 5
Third Person's POVMay kung anong unexplainable gravitational force ng kalikasan ang biglang tumama Phoerix Kingdom, kakaiba ito sa pakiramdam ng mga ordinaryong tao kung saan bumagal ang oras dahil sa hindi matukoy na lakas nang pwersa na hatid nito. Isang kakaibang nilalang na mula sa ibang dimensyon ang bibisita sa Phoerix Kingdom.
Hatinggabi na at mahimbing na ang tulog ng mag-asawang Peter at Melinda. Kahit sa munting bahay nila na minamaliit ng mga autoridad ng Phoerix ay mapayapa parin ang kanilang pagpapahinga, dahil sa preskong hangin na nagmumula sa dagat.
"...ang inyong magiging panganay na lalaking anak ay siyang magiging tagapag-ligtas sa inyong naaaping lipunan..." Ang salita na hindi mawala-wala sa panaginip ng mag-asawa.
Mahimbing parin at mapayapa ang tulog nang mag-asawa. Bago pa man nabuhay ang nawalay nilang anak sa kanila ay naririnig na nila ito sa kanilang mga panaginip.
Nagising ng sabay ang mag-asawa dahil sa kung anong malamig na dumampi sa loob ng kanilang pakiramdam na dala ng hangin.
"Peter napanaginipan mo rin ba uli ang palagi nating napapanaginipan?" Tumango si Peter sa kaniyang asawa.
"Nangangahulugan iyon Melinda na buhay pa nga ang ating anak."
"Tama ang inyong hinala buhay pa nga ang inyong anak. At siya ang magiging daan tungo sa kalayaan ng inyong bansa." Nagulat ang dalawa dahil sa biglaang pagsulpot ng isang magandang babae, na nakasuot ng luminous na damit na kulay gold, at may hawak-hawak na malaking libro, at lumulutang sa eri.
Siya ang diwata na may karapatan na magpasiya sa kapalaran ng mundo. Na siyang nakatakda para magdesisyon kung ano ang magiging kapalaran at kinabukasan ng kaharian ng Phoerix.
"Sino ka? Bakit bigla ka nalang sumulpot sa bahay namin?" Napabalikwas ang dalawa sa gulat ng makita ang mahal na diwata.
"Huwag kayong matakot isa akong kaibigan." Mahinhing tugon ng diwata.
"Paano kami makakasiguro na totoo nga ang iyong sinasabi samin?" May duda si Melinda sa diwata, dahil sa isip niya baka ipinadala ito ng Supremo para ipa-patay sila.
"Alam ko kung nasaan ang inyong anak. At simula pagka-sanggol niya ay ako na ang taga-masid niya hanggang sa kaniyang paglaki."
Ang isang diwata sa mortal world lalo na ang diwatang tagahawak ng kapalaran ay nagpapakita lamang sa mga mortal na tao kung papalapit nang maganap ang nasabing propesiya, na nakaukit sa libro ng kapalaran. Pero bago piliin nang libro ng kapalaran ang bata na maging taga-pagligtas, ay bago ito ipanganak ay nagpaparamdam na sa panaginip ang diwata sa mga magulang nito.
"Maraming salamat mahal na diwata sa pagbabantay mo sa aming anak." Nabuhayan ng loob si Peter, dahil hindi siya makapaniwala na sa tagal nang panahon na nawalay sa kanila ang kanilang anak ay nananatili parin itong buhay at nasa mabuting kalagayan.
"Paumanhin mahal na diwata, tungkol sa aming anak, ano pala ang ibig mong sabihin tungkol sa taga-pagligtas?" Nagtataka ang mag-asawa sa nais sabihin ng diwata, dahil lubusan nilang hindi maintindihan ang kaniyang gustong iparating.
Gumamit ng magic spell ang diwata at ipinakita niya sa mag-asawa ang kasalukuyang kinaroroonan ng taga-pagligtas. Labis ang galak sa mukha ng mga tunay na magulang ng taga-pagligtas ng makita nila ang tindig ng kanilang anak, subalit hindi nila makita ang itsura ng mukha ng bata dahil nakatalikod ito.
"Siya ang bukod tanging pupuksa sa kasamahan merong naghahari dito sa inyong lugar." Bumaba na mula sa pagka-lutang ang mahal na diwata. Kapag tumatapak ang mga diwata sa mundong mortal, ay nawawala ang kanilang kapangyarihan dahil sa spiritual grounding. Dahil sinisipsip nang lupa ang kanilang kapangyarihan papunta sa underworld.
"Pero mahal na diwata ang aming anak ay may kapansanan, wala siyang kakayahan na malaman kung ano ang mga nangyayari sa kaniyang paligid dahil bulag siya."
Nagulat ang mag-asawa sa sinabi ng diwata na ang kanilang pinakamamahal na anak na may kapansanan ay siyang magiging taga-pagligtas sa kanilang bayan. Hindi nila lubos maisip kung paano panghahawakan nang kanilang anak ang nasabing kapalaran na ibinigay para sa kaniya.
"Malakas ang aking paninindigan na hindi hadlang para sa kaniya ang kaniyang kapansanan upang simulan niyang gampanan ang tadhanang itinakda ko para sa kaniya. Siya ang aking napiling tagapag-tanggol dahil naniniwala ako na may angkin siyang lakas at kapangyarihan na bukod tangi sa lahat." Tumingin ng diretso sa mga mata ng mag-asawa ang mahal na diwata na may halong emosyon ng pangungumbinsi.
"Basi dito sa pahina 20 ng libro ng kapalaran 'ang batang bulag na siyang magiging taga-pagligtas ng kaharian ng Phoerix ay ang magiging pinaka-makapangyarihan sa buong mundo', ibig sabihin kung gagamitin nang taga-pagligtas ang kapangyarihan sa kabutihan ay magagawa niyang pabagsakin ang Phoerix Kingdom."
Unang tingin palang ng mahal na diwata sa napiling taga-pagligtas noong ito'y sanggol pa lamang, kitang-kita niya sa kailaliman ng mata ang pagiging likas na mabait at mapag-tanggol na katangian ng bata. Siya ang bukod tanging napili dahil ibang-iba ang pagkatao at panlabas na anyo ng bata.
Pala-isipan parin sa dalawa ang mga salitang sinabi sa kanila ng mahal na diwata, kung totoo man ito ay ipinapanalangin nila na sana maganap na nga ang propesiya upang ang lahat ng mamamayan ng Phoerix ay makalaya na sa madilim na pamumuno ng Supremo.
Pero para sa mag-asawa ang pangyayari na hindi nila makakalimutan ay ang araw kung saan tuluyang hindi na makakakita ang kanilang sanggol. Dahil mismo ang mahal na Supremo ang dahilan nang pagka-bulag ng bata.
Pinipilit ng Supremo na kunin ang bata mula sa mag-asawa upang gawin itong alipin sa kaniyang kaharian. Nakita ng Supremo sa mga mata ng sanggol ang pagiging malusog at malakas nito kaya puwersa niyang kinukuha ang bata, pero ipinagdadamot ito nang mga magulang ng sanggol. Kaya ang ginawa ng Supremo binuhusan niya ng hydrofluoric acid ang mga mata ng bata, na siyang ikinasanhi ng pagka-bulag.
Simula noon labis na ang namuong galit nang mag-asawang Peter at Melinda kay King Gasillius, dahil hindi lang kinabukasan nilang dalawa ang sinira niya kundi pati nang kanilang pinakamamahal na anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/187915959-288-k899072.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasy[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...