Chapter 22
Third Person's POV"Dahil sa alitan nang dalawang hari sa ating organisasyon, ngayon ay pinoproklama ko ang digmaan laban sa Phoerix at Regundon Kingdom doon mismo sa underworld," saad ni King Mattias sa harapan ng WLC meeting, sa harapan ng mga hari ng world leaders.
Dahil sa inanunsyo nang Prime Minister nagulat ang mga hari sa balitang ito. Ang pagkakaalam nila na political peace na ang layunin nito ay pagkakaisa-isa ng bawat kaharian sa buong mundo ay mali pala.
"Kaya pala noong unang conference natin dito ay nagkaroon nang alitan ang dalawang hari, dahil bumabalik na naman sa kanilang mga alaala ang huling digmaan ng dalawang hari," saad ng isang hari sa isang sulok.
Sa tuwing nagkakaroon nang matinding labanan sa panig ng dalawang kaharian, dito nagaganap ang reverse motion of Kingdoms.
Lahat ng mga ari-arian sa bawat kaharian at mga nasasakupang autoridad nito ay mabilis na nagti-teleport sa ibang dimensyon, ang underworld.
Hindi maipaliwanag nang mga tao sa mortal world ang kakaibang pwersa na nararamdaman nila. Dahil sa pwersa na dala nito kung saan nadadala ang gravity ng tao sa lupa at nawawalan sila ng balanse sa sarili.
"Chance, sabihin mo lang sa akin kung hindi kapa handa para sa isang digmaan?" Nababahala si King Daltus para sa kalagayan ni Chance dahil ito ang kauna-unahanang pagkakataon ng binatang si Chance Meyer na sasalang sa isang digmaan.
"Oo naman mahal na hari, ang lahat ng mga tinuro ninyo sa akin ay malaking tulong na para sa kaalaman ko isang digmaan," desididong saad ng binata.
Dahil sa reverse motion na epekto nang pag-proklama ng isang digmaan. Ang kaharian ni King Daltus ay nasa underworld na.
Tahimik at malawak kung ilalarawan ang underworld, nababalot ng kadiliman kahit saang sulok ay itim na kulay lang ang makikita. Matataas na gusali at nakakatakot na mga kastilyo ang nakatirik sa underworld.
Walang naninirahan sa lugar na ito, dahil ito lamang ang mundo kung saan ginanap ang malakihang digmaan laban sa dalawang kaharian.
Nawawala lamang ang epekto ng reverse motion kung ang isang hari ay sugatan na nang lubusan o mamamatay na.
"Mabuti naman kung ganun Chance, tinitiyak ko na sana makontrol mo nang mabuti ang iyong kapangyarihan."
Ang kapangyarihan na handog ng diwata sa binata ay lubos na makapangyarihan. Kung gaano kalakas ang kakayanan ni Chance ay doble ito kumpara sa kapangyarihan ni King Gasillius.
"Kahit hindi ko pa nadidiskobrehan ang aking mga kapangyarihan, tinitiyak ko amang hari na magagamit ko ito nang mabuti," buong tapang haharapin ngayon ng binata ang banta ng digmaan meron sa kanila, dahil gusto niyang maipag-higante ang mga taong naaapi sa Phoerix Kingdom.
Dinig na dinig ng mga tao sa kaharian ng Regundon ang ingay na likha ng kabilang kaharian ang Phoerix.
Dahil sa pagtambol nila sa isang malaking drum, nakalikha ito nang malaking ingay sa kabuuan ng underworld. Senyales ito na handa na ang Phoerix sa digmaan na magaganap sa underworld.
Agad namang naalerto ang Supremo ng Regundon sa sensyales na ibinigay na tunog ng Phoerix Kingdom.
"Ihanda ang mga kawal, ngayon ay susulong na tayo sa Phoerix. Ito na ang pinakaaantay nating pagkakataon," tugon ni King Daltus.
Ang binatang si Chance ay handa na rin sa digmaan na magaganap. Suot-suot parin ang mga regalo sa kaniya nang kaniyang amang hari, ang agimat at ang latex shade.
"Kahit anong mangyari Chance, huwag kang magpapa-bigla sa iyong mga kilos. Antayin mo ang senyales ko kung kikilos kana o hindi pa," naintindihan agad ng binata ang nais ipahatid ng kaniyang ama.
Dalawang grupo ng mga batallion ng mandirigma ang naglalakad palabas sa dalawang kaharian mayroon ang underworld ngayon. Ang bawat kaharian ay may parehong bilang ng mga mandirigma.
Habang naglalakad ang mag-tunggali, ramdam na ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan ng dalawang kampo.
Kung sa huling digmaan na naganap sa dalawang kaharian ay mabilis agad na natapos. Ngayon ay magiging mahaba-haba ito dahil sa tagal nang panahon na namuong galit sa pagitan ng dalawang mga Supremo.
"Handa kana bang mamatay Daltus?" Arroganteng sabi ni King Gasillius.
Magkaharap na ang dalawang kampo, kahit natatabunan nang kadiliman ang kapaligiran ng underworld. Kitang-kita parin ng mga Supremo ang kanilang mga mukhang nag-aalburoto sa galit.
Mabigat na emosyon ang nararamdaman ngayon ni Chance, marahil tungkol din ito sa nararamdaman niyang galit para sa kaniyang amang hari.
"Ikaw handa kana rin bang matalo ulit?" Mapanghamon na asal ni King Daltus.
Dahil sa sinabi nang Supremo ng Regundon, agad namang kumulo ang dugo ni King Daltus.
Nagbigay ang Supremo ng Phoerix ng senyales sa kaniyang mga mandirigma na sumugod sa kabilang panig.
"SUGOD!" agad namang naalerto ang Supremo ng Regundon at ang binatang si Chance.
Malalakas na sigaw ang maririnig habang sumusugod ang mga mandirigma ng bawat kaharian.
Nang nagkaharap na ang mga mandirigma ay agad na palitan ng mga sandata ang kanilang ibinaling.
"Protektahan ang mahal na Prinsipe!" pinuntahan kaagad nang ibang mga kawal ang kinaroroonan ni Chance at pinalibutan ito upang masiguro ang kaligtasan.
Sa pinaka-sentro ng battleground, ang dalawang Supremo ay nagsisimula na ring maglaban.
Gamit ang kanilang mga sandatang pandigma, dito ibinuhos ng mga Supremo ang kanilang mga galit sa isa't-isa.
Malalakas na atake nang sandata ang kanilang inaatake at tinatanggap.
"Mamatay kana!" itinutok ni King Gasillius ang kaniyang sharp edged sword sa liig ng Supremo ng Regundon.
Biglang tumigil ang digmaan nang mga mandirigma ng dalawang kaharian.
Nabahala ang mga kasamahan ni King Daltus dahil baka kung ano ang sapitin ng kanilang hari sa mabangis na Supremo ng Phoerix.
Namimilipit na sa sakit si King Daltus dahil mas lalo pang dinidiin ni King Gasillius ang pagdiin ng espada sa liig ng Supremo ng Regundon.
"Ano gusto mo na bang mamatay? SAGOT!" Singhal ng Supremo sa hari ng Regundon.
"Gawin mo, hindi puro kalang satsat." matapang na sagot ni King Daltus.
Kahit nasasaktan na si King Daltus nakuha parin niyang insultuhin ang mabangis na Supremo.
Dahil sa sense of sensitivity ni Chance Meyer, bigla niyang sinugod ang Supremong si King Gasillius. Dahil sa ginawang self attack nang binata, nagulat ang mga tao sa paligid sa sobrang lakas ng pwersa na dala ni Chance.
Tumalbog ng ilang metro mula sa kinatatayuan niya ang Supremo ng Phoerix.
"Ang lakas naman nun Chance," manghang sambit ni King Daltus.
Mula sa pagkakabagsak, tumayo ang Supremo at bumangon na mayroong dugo sa kaniyang labi.
"Malakas nga iyon bata, nagawa mo akong patalbugin," pinahid ng Supremo ang dugo sa kaniyang labi.
Sa unang paghaharap ng dalawang kaharian nakatanggap agad ng paunang pagkatalo ang Phoerix Kingdom. Kaya labis itong ikinagalit ni King Gasillius.
BINABASA MO ANG
Fallen World of Phoerix
Fantasía[ S Y P N O S I S ] Staleria- is a State where society takes the political, economy, socioeconomic, and racial inequality, this movement is called Stalerianism. Composed of three Kingdoms- Oceanus, Rhiptus and Phoerix. Ang Phoerix ang pinaka-centro...